"sandy, my mom just called me, kailangan niya ako sa office niya.. Baka di muna tayo makakapasyal ngayon. Im really really sorry" sabi niya habang naglalakad kami palabas ng classroom

"okay lang yun, don't worry. Next time nalamg siguro, mag ingat ka" sabi ko at agad niya akong niyakap bago tumakbo paalis

"yieeee thank you, I'll call you later!!" sigaw niya bago pa makalayo. Huminga ako ng maluwag at naglakad papunta sa bus stop

**

Gusto mong gumala ngayon, kaya panindigan mo

Mag iisang oras na ang lumipas at malapit na akong makaakyat sa susunod na bus. Actually kanina pa ako tumatanggi sa mga bus na dumadaan at pinapauna ang iba dahil sa sobrang kaba. But right now, hindi ko na papalampasin to.. Im not scared..

"napakatagal naman, kanina pa yan nakatayo jan ah!" rinig kong pagrereklamo ng isang lalake sa likuran ko. Mismo.

"hysst yaan mo na babe, paghindi pa umalis yan. Tatadyakan ko na yan" saad ng babae na ikinatingin ko sa likuran ko. Ngumiti ako ng tipid at tuluyang humarap sakanila

"Im sorry for the both of you, kayo nalang po muna nalang mauna, pasensya na po" sagot ko at gumilid tsaka pumunta sa likuran nilang dalawa. Tumingin ako sa ibang direksyon ng makita kong nakatingin sila ng diretsyo at masama saakin

"nagbabait baitan" rinig kong saad ng babae sa lalakeng kasama niya. Huminga ako ng malalim at napakagat sa ibabang labi, humarap ako sa likuran at naglakad paalis

"get out" napatingin ako bigla sa harapan ko at napatingala. Nanginig ako bigla ng makita ko si jihyu sa harapan ko

"Get out of my sight! You just disrespect my rules. Get OUT!" sigaw niya na ikinagulat ko dahil sa lakas ng boses niya. Tumingin ako sa sinisigawan niya at yun yung dalawang magshotang kinausap ko kanina lang. Dirediretsyo ang lakad nilang dalawang paalis ng magkaruon sila ng daanan

"sala--" napatigil ako ng higitin niya ang kamay ko at marahang pinaharap sa harapan at nakita ko ang bus na kararating lang. Napalaki ako ng mata ng bigla niya akong higitin at itinulak ng dahan dahan papasok duon sa loob ng bus tsaka niya ako tinulak makaupo. Napalaki ako ng mata at napasinghap ng agad siya bumaba at paluin ang bus na ang ibig sabihin ay ang isarado ang pintuan

"teka, a-ano to?" nasabi ko dahil sa hindi makapaniwalang ginawa niya

"no one can enter this bus" rinig kong saad niya nago pa unti unti nagsara yung pintuan, na bigla ko namang ikinataranta. Napakagat ako sa bibig ko at biglang nanginig ang mga kamay ko dahil sa pag andar ng bus

AHHHHHHH!!!!!

"kuya wait lang po!!" napapikit ako at napahawak sa harap kong upuan ng bigla iyong prumeno. Tumayo ako bigla at humarap sa pintuan bilang senyas ng pagbaba ko. Ilang sigundo ay dahan dahan iyong bumaba

"pasensya na po" Pagka baba na pagkababa ko ng bus ay nakita ko silang lahat na nagtitinginan saakin. Napaatras ako ng magunahan silang tumakbo sa bus at magsipasok. Pero mas ikinakaba ko ng makita ko ang tingin ni jihyu saakin na sobrang talas at sama habang nakapamulsa siya. Hindi na ako nagdalawamg isip at Mabilis akong tumakbo paalis at palayo duon

I can't do it alone

Ng makalayo ako sa waiting shed sa harap ng school ay agad akong umupo sa tabi ng daan at kinalkal ang cellphone tsaka tinawagan si mama na agad naman niyang sinagot

"honey is there any problem?"

***

Napasapo ako sa nuo ko ng makita ko ang sinend na link saakin ni catherine. Isang page ng university, na sa pagkakatanto ko ay secret page ng school. Napakagat ako sa labi ko ng mabasa ko ang post ng babae tungkol sa pag baba ko ng bas na pag iinarte raw, hindi ko na binasa lahat ng comment ng makita kong libo libo na ang comment nun. Tinanggap ko ang tawag ni catherine ng bigla siyang tumawag

"Im really really sorry! It was my fault! Iniwan kita duon.. Sandy don't worry--"

"no, it wasn't your fault. Kasalanan ko yun, kinabahan lang talaga ako going outside, sana di muna ako nagmagaling hahaha" paliwanag ko at humiga

"don't worry, lagot sakin yang nagpost--" napaupo ako bigla at napatapat ng bunganga sa cellphone

"NO! catherine don't" sabat ko at agad siyang pinakinggan. Ayukong madamay ang iba dahil lang sa kabobohan ko

"what? No! Pinahiya ka niya!" sagot niya na ikinatango ko pero hindi parin ako pumayag

"Yes pinahiya niya ako, pero ako ang unang pumahiya sa sarili. Im fine catherine, theres no need to rush. Bayaan nalang natin ang judgement mapunta sakanya" sagot ko

"Im going to kill her pag umabot pa yan kinabukasan" sabi niya ng may inis na ikinatawa ko ng mahina

"Its fine, don't worry--" napatigil ako sa pagsasalita ng may biglang sumigaw na mga lalake sakanyang sabay sabay

"get us food!!"

"SANDALI LANG! WHAT THE FUCK!" sigaw niya na ikinangiwi ko sa lakas ng boses niya na tumama sa tenga ko. Baka sila na yung sinasabi niya kanina sa canteen, pero parang hindi maganda ang tunguhan nila duon dahil sa pag sisigawan nila

"Sigeh sigeh, see you tomorrow, mukang busy ka. Take care catherine, thanks for the concern" sabi ko at ngumiti ng tipid

"hindi kasi sila makapag antay ehh.. O sya! Pinagbawalan na kita, sasapakin ko talaga yung babaeng yun. Okay, night night, take a rest--- SANDALI!! MGA KINGINA NAMAN TONG MGA TO" sigaw ulit niya at agad pinatay ang tawag

*Morning*

"Good morning ma--" naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang mga taong nakaupo sa sofa. Yung babaeng may dahilan ng ingay kagabi sa social media tungkol saakin kasama yung lalake na boyfriend niya habang nakayuko silang dalawa. Si jihyu na nakatayo habang nakatingin saakin at si mama at papa na nakangiti

"what is this?" natanong ko nalang

"Sandy, Im sorry. Where very sorry" sabi nung babae na ikinaiba ko ng pakiramdam. Hindi ko alam kung hiya o hindi pagiging komportable

"mama, papa" tawag ko sakanila. Hindi kasi ako tumatanggap o nagpapapunta dito ng kahit na sino. Alam ni mama at papa yan, yan ang pinaka unang utos dito sa bahay, kami kami lang dapat ang nandito at wala ng iba. Ayaw na ayaw kong may mga taong pumupunta dito sa bahay lalo na sa case ko o kapag ako amg rason, okay lang sana pag kaibigan nila mama at papa kaso hindi eh. Hindi ako komportable tsaka parang sinusugatan yung sarili ko.

Umatras ako at pumasok ulit sa kwarto ko

Jhiyu And Sandy : Love Of A RoseWhere stories live. Discover now