CHAPTER 21

2.5K 45 3
                                    

CHAPTER 21
AUTHOR'S POV


Pagkababa ng kotse ni Chip agad nitong sinuot ang hood ng kanyang jacket, mabuti nalang at wala masyadong poste ng ilaw sa dadaanan kaya makakalapit siya sa bahay ng hindi agad mapapansin.


Tahimik at maingat siyang naglakad hanggang sa huminto siya sa malaking puno na nasa tabi lang ng bahay na iyon, tinago ni Chip ang sarili sa punong iyon habang nagmamasid sa labas ng bahay.


Napangisi siya ng makitang isang tao lang ang nagbabantay sa labas ng gate at may hawak itong mahabang baril.


Dahan dahan siyang umalis mula sa pagkakakubli ng sarili sa puno at tahimik na lumapit sa bakod na pader ng bahay, lumapit siya sa dulo ng pader at sinilip ang lalaking nagbabantay.


Ilang saglit siyang nagmasid dito, nang makakita siya ng oportunidad para lapitan ang lalaki ng tumalikod ito sa gawi niya ay mabilis at walang ingay siyang naglakad palapit dito habang dahan dahan binubunot ang nakasukbit na baril sa kanyang likuran.


Nang makalapit ay mabilis ang naging kilos ni Chip, kinulong niya sa kaliwang braso ang leeg ng lalaki habang ang kanang kamay niyang may hawak ng baril ay tinutok niya sa sentido nito.


Nanigas ang lalaki at nabitawan ang hawak na lighter, napaawang din ang bibig nito dahilan para malaglag ang nakaipit na sigarilyo sa labi nito.


"Wag kang gagawa ng kahit anong ingay kung ayaw mong taniman ko ng bala yang bungo mo." mahina pero may pagbabantang ani Chip sa lalaking hawak, pansin niya ang pagbilis ng paghinga ng lalaki tanda na kinakabahan ito.


Tumango naman ang lalaki at marahang tinaas ang dalawang kamay, inalis ni Chip ang kaliwang braso niyang umiipit sa leeg ng lalaki at mabilis kinuha ang hawak nitong baril habang nakatutok pa din sa sentido nito ang baril na hawak, sinukbit din niya ang strap ng baril na iyon sa kanyang kaliwang balikat saka tinulak ang lalaki paalis sa lugar.


"maglakad ka lang ng daretso at tahimik, dalawang baril ang nakatutok sayo ngayon kaya wag kang kikilos ng ikakapahamak mo." pagbabanta niya sa lalaki na sumunod naman sa sinabi niya.


Daretsong naglakad ang lalaki gaya ng sinabi ni Chip habang siya naman ay nasa likod nito, nakatutok din sa lalaki ang dalawang baril na hawak ni Chip.


Nang makarating sa sasakyan ay agad na binuksan ni Chip ang pinto ng backseat, hindi niya din inalis ang nakatutok na baril sa lalaki dahil hindi niya hahayaang makataas ito sa kanya.


Inis ang lalaki ng umupo sa loob ng sasakyan, akmang susugurin niya si Chip na pasakay palang sa loob nang maramdaman niya ang malamig na bagay na dumikit sa sentido niya, natigilan ang lalaki at dahan dahang nilingon ang passenger seat.


Nangilabot ang lalaki habang tulalang nakatitig sa magandang babaeng seryosong nakatingin sa kanya at tinututukan siya ng baril, napalunok pa ito dahil sa kilabot na naramdaman.


Nang tuluyang makapasok si Chip sa sasakyan ay tinuon nila ang atensyon sa lalaki.


Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon