"Ayan, nagising na siya." Biglang dumako ang tingin ko sa pamilyar na boses. Nagulat ako ng makita si Evan.

"Ang ingay mo kasi, e." Lumipat ang tingin ko sa isa pang pamilyar na boses. Nagulat din ako ng makita si Jared. Teka, bakit ko sila kasama? Tsaka nasaan ba ako? Anong nangyari sakin?

Ang natatandaan ko lang naman ay 'yung umalis ako sa bahay ng dis-oras ng gabi tapos may sumusunod sakin. At nung haharapin ko na kung sino 'yon, biglang nanlabo ang mata ko. Hanggang doon lang ang natatandaan ko. Paano nangyaring sila ang kasama ko ngayon?

"Jared? Evan?" Kumpirma ko pa.

"Kami nga." Sagot ni Jared at parehas silang lumapit sakin. Napatingin ako sa buong paligid at sa hinigaan ko.

"Nasa ospital ba ako?" Tanong ko at napahawak saking ulo dahil bahagya itong kumirot.

"Oo, Katrine." Sagot ni Evan.

Nagtataka ko silang tinignan. "Paano nangyaring napunta ako dito ng kasama kayo?"

Nagkatinginan silang dalawa bago bumuntong hininga.

"Magkasama kami kagabi ni Jared, Katrine. Pupuntahan sana namin si Kenrick para ayaing mag-inuman kaso napansin ka namin sa madilim na kalsada. May sumusunod sayo nun na isang lalaki at mukhang may balak na masama sayo kaya linapitan ka agad namin pero nagulat kami ng bigla ka nalang mahimatay. Dinala ka namin dito sa ospital at sabi ng doktor, dahil daw sa pagod at stress kaya ka nahimatay." Paliwanag ni Evan.

"Nasaan sila Mama?" Tanong ko.

"Hindi namin sila na-contact kagabi pero kaninang umaga, tinawagan na namin sila at pinaalam na nandito ka sa ospital. Siguradong parating na sila maya-maya." Sabi ni Jared. Tinignan ko siya at bigla siyang umiwas ng tingin sakin.

Napabuntong hininga nalang ako. "Salamat sa inyong dalawa."

"Sus, maliit na bagay." Sabi ni Evan at ngumisi. Bumalik siya sa pagkakaupo sa sofa sa gilid habang si Jared ay nanatiling nakatayo sa gilid ko. Tinignan ko siya. Alam kong naiinis parin sakin si Jared dahil hindi ko agad sinabi sakaniya na kami na Kenrick pero sobrang saya ko na nandito siya at nag-aalala parin sakin.

"Uh, Jared..." Tawag ko sakaniya. Lumingon siya sakin at kinunutan ako ng noo. Gusto ko siyang makausap at makahingi ng tawad sakaniya.

Bago ako magsalita, tinignan ko si Evan. Napakunot ang noo niya sakin. Sinenyasan ko siya na lumabas muna. Mukha namang nakuha niya 'yon kaya napangisi siya.

"Sige pre, labas muna ko. Tawagan ko lang si Xie." Sabi niya at nagmadaling lumabas ng kwarto. Napasinghap si Jared ng kami nalang dalawa ang natira sa kwarto. Tumikhim ako at hinarap siya.

Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo sa kama. Pinanood niya lang ako at mukhang natulala siya sakin. Napangiti nalang ako at umiling iling.

"Jared, na-miss kita." Sabi ko.

Umiwas siya ng tingin at napalunok, "Wag ka ngang pa-fall."

Natawa ako, "Pa-fall eh tuluyan ka na ngang na-fall sakin."

Namula ang mukha niya sa sinabi ko. Tumawa nalang ako ng malakas.

"Biro lang." Bawi ko tsaka ngumisi. "Jared, gusto kong mag-sorry dahil hindi ko agad nasabi na kami na ni Kenrick. Alam kong nasaktan kita pero sana maging magkaibigan parin tayo."

Napatingin siya sakin kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Ilang sandali siyang napatulala sa mukha ko bago dahan dahang ngumiti.

"Hindi naman ako galit sayo, Katrine, e. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko agad napansin na may gusto ka sa boy bestfriend mo. Oo, nasaktan ako pero naisip ko na baka kayo nga talaga ni Kenrick ang para sa isa't isa. Naisip ko na baka may ibang babae pa na nakalaan talaga sakin." Sabi niya at napangiti. "Pero kahit na ganon ang nasa isip ko, hinding hindi magbabago ang pagtingin ko sayo. Susuportahan kita kung saan ka masaya kaya sana hindi ka saktan ni Kenrick. Dahil kapag nangyari 'yon, aagawin kita sakaniya."

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now