EPILOGUE

3K 68 10
                                    

EPILOGUE
AUTHOR'S POV

After ten years..

Nagising si Chip dahil sa ramdam niyang pagtusok sa kanyang pisnge, nang imulat niya ang mata ay agad siyang napangiti ng makita ang limang taong gulang na anak na babaeng si Demi.


"Yey, dad is awake."


Agad na umalis sa kama si Chip at kinarga ang kanyang anak na tuwang tuwa dahil sa tagumpay itong gisingin siya.


"Did mommy told you to wake me up?" tanong nito sa anak na sunod sunod naman ang pagtango, napangiti si Chip at hinagkan ang anak sa matatabang pisnge nito.


Buhat ang anak ay naglakad siya papunta sa pintuan, pagbukas na pagbukas niya nito ay agad na natigilan si Chip.


"Kuya faster! We're gonna be late!" sigaw ng sampong taong gulang niyang anak na babae na si Elaine na sinusuklay ang buhok nito habang kinakalampag ang pinto ng kwarto sa tapat niya.


Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang panganay niyang anak na si Chip, basa pa ang buhok at di magkanda ugagang ibinobutones ang polong suot.


Sabay ang dalawa na patakbong tinungo ang hagdanan, kumunot ang noo ni Chip dahil hindi man lang siya napansin ng mga anak, napatingin siya sa anak na karga karga ng marinig ang hagikgik nito.


napailing nalang siya at nag umpisa ng maglakad patungo sa hagdanan, nang makababa ay nakita niya si Devi na papasok ng pintuan.


nilapitan niya ito, gamit ang isang kamay ay pinulupot niya iyon sa bewang ng asawa at hinapit palapit sa kanya.


"Good morning wife." bati niya dito at akmang hahalikan ito sa labi ng harangin ng kamay nito ang mukha niya kaya takang tinignan niya ito.


lumayo ito sa kanya at nakapamewang siyang tinaasan ng kilay.


"Chip Torres hindi ba at nagkalinawan na tayo tungkol sa panonood ng movies sa gabi lalo na at may pasok kinabukasan." napakamot ng ulo si Chip habang nakatingin sa asawa na tinaasan siya ng kilay.


"Sorry na mahal, Hindi ko lang mahindian yung mga bata kagabi." Paano niya ba tatanggihan ang pagpapaawa at pagpapacute na ginawa sa kanya ng anak niyang si Elaine kagabi para pumayag siyang manuod sila ng movie hanggang sa maghating gabi.


Napabuntong hininga naman si Devi at iiling iling na kinuha mula sa kanya ang bunso nilang anak, dahil sa pagpupuyat ng mga ito ay kamuntikan pang maiwan ng school service and dalawa niyang anak dahil late na ito nagsi gising.


"I don't want to happen this again Chip, I'm telling you." nginitian naman ni Chip ang asawa saka inakbayan.


Nagpaanod naman si Devi kay Chip at sabay sabay silang naglakad papuntang dining area.


Habang kumakain ng almusal ay napabaling si Chip kay Devi na sinusubuan ang anak nilang si Demi na nakaupo sa tabi nito, hindi niya mapigilang mapangiti.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon