Chapter 20: Pagkatapos ng Exams...

133 2 1
                                    

At nagpatuloy na naglagas ng mga araw ang kalendaryo namin, at dumating na din ang araw na yon: linggo; ang araw na dapat ako’y magpapahinga ng lubusan para mapahinga naman ang utak ko na walang ginawa kung hindi magaral ng isang buong linggo.

Eto ako ngayon, naghahapit magaral at isasaksak sa aking maliit na kokote lahat ng pinagaralan namin mula simula ng semester hanggang sa kung ano naabutan namin ngayon. Midterm exams palang naman kami ngayon eh pero siyempre mahalaga ang pagaaral kaya dapat best effort ang binibigay natin para doon.

Ako naman ganon talaga, kaso alam niyo naman, may kasintahang nabuo sa isang kontrata, kaya eto todo effort para gampanan ang parte ko sa kasunduan na yon. Pero estudyante din ako, kaya todo effort din ako magaral.

“Alex! Kakain na!” tawag ni ate na nasa kusina kakatapos lang ata niya magluto. Narinig ko naman siya pero wala akong oras para kumain ngayon. Nagaaral ako eh.

“Hoy Alex!” naririnig ko siyang paakyat ng kwarto ko at kumatok sa pinto. Hindi ko nanaman pinansin.

“Alex!” binuksan na niya yung pinto at ayun na nga nakita na niya akong nagaaral.

“K-kakain na...”

“Mamaya nalang ako ate, dami ko pang aaralin eh.”

“Ganun ba? Sige... mauuna na ko ha?” sinarado niya na yung pinto at tahimik na bumaba. Ang iba sa inyo siguro nagugulat dahil sa inaasta ng ate ko ngayon. Alam niya kaseng ayokong naiistorbo ako sa pagaaral, lalong lalo na pag seryoso na ako.

Matapos ang isang buong maghapon ng pagbabasa ay natapos ko din mabasa lahat ng kasama sa exams namin para bukas, sana naman may matandaan ako. Sa sobrang pagod ko ay dumiretso na ko sa kama at natulog. Nakalimutan ko na ngang kumain eh, eh ano ba uunahin mo: pagkain o pagtulog? Siyempre pagtulog na yan.

Kinaumagahan, maaga akong nagising. Pagod na pagod yung pakiramdam ko, yung tipong ayoko ko pa sanang bumangon ng kama kasi ang sarap matulog. Kaso may pasok, haay, buhay estudyante nga naman oh.

Naligo lang ako at nagbihis at pumasok na ko, di na ko nakapagluto ng almusal at dumirestso nalang ako papuntang iskwela. Hindi ko na nga rin pinagluto at ginising si ate eh, baka magtaka yun bakit wala siyang agahan. Pagkapasok ko ay dumiretso nalang ako sa upuan ko at nagaral muli bago magsimula ang exam.

“Alex, good morning!” Bati sakin ni Edward kaso di ko pinansin. Sumulyap pa siya sa ginagawa ko at doon palang alam na niya.

“Alex good-“ babati sana si Faye kaso sinenyasan na ni Edward na wag magingay. Tinignan din niya kung ano ginagawa ko at nanahimik nalang.

Mga ilang minuto pa ay si Christina dumating na. Kahit nagrereview ako, nakikita ko parin kung sino yung mga dumadating. Magtatangka pa ata siyang lapitan ako.

“W-wag Tina! Si Alex..!” pabulong na sinabi ni Faye pero parang wala ring nangyari at yinakap niya ako papalikod.

“Goooood morning!” hmm pano ko ba ipapaliwanag toh, alam niyo na ayaw kong naiistorbo ako pag nagaaral. Minsan kasi may nakaaway na ko dahil natapik lang ako habang nagbabasa ako sa upuan ko nung first year high school namin.

Siyempre napunta ako sa prefect of discipline namin at pinagayos kami nung nakaaway ko, kaya simula noon wala nang umistorbo sakin sa pag aaral.

“Aba sipag naman ng hubby ko ah!” galak na galak na sinabi ni Tina.

“W-wow... himala...” napanganga yung dalawa dahil hindi ako umiimik.

“Um... Tina, pwede mamaya nalang?”

“Hmm? Mamaya ang alin?” lalo niya pang hinigpitan ang pagyakap sakin.

“Nagaaral kasi ako eh...”

Ang Kontrata (The Contract)Where stories live. Discover now