Chapter 5: Isang Pagsubok; Ang Premyo ay Isang... Tuta at Halik?

161 9 5
                                    

“Oh, apo. Nandito ka na pala.”

“Lola, siya na po yung sinasabi ko.” Sabay paatras niyang lakad patungo sa likod ko at dahan dahang pagtulak papalapit sa kanyang lola.

Nagkatitigan kami sa mata, grabe yung kaba na nadadama ko. Di ko aakalain na siya pala yung lola ni Christina. Kung titignan ko maigi, halos magkakorte sila ni crush ng mukha, sa sa style ng buhok halos parehong pareho. Siyempre naman kulay ng buhok ng lola niya puti na sa kanya ay itim, di pa naman matanda si crush.

“Oh iho, umupo ka muna.”

“S-s-salamat po...” grabe nanginig na boses ko sa takot. Umupo ako sa katapat na silya kung saan nakaupo si lola, si Christina ay tumabi sakin. Yung tingin ng lola niya kanina sa park at yung tingin niya ngayon nakakapanibago, parang di siya yung kanina kong nakilala. Maya maya lamang ay pumasok na si Lisa dala dala ang tsaa.

“Oh ayan lola ha? Meron na nga akong boyfriend. Di joke yung pinagsasasabi ko sayo!” sabi ni Christina sa kanyang lola na hanggang ngayon ay tinititigan parin ako. May gusto ba to sakin?

“Oo na apo, meron ka nang boyfriend. Naniniwala na ko sayo. Naaalala ko tuloy yung kabataan namin ng lolo mo.” Aba, nagmuni muni pa si lola.

“Kasing gwapo ni lolo di ba?” Natouch naman ako sayo crush. Gwapo na ko sa lagay kong ito? Kahit na para akong action star na gumulong lang sa kalye kanikanina lang.

“Aba, mas gwapo pa lolo mo. Pero pwede na siyang pagtiyagaan.” Grabe ha? Ako pa pagtiyatiyagaan? Ano ako, tira tirang ulam kagabi?

“Gwapo kaya si Alex! Di ba?” yinakap niya ko sa braso habang tumitingin sakin. Yung pagtitig pa naman ni crush parang nagsasabing “Sumangayon ka nalang.”

“Ahahaha...” mahina akong tumawa. Nakakatawa pa ko sa ganitong sitwasyon.

“Ay siya nga pala apo, may surpresa ako sayo.”

“Wow! Ano yun lola?!” Biglang sumigla pa lalo si Christina, na tila akala mo nanalo sa lotto.

“Nasa kwarto mo, pakikuha nalang dito, masakit na mga tuhod ko ha?”

“Eh, pano si Alex lola?” napatingin siya sakin, nagaalala na baka mapano pa ako.

“Sige na, kunin mo na yung surpresa sayo ng lola mo. Okay lang ako dito.” Pangiti kong sabi sa kanya.

“P-pero...”

“Sige na.” Muli, pangiti kong sinabi. Ngiti ako ng ngiti, di ko man lang alam na baka may tinga pala ako. Tapsilog pa naman din kinain ko kanina, baka may nakawit sa ngipin ko.

“Antayin mo lang ako dito ha?” Dali daling umalis na si crush, at naiwan kami ng lola niya.

“Lisa, pwede bang lumabas ka muna ng kwarto? Pakikandado na rin yung pinto pag labas mo.” Biglang nagbago yung tono ni lola.

“Okay po.” Sunod naman si Lisa sabay alis at kandado naman sa pinto.

Grabe anong gagawin sakin dito?! Momolestyahin kaya ako?! Bata pa ko!! Strikto ang parents ko! Ay ate ko pala kasama ko sa bahay. Maluwag at may pagka absent minded yun eh. Kung manakawan siguro ako, sasabihin lang nun wag akong tatanga tanga at bibigyan pa ako ng 200 para pamalit dun sa nanakaw sakin.

“Ngayon iho, gusto kong sagutin mo ako ng matino.”

Napalunok nalang ako ng sarili kong laway. Lasang tapa parin grabe. Naka ilang mentos na ko ah.

“O-okay po...”

“Yang apo kong si Christina, malambing, matulungin at masayahin man yan pag nakikita mo... pero sobra yan magselos, ayaw ng may kahati siya sa atensyon.”

Ang Kontrata (The Contract)Where stories live. Discover now