*December 24*

"Im glad na hindi natuloy yung engagement nila catherine at jhiyu, they were friends" sabi ni papa. Humalik ako sa pisngi nila at tumalikod

"anak, saan ka pupunta? Maghahanda pa tayo para sa birthday mo mamaya at mamaya nasa 20s kana" sabi ni mama habang natatawa

"ma, makikipag kita lang po ako sa classmate ko" sagot ko tsaka na ako sumakay sa sasakyan

*

Pagkarating namin sa isang malaking bahay ay agad kaming bumaba ni tatay laor. Pinapasok kami ng katulong nila att pinaupo sa sofa, napatingin ako sa malaking litrato ng bahay na yun at sa babaeng nasa gitna ng dalawang mag asawa. Huminga ako ng malalim at tumingin sa dalawang taong kakababa ng hagdan

"sandy"

Umupo sila sa tapat ko habang nakatingin parin saakin ng diretsyo

"lumaki siyang mabait na bata" sabi ni tatay laor sakanilang dalawa na ikinangiti nila. Ngumiti ako at tumayo tsaka yumuko

"kamusta po kayo?" tanong ko sa mabigat na damdamin

"ayos lang naman kami anak, ikaw?" tanong ng lalakeng nakaputi na ikinakagat ko ng labi

"ayos naman po. Nahihirapan lang po ako sa sama ng loob ng mahigit 19 years. Hindi niyo po ba alam yung hirap ko? Kinakatakutan po ako ng maraming tao, tinuturing akong halimaw, kinakatakutan at iniiwas iwasan. Mahirap pong itim at puti lang ang nakikita at higit sa lahat mahirap pong tanggaping ng mga taong gusto kong matanggap ako, hindi ako kayang mahalin ng gusto kong mahalin. Bakit niyo po ako iniwan?"

"Nabigla kami anak. Hindi namin alam ang gagawin namin, naging madamot kamit purkit malaki na ang nakuha namin at ayaw naming mawala iyon. Nagsisisi kami" sabi niya at napayukong umiiyak

"wag po kayong umiyak, dahil naiintindihan ko naman po kayo. Inalagaan at minahal naman po ako ng sobra nila mama. Wala po akong sama ng loob sainyo at pinapatawad ko po kayo. Kaya din po ako nandito dahil Kaya ko po kayong tulungan kay maxxine" sabi ko at ngumiti. Napatayo sila dahil duon habang nakangiti.

"ta-talaga!!" / "talaga anak?" sabay nilang tanong at hinawi ang mga luha

"your here" napatigil ako at dahan dahang tumingin sa pintuan

Maxxine, jhiyu's girlfriend. 3 years ago, akala ng lahat ng nasa university o lahat ng mga taong nakakakilala sakanila na nasunog ang katawan ni maxxine sa kotseng sinakyan niyang sumabog pagkabangga. Pero kung paano iligtas ni jhiyu ang kapatid niyang si henna ay ganun din ang ginawa niya kay maxxine..

Nalaman kasi ni henna na emgage silang dalawa ni catherine and jhiyu was afraid na baka galawin ng lolo ni si maxxine kaya nung nangyari yung accidente.. Ginawa na niya yun

Ng makatuntong ako sa skwelahan, alam na ni jhiyu na kapatid ko si maxxine, kaya siya humihingi ng tawad una palang.. Pero hindi niya alam yung parteng isinumpa ako kaya may mga tanong siyang hindi masagot ng iba..

Kaya lagi siyang wala dahil kay reign at maxxine, si  daniel, yung lalakeng gustong pumatay kay jhiyu naman sa sobrang galit kay jhiyu dahil may gusto siya kay maxxine at halos agawin lahat ni jhiyu ang lahat ng nakay daniel kaya mas lalong nagalit si daniel dahil nalaman niyang buhay si maxxine..

Jhiyu And Sandy : Love Of A RoseDove le storie prendono vita. Scoprilo ora