CHAPTER 22

2.6K 47 3
                                    

CHAPTER 22
AUTHOR'S POV

Humahangos si Devi ng buksan niya ang pinto kung saan siya nakarinig ng tatlong sunod sunod na putok ng baril.


Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Devi habang tulalang nakatitig sa katawan ni Chip na nakadapa sa sahig, unti unti ding umaagos mula sa katawan nito ang napakaraming dugo.


"M-mommy.." umangat ang tingin ni Devi sa pinag mulan ng boses, nanlumo siya ng makita ang anak na iyak ng iyak habang nakagapos ang katawan.


Hindi napigilan ni Devi ang pagpatak ng luha sa mata niya, ang lalaking mahal niya ay nasa sahig at duguan, ang anak niyang walang humpay ang pag iyak na nakagapos ng katawan.


binaling ni Devi ang tingin sa babaeng nakatayo sa pwesto kung nasaan ang anak niya, may tama ito ng baril sa isang balikat, may hawak din ito na baril na ngayon ay nakatutok na sa kanya.


"H-how are you my dear cousin? It's nice to finally see you again." mapang uyam na sabi ni Selene sa kanya, kahit pa nanghihina dahil sa tama ng baril ay pinilit pa talaga nitong magsalita ng ganon sa kanya.


Hindi siya umimik at dahan dahang inabot sa likod niya ang baril na nakatago doon pero natigilan din ng marinig ang nanghihina pero nang iinis na tawa ng kanyang pinsan.


"Oh my dear cousin, you really gonna kill me with your son as an audience?" napakuyom ang kamao ni Devi at bumaling sa anak na tumigil na sa pagiyak ngunit panay pa din ang paghikbi habang nakatingin sa kanya.


napapikit siya at huminga ng malamim, pagdilat ng mata niya ay tinuon niya agad ang tingin sa pinsan, blanko ang mga mata niya habang titg na titig sa pinsang nakangisi sa kanya.


napatingin siya sa braso nitong tuloy tuloy pa din sa pagdudugo, alam niyang nanghihina na to sa dami ng dugong nawala at alam niyang napakadali lang sa kanya na patayin ang pinsan.


"Chip, baby." tawag niya sa anak niya ngunit hindi siya lumingon sa pwesto nito pero ramdam niyang nakatingin lang sa kanya ang anak. "You're a smart kid right? you always follow what mommy said to you." kita niya sa gilid ng mata niya ang pagtango tango nito.


Nagpakawala ng hangin si Devi bago isatinig ang susunod na sasabihin. "Close your eyes anak, kahit anong marinig mo ay wag na wag mong bubuksan ang mga mata kung hindi ay magagalit si mommy." ngumiti si Devi saka nilingon ang anak, nakatitig lang ito sa kanya, tinanguan niya ang anak na mariing pumikit.


"Such a b-bad mother to your c-child Devilaine—"


Hindi na nagawang tapusin ni Selene ang sasabihin nito, nang mabilis na hinugot ni Devi ang baril sa kanyang likuran at sunod sunod na binaril sa katawan ang kanyang pinsan na hindi man lang nagawang makaganti ng baril sa kanya.


blanko ang mata niyang sinundan ang pag bagsak ng walang buhay na katawan ng kanyang pinsan sa sahig, agad niyang iniwas ang tingin.


Hindi niya akalain na dadating siya sa puntong papatayin niya ang sariling pinsan, kaya siya lumayo dito at kay Chip dahil hindi niya ito kayang saktan dahil kadugo niya ito, kahit noon pa man ay hindi na niya gusto ang pinsan ay kagudo at pamilya niya pa din ito kaya naman nagpaubaya siya at iniwan ang mahal niya sa pinsan.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon