Chapter 14: Ang Mahiwagang Mensahe

125 4 1
                                    

Binabagabag ako ng kalooban ko ngayon. Hindi dahil sa atraso ko kay ate, matagal pa naman yun eh, sa sabado pa naman eh Martes pa lang naman; may tatlong araw pa ako para maayos toh. Nagring yung bell, uwian na pala. Akalain mo yun, pag may iniisip ka pala ang bilis lang ng oras.

Matapos kong ayusin yung gamit ko ay lumingon ako sa likod at tinignan si Edward na kasalukuyan pa ring nagaayos ng gamit niya.

“Uy Ed, wag kang tatakas ha? May sasabihin ka pa sakin.”

“Oo na, oo na. Pwede ba antayin mo ako sa rooftop?” sabi niya tapos sabay tayo at tila nagmamadali pang umalis ng room.

“Tatae na siguro toh.” Sabi ko sa sarili at kinuha ang bag ko’t sabay umalis na rin. Buti naman kung ganon, at least hindi ko na kailangan intindihin yung pagdala ng tissue mamaya.

Nakarating ako sa rooftop ng school, at tinignan ang malawak na kapaligiran sa aking harapan. Ako’y namangha sa nakita ko, ito kasi ang unang beses na nakarating ako dito kahit na ilang taon na kong nagaaral dito sa iskwelahan na ito.

Habang pinagmamasdan ko ang mga kapwa ko estudyante na nagsisiuwian na sa baba na tila mga kuto lamang sa liit ay nakita ko si Christina. Astig ano? Kahit malayo namumukhaan ko pa rin siya. Ganun talaga pag crush mo isang tao, daig mo pa mga sniper sa pagkilatis ng kanilang mga target sa malayo.

Maya maya ay nagsimulang tumunog ang isang kanta.

[“Sa umaga’t sa gabi sa, bawat minutong lumilipas... Hinahanap hanap kita... hinahanap hanap kita...”]

Parang pamilyar yung kanta ah. Ay oo nga pala, eto yung ringtone ko kapag tumatawag si Christina sakin. Pero bakit kaya niya ako tinatawagan ngayon?

“Hello?” magalang kong sinabi.

“Hoy Alex, nasan ka? Wala kang sabi sabi na umaalis ng classroom ah.” Mataray niyang sinabi sakin.

“Um, kasama kong uuwi si Edward ngayon. Okay lang ba?”

“May magagawa pa ba ako? Oo na, sige pero sa susunod magsabi ka man lang.” sorry na po amo, sorry na.

“S-sorry.”

“Sige, bye.” Sabay baba niya ng telepono sa akin. Tinitigan ko siya mula sa itaas ng rooftop at napunang naglakad na ulit siya papalabas ng iskwela. Mga ilang saglit lang matapos ang tawag ay, dumating din si Edward.

“Tagal mo naman Ed! San ka ba galing?” pagalit kong tinanong.

“May pinuntahan lang, wag ka na magreklamo buti nga nandito na eh.”

“Oh, magkwento ka na.” Sabi ko sa kanya sabay naglabas siya ng isang sulat.

“E-eto oh, basahin mo nalang.” Teka, ano toh? Parang teleserye na dito siya magtatapat sa akin ng paliham pa? Bahala na nga, basahin ko muna.

“Dear Edward Valdez, (wow ha? May pa dear dear ka pang nalalaman.)

Alam ko di mo ko kilala, (malamang di mo pa sinasabi pangalan mo.)

Pero may pagtingin na ko sayo dati pa. Sana naman ganon din nararamdaman mo para sakin.

-Nagmamahal, ang iyong tagahanga.”

“Eto na yon?” sabi ko sa kanya matapos ko mabasa yung sulat.

“Sino kaya yan tingin mo?” tanong niya sakin.

“Aba malay ko, pero ikaw ha? Tagahanga tagahanga ka pang nalalaman, pano na si Faye?” pabiro kong sinabi.

“Siyempre siya parin noh!”

“Oo na, wag mo na ulit ulitin. Ano plano mo ngayon?”

“Huh?”

“Diyan sa sulat na yan. Ano plano mong gawin?”

“Ewan ko. Tatapon ko siguro.” Minsan walang pakundangan tong si Edward eh. Kahit mga nagkakagusto sa kanya, basta hindi si Faye yon, binabalewala niya nalang. Hindi niya gawin ng maayos at sabihin yon sa mga nagtatapat sa kanya.

“Ikaw bahala. Ingat ka nga lang sa pagtatapunan mo, baka may makakita pa.”

“Oo na. Samahan mo nga ako, tatapon ko lang.”

“Grabe malaki ka nang bata, tapon mo na yan magisa.”

“Lilibre kita ng inumin mamaya. Ano di ka pa sasama?” medyo napaisip ako noon. Medyo nauuhaw narin naman na ako, sino ba namang di mauuhaw kung halos pagpawisan na ko sa init ngayon kakaantay pa sa kanya? Sa rooftop pa niya naisipan makipagkita para lang sa isang liham. Ano siya babaeng magtatapat sa akin?

“Sige na, gusto yung canned coffee.”

“Canned coffee ka diyan? Delatang kape nalang di mo pa masabi?”

“S-sorry na, nagpapasosyal lang.” matapos yon ay bumaba na kami at tinapon ang sulat sa may ika-apat na palapag. Wala naman kasi masyado pumupunta sa palapag na yon kaya siguro okay narin yon. Pero doon kami nagkamali. Hindi ako ha, si Edward.

Kinabukasan, nakasalubong ko si Edward sa may harapan ng kanyang lagayan ng sapatos.

“Oh, ano tinatayo tayo mo diyan?” dahan dahan niyang pinakita sakin yung sulat.

“Kala ko ba tinapon mo na?”

“Oo nga! Nandun ka nga eh!”

“Eh ano yan? Kinalkal mo matapos tayo umuwi kahapon?”

“Hindi! Di naman ako ganon noh! Bago toh, bago! Tignan mo nga, may bahid ba ng ginusot ko yan at binukasan?!” teka, bakit para kang natataranta? Liham lang yan.

“Oo na, binasa mo na ba?”

“Hindi pa.” Sabay naming tinignan yung liham.

“Dear Edward,

Bakit mo naman tinapon yung pinaghirapan kong sulat para sayo?

Nagpapaka-Maria Clara ka ba niyan? Hindi bale, susuyuin ko din yang matigas mong puso!

-Nagmamahal, ang iyong tagahanga.”

“Grabe na ito...” napanganga si Edward matapos niyang basahin yung sulat. Kahit ako din napanganga eh. Maria Clara? Susuyuin? Parang si Edward pa ang liniligawan ng babaeng toh ah!

“Good morning Alex! Edward!” biglang bati samin ni Christina na kasama pa si Faye.

“Good morning Alex, Ed.” Biglang tinago ni Edward yung sulat sa likod niya sabay bati rin. “G-good morning din.”

“Ano yung nasa likod niyo?” tanong ni Christina.

“W-wala toh! Di ba Alex?” sabay tingin sakin. Yung titig pa niya yung tipong gusto niya akong makisakay sa kasinungalingan niya. Tingin naman ako kay Christina, aba eto naman kung makatitig para akong kakainin ng buo. Naiipit ako.

“O...O-oo wala lang yun!” ayan nasabi ko na! Nagsinungaling na ko! Lagot ako mamaya! Kumagat ka na sa pain namin crush, please.

“Hmm... sige na. Tara sa room!” sabay yaya niya sa amin, at doon nagtungo na kami sa room namin. Pero pakiramdam ko may parang sumusubaybay samin sa malayo. Napalingon ako at tinignan kung meron nga, wala naman akong nakita.

“Oh, bakit Alex?” tanong sakin ni Christina.

“W-wala lang.”

“Teka, may sinusulyapan kang babae noh?” sabay hawak sa kamay ko at muli nagsimula nanaman ang mahigpit naming paghahawak kamay.

“W-w-wala nga! Ikaw lang tinitignan ko!” binitawan niya kamay ko at ngumiti sakin.

“Hihi, tara!” guni guni ko lang ba yung kanina? Malalaman natin.

Ang Kontrata (The Contract)Where stories live. Discover now