Chapter 15: Sulat, Sulat at Sulat Parin

131 3 0
                                    

Matapos yon ay nagsimula ang klase naman. Pangatlo naming subject ay physical fitness, kaya kanya kanya kami ng palit ng damit. Ang mga kababaihan ay nagbihis sa may classroom at kaming mga lalaki, siksikan sa restroom tila mo mga sardinas kami doon.

“Badtrip PE pa subject natin!” pareklamong sinabi ni Edward.

“Wag ka na magreklamo, buti nga wala tayong subject kay FJS ngayong araw.” Sabi ko sa kanya, tapos na kong magbihis ng mga panahon na yon at nagsisintas nalang. Bilis ko noh?

“Eh siya naman una nating subject bukas.” Tugon niya. Oo nga noh, badtrip nga talaga.

Matapos magbihis ay dumiretso na kami sa may gym kung saan nagsimula nanaman kami magdrills. Yung mga babae, nagstretching stretching lang, habang kami naman, labing limang laps paikot ng court. Grabe talaga yung pagkakaiba namin sa PE. Halatang halata mo naman.

Pero parang ako lang nagiisip ng ganon, yung iba naman naming mga lalaki nageenjoy mag sight-seeing sa mga kaklase namning babae habang nagstestretching sila. Si Edward nga din eh kasama sa kanila, kaso eto naman, isang tao lang tinitgnan. Kilala niyo na siguro kung sino yun.

“Oo nga pala, nasan si crush ng mga panahon na yon?” Bigla kong naisip. Baka isipin niyo may iba akong iniisip wala noh. Matapos ang paghahanap ay nakita ko siya na kasama si Faye, nakakatapos lang nila magstretching.

“Hoy mga lalaki! Bilis bilisan niyo naman sa pagtakbo!! Dimaculangan, ano ba yan?! Wag kang titig ng titig!!!” teka bakit ako nakita mo?! Hinanap ko lang si crush, titig na agad tawag mo?

Hayaan mo na nga lang, tumakbo nalang ako ng mabilis at natapos ko rin ang pagtakbo at naupo ako sa sulok at nagpahinga. Sabay lang halos kami natapos ni Edward, kahit siya yung titig ng titig sa kanyang minamahal na si Faye.

“Whew. Nakakapagod noh?” sabi niya habang nagpupunas ng pawis.

“Oo nga eh. Napagod ka kakatingin.”

“E-eh ano ngayon? Kaw din naman ah!” hindi kaya, nagkataon lang nakita ako ng guro natin.

“At least girlfriend ko tinitignan ko. Hindi ako ligaw tingin.” Mayabang kong sinabi, pero alam ko kontrata lang ang pagiging kami sa harap ng iba.

“Aba kailan ka pa natututo magyabang? Bago yan ah.”

“Ngayon ngayon lang yan, pagbigyan mo na ako.” Matapos yon ay pinayagan na kami maglaro ng kung ano man ang nais namin. Nagkayayaan kami ng mga lalaki na magbasketball, nakisali nalang ako at si Edward naman ang kakampi ko.

Habang kami ay naglalaro, yung ibang babae ay nanuod samin, yung iba naman nagvolleyball. Si crush ay kasama dun sa mga nanuod, kailangan ayusin ko tong laro ko. Minsan nalang ako pwede magpaimpress sa kanya kaya-

“Alex, pass!” biglang bato sakin ng bola. Patay, di ko na masasalo!

Bam! Natamaan ako sa ulo at yung bola ay lumipat papunta kay Edward.

“Nice pass Alex!” sila ay tumakbo papunta sa ring ng kalaban at nakaiscore. Para lang akong diving board na pinagtalbugan ng bola. Yung kalaban naman yung may hawak ng bola, siyempe nagmadali kami bumalik sa court namin para dumipensa.

Nagkataon naman yung may hawak ng bola yung binabantayan ko. Todo wilig ako ng mga kamay ko para di siya makapasa. Umatras lang siya ng konti at doon sa kinatatayuan niya ay nagthree pointer siya. Sinubukan kong supalpalin, pero dahil sa angking kababaan kong tumalon, ay tila mababang kalapati lang ang talon ko. Pumasok yung tira niya na yon at dali dali silang bumalik sa court nila.

“Ano ba yan Alex? Ayusin mo naman!” sabi sakin ni Edward na dumidiretso papunta sa court ng kalaban. Aba pasensya na kung mababa ako tumalon ha? Napatingin ako kay crush at ayun tinatawanan niya ako kasama pa niya pa ang partner in crime niyang si Faye na tila mauubusan ng hangin kakatawa.

Ang Kontrata (The Contract)Where stories live. Discover now