꧁ ѵ | ƈıŋƈơ

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi makakalimutan ni Aria ang pares ng mga mata na tumingin sa kanya pabalik. Ang parehong mala-bughaw na kulay abong balintataw na tulad nang sa kanya ay tila nakatitig sa kaibuturan niya't kaluluwa.

Kung ang bughaw na kulay abong pares ng mga mata ang gumambala sa pagtulog ni Aria, isang pares naman na tila pinalamutian ng diyamanteng esmeralda ang nanlilisik na nakatingin kay Levius.

"Whether you want to rule my life, that doesn't concern me. However, keep Aria away from the mess of our family. Chichiue, please don't bother her anymore!" Levius begged his father. He was in the room with his father. Levius came to see him so they could discuss the incident involving Mr. Shinohara.

His father walked towards him with a heavy step. His glaring eyes were fixed intently on his son. As his father drew closer, Levius could feel his presence oppressing him.

"I just don't understand why you love her so much. But I have to remind you, we are different from her. You don't have to cherish her that much!" his dad put his hand of Levius shoulder with pressure, "Give her enough attention so that she doesn't feel any different from us. However, show Ariya your affection. And never to anyone else but your sister."

Gusto ni Levius alisin ang kamay na nagtutulak sa kanya upang saktan ang kapatid. Gustong gusto niyang salungatin ang kagustuhan ng kanyang ama. Subalit hindi niya ginawa — mali. Hindi niya kayang gawin. Wala siyang karapatan na suwayin ang ama dahil pare-parehas silang may kasalanan kay Aria.

Walang nagawa si Levius kung hindi kimkimin ang sama ng loob sa kanyang dibdib. Nilisan niya ang silid ng ama at nagtungo sa 'di tiyak na lugar. Namalayan na lang niyang nasa pasilyo siya kung nasaan ang silid na kinaroroonan ng kuwadro ng isang haponesa.

Levius knew her sister had discovered that room the moment Aria inquired about their ancestor. The painting inside is the only surviving image of her.

Feebly and somberly, Levius confessed his transgressions to no one, "Aria, I'd rather hurt myself so you can be happy. I apologize, though, as I'm not who you expected me to be. You think I'm a good brother, but I'm not…"

He turned away from the room and proceeded along the opposite corridor.

Tila ba may pagkakawangis silang dalawa kung iisipin. Parehas silang may pagkakasala na hindi nila maamin-amin. At tulad din niya, nagwawari si Levius kung ano nga ba ang ginawa ng kanilang ninuno upang burahin ng sumunod na salinlahi ang kanyang pagkakakilanlan.

Ibig mo rin bang mabatid ang kanyang kuwento? Nais mo rin bang matunghayan ang mga trahedya't pagpupunyagi sa buhay niya?

Hindi ka dapat mabahala dahil pinag-uugnay ng oras ang lahat sa mga pulang pisi na itinakda ng tadhana para sa kanila. Subalit ang sikreto ni Serizawa Jaeha ay nakakubling mabuti sa mga tala ng kalangitan, at maguguhit lamang ang mapa tungo sa kanya sa simula ng minimithing katapusan ni Mirasol.

Kaya wala ka bang napansin? Hindi mo ba nahihinuha ang iyong dulot sa kanilang kuwento?

Magpatuloy ka… Sapagkat dahil sa iyong ginawa, ituturing ka na rin ng tadhana na kasabwat nila sa pagbago ng itinakdang kasaysayan.

Another couple of days went by. Even so, her mind refused to let her go asleep. For this reason, in an attempt to sate her curiosity, Aria considered visiting the guest room one last time.

Matapos niyang titigan nang matagal ang estampa, saka niyang bubuklatin ang kuwadernong nakalagay sa ibabaw ng futon upang pagmasdan ang nag-iisang pangungusap na nilalaman nito.

Aria pondered the meaning behind this sentence. To whom was the author referring in their return? How on earth is it possible for Aria to comprehend these words? There must be a scientific explanation for it. Aria refused to accept that her understanding of concepts she hadn't even been taught was due to magic.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon