Chapter 10: Ang Pamimili sa Mall Kasama ang Chaperone

185 4 1
                                    

Sumunod na yung dalawang huling subjects, kaso imbes na makinig ako sa lecture, nagdadasal ako. Di naman ako babagsak sa mga subjects na ito, baka kasi bumagsak ako sa sahig nakahilatang walang buhay pag tumunog na yung bell. Oras na tumunog yang bell, goodbye buhay na.

Ayun na nga tumunog na yung bell. Napalunok nalang ako habang nagaayos ng gamit ko. Pinagpapawisan ako ng malamig kahit naka aircon na yung buong room namin. Bigla ba namang may umakbay sa akin.

“AHH!” napasigaw nalang ako bigla na parang babae. Naku, pumiyok pa ko.

“Wag ka ngang OA. Uwian na, oras na para magsalita ka.” Si Edward pala yon. Grabe wag mo naman akong gulatin ng ganon.

“P-pwede bang bukas nalang?” pabiro kong sinabi sabay tayo sa kinauupuan ko. Balak ko na sanang dumiretso na pababa ng hagdanan pero bigla nalang akong hinarang ni Faye na tila akala mo nagshoplift ako sa isang mall.

“At saan mo balak pumunta Alex Dimaculangan?” sa bahay ko, gusto kong magkubli doon, natatakot na ko para sa buhay kong papatapos na.

“P-pauwi ng bahay... bakit?”

“Hindi kita papayagang umuwi sa inyo!” pasigaw niyang sinabi.

“Um... gusto mo kong maki live-in sa inyo?”

“S-s-s-s-sira!! Wag mo kong ganyanin ngayon!”

Bigla nalang akong linapitan ng taong gusto ko na sanang layuan ng araw na yon; si kamatayan, ay este si Christina pala.

“Alex, sabi mo sabay tayong uuwi.”

“H-huh?”

“Grabe naman, kinalimutan mo na agad yung pangako mo sakin kahapon?” Teka, wag ka pong imbento. Wala tayong pinagusapan na ganyan ha?

“Wala naman tayong pinagusapan na-“ di pa ko tapos magsalita ay tinapakan niya yung paa ko. Aray! Gusto kong umiyak sa sakit, buti nalang di ka nakaheels crush pero grabe ang bigat ng tapak mo sakin ah.

“Aray!”

“Oh, ano pang inaarte mo diyan? Tara na Alex!” sabay hawak niya sa kamay ko at lumabas kami ng classroom namin diretso pababa ng building.

Sobrang bilis pa naman din niyang maglakad pababa, para ngang di lakad yung ginagawa niya eh, pangmarathon na sprinting ang dating sakin eh. Para nga lang akong tutang kinakaladkad ng amo ko. Maaawa pa yung amo sa tuta niya, etong amo ko... ewan ko kung anong turing niya sakin.

Mabilisan kaming umabot palabas ng school gates, parang sa kawalan kami patutungo. Pero ang sarap ng feeling, hawak hawak ni crush yung kamay ko. Kahit sa libingan ko pa niya ako dinadala okay lang, masaya naman ako na hindi kamukha ni kamatayan yung magbuburol sakin kung di isang anghel.

Bigla nalang kami napatigil nang makarating kami sa isang park na malapit sa school namin. Binitawan niya yung kamay ko at naupo siya sa isang malapit na bench doon.

“Oh, ano pang tinatayo tayo mo diyan? Ayaw mong umupo?” mataray na tinanong sakin ni Christina.

“U-um... naguguluhan lang ako...” tugon habang lumapit ako at umupo sa tabi niya.

“Ano naman ang gumugulo sa isipan mo?”

“Akala ko ba... tapos na buhay ko di ba?”

“Oo tapos na nga.”

“Eh buhay pa ako eh...”

“Samahan mo ako.”

“Huh?”

“Bingi ka ba? Sabi ko samahan mo ako.” Hindi po ako bingi, nagtataka lang ako bakit sa akin ka nagpapasama? Mukha ba akong chaufferon?

“S-saan naman tayo pupunta?”

Ang Kontrata (The Contract)Where stories live. Discover now