Chapter 21: Sorry Dito, Sorry Doon, Isa-isa Lang Naman Ang Gawin Natin

101 4 0
                                    

Mga ilang minuto pa ay malapit na kami sa istasyon ng bus na malapit sa bahay nila Christina. Tumayo na siya habang ako naman ay sumunod sa kanya.

“Bakit bababa ka Alex? Di pa tayo malapit satin ah.” Tanong ni Faye. Isip isip din siyempre ihahatid ko pa siya pauwi, di ba nga boyfriend ako?

“Ihahatid ko lang si Tina—“

“Wag na, kaya ko na umuwi magisa.” Biglang sabat ni Christina na tila galit  parin sakin.

Nagbukas yung pintuan ng bus at bumaba siya ng biglaan doon.

“Sige sa linggo nalang tayo magkita kita!” sinabi ko sa kanilang dalawa at bumaba na kami ni Christina, habang naiwan sila Edward at Faye sa bus papauwi. Si crush ay mabilis na naglalakad pauwi, na aakalain mo may humahabol sa kanya o siya yung may hinahabol. Teleserye ba sa telebisyon ang hinahabol nito, o sumasama na yung tiyan?

“Bakit...” narinig ko habang naglalakad kami papunta sa bahay niya.

“Bakit?”

“Bakit ka ba nandito? Sabi ko nga sayo kaya ko na magisa eh!”

“Eh yun na nga eh, bakit ka ba ganyan sakin? Di ko naman alam kung ano ba nagawa ko sayo eh!”

“Hindi mo alam? Alam na alam mo ginagawa mo! Iniiwasan mo ko ng halos isang linggo na!! Hindi mo ba alam kung ano nararamdaman ko?!” Iniiwasan? Teka, baka yun yung pagiging malamig ko sa kanya nung exams week namin.

“Eh parang di ka pa naman sanay sakin eh! Di ba ganito na ko nung first year palang tayo?”

“Eh kahit ba naman sa sarili mong girlfriend ganyan ka?!” doon palang tinamaan ako ng konti, konti lang. Girlfriend ko nga siya, kahit sa kontrata lang pero siguro kahit ganon pa man ang sitwasyon naming dalawa, pinanghahawakan niya yung relasyon namin.

“Girlfriend... oo nga. Ako yung mali, Tina.”

“Ngayon ka lang natauhan..?”

“Medyo... sorry kung medyo parang wala ako sa sarili ko sa pagiging boyfriend mo.”

“Eh ano ba dahilan bakit ka ganon? Siguro naman hindi lang dahil ayaw mo bumagsak sa mga exams natin?”

“Nagsisikap ako kasi ayoko nang maging pabigat sa ate ko. Kung ako yung tipong magloloko sa pagaaral, malulungkot yun. Ayoko nang makita na ganon ate ko.”

“Malungkot? Bakit ano meron dati?” patay, muntik na ko madulas sa kanya. Ayoko ko muna ipagsabi yung nakaraan ng pamilya ko.

“W-wala yon... di ko kasi pwede ikwento eh...”

“Hmm... sige di na kita kukulitin tungkol dun. Ako din medyo nagiging madamot lang nitong mga nakaraang araw. Sorry din.” Akalain mo yun, siya humihingi ng tawad kahit ako naman yung mali. Sweet naman pala tong si crush kahit papano. Medyo kinilig ako sa loob loob ko lang.

“Pero...”

“Pero?” sabay tulak sakin ni Christina sa may pader at iniipit niya yung leeg ko gamit ang kanyang mga braso.

“Wag mo na uulitin yon.”

“O-o-opo...” okay binabawi ko yung sinasabi ko, ganun parin si Tina. Sweet sakin pag sa harap ng ibang tao, brutal sakin pag kaming dalawa nalang. May pwede bang isampa na kaso pag battered boyfriend ka?

Nakarating kami sa bahay nila. Bago pa siya makapasok ay bigla ko nalang siyang tinanong.

“Um Tina! Sa linggo, um... pwede ka na ba?”

“Oo na, pwede ako ng araw na yon.” Medyo natuwa naman ako sa narinig ko.

“Ay siya nga pala, akin na yung ticket nating dalawa.” Nagtataka ako bakit niya hinihinggi, kaya binigay ko nalang sa kanya.

Ang Kontrata (The Contract)Where stories live. Discover now