Chapter 1: Si Crush, Ako, at ang Kontrata

506 18 21
                                    

Teka lang mga miss at sir! Bago ko simulan ang kwentong ito, magpapakilala muna ako.

Di naman matagal, saglit lang to.

Ako nga pala si Alexander Dimaculangan, Alex D. for short.

Pangmayaman yung pangalan, pero hanggang dun nalang yon. Kasi sa maniwala kayo’t hindi, lagi akong nagkukulang sa mga bagay bagay. Eto isang halimbawa.

Magbabayad ako sa jeep lagi akong nakukulangan ng piso. Magdala man ng sobra, talagang ewan ko ba, nagkukulang talaga ako ng piso. Parang iniiwasan ata ako ni Rizal. Buti nalang may mabait na drayber ng jeep na tinatanggap pa ang pagkukulang ko. Yung iba kasi, biglaang sisigaw:

“BABA!!”

Kala mo parang nagdedeklara lang ng holdup sa bangko. Nako manong drayber, kung di lang talaga ako kinukulang ng piso, bibigay ko sayo yun. Di ko naman pagdadamot yun, piso nalang eh.

Simple lang ang buhay ko: gumising sa umaga para pumasok, magaral sa iskwela ng mabuti, umuwi sa bahay. Ay may nakalimutan pala ako sabihin; sabi na nga ba magkukulang nanaman ako sa salita eh.

Sa kada pagpasok ko sa iskwela, walang araw na di ko hinihiling na makita ko siya. Siya na nakakapagpabuo ng araw ko. Christina Liwayway, yan ang pangalan niya. Siyang ang creamer ng kape ko, ang palaman sa tinapay, ang anay ng aking kahoy, teka parang naiiba na tayo ah.

Tuwing makikita ko siya, bigla niya rin akong nakikita. Kakaway at dali daling pupunta sakin.

“Uy Alex! Good morning!” palagi niyang bati sakin.

“Good morning din!” bati ko rin sa kanya. Biglang nagkaroon ako ng feeling ng goosebumps. Ang aga aga goosebumps agad? Di ba pwedeng gabi nalang kapag madilim at nakakatakot na?

Anyway, may dalawang rason lang naman kung bakit ako ginugoosebumps. Una! Si Christina kasi ay tinuturing naming idol sa school. Maraming tagahanga dahil sa angking kagandahan, di nahuhuli sa grades di man siya ang top sa buong school alam ng marami na di siya mangmang. Sa sports naman, well, wag na natin masyadong usisain ang mga bagay na yon.

Ikaw ba naman kasama mo ang tinuturing ng iba na diyosa at para pa kayong sobrang close sa isa’t isa di ka ba naman tamaan ng inggit at selos? Yun ako, palaging nasa posisyon ng kinaiinggitan pag dating sa pagiging close kay Christina.

Pangalawang dahilan… hmm… pano ko ba sasabihin to?

May gusto ako sa school idol naming si Christina. Sa sobrang pagkakilig ko minsan ginugoosebumps ako. Kung may buntot ako ng aso, di ko siguro mapigilan ang kaliwa’t kanan na paggalaw nito sa kilig. Buti nalang tao ako, yun nga lang goosebumps ang inaabot ko.

Palaging ganito ang simula ng araw ko, magkikita kami ni crush tapos sabay pasok sa classroom namin. Magkaklase nga pala kami since 1st year high school; kasama din namin yung iba naming classmate pero mamaya ko na sila papakilala.

“Good morning classmates!!” Bati ng idol naming sa lahat.

“Good morning din!” tugon nila.

Ako’y pumunta sa aking upuan ganon din si Christina. Pagkaupo ko palang ay kinalabit na ako agad ng taong nasa likod ko.

“Oh, ginugoosebumps ka nanaman.”

“Sira, wala lang toh.”

“Wala lang? Ako pa naisipan mong lokohin!” tugon niya sabay pabulong na sinabi sakin “Nakasabay mo lang si idol pagpunta dito sa room, sobra ka namang kinilig.”

“W-w-wala kang paki kung kiligin man ako! Gusto ko yung tao eh.”

“O siya, sige na nga gusto mo.”

Ang Kontrata (The Contract)Where stories live. Discover now