"Imposibleng hindi mo alam kung tungkol saan ang pag-uusapan natin." Sagot ko. Hindi siya nakasagot. Ilang sandali kaming nagkatitigan bago niya iniwas ang tingin sakin at tumingin kay Eula.

"Mauna kana sa room," Sabi niya kay Eula. Kumunot ang noo ni Eula.

"Ha? Ayaw kitang iwan kasama ang babaeng 'yan, Cat." Sagot nito. Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya.

Bumuntong hininga ni Catriona, "Kaya ko ang sarili ko, Eul. Sige na. Mauna kana sa room. Gusto ko rin siyang kausapin."

Hindi na nakasagot pa si Eula at napatingin sakin. Inirapan lang ako nito bago tuluyang umalis.

Humarap sakin si Catriona at tinaasan ako ng kilay. "So... anong sasabihin mo sakin?"

Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita, "Ang Mama mo ba ang babae ng Papa ko?"

Napasinghap siya, "Nakakainsulto ang mga binibitawan mong salita."

"Nagtatanong lang ako. Atsaka anong term ba ang gusto mong itawag ko sa Mama mo?" Tugon ko.

"Nakipag-usap ka ba para makipag-away?" Mataray niyang tanong.

"Hindi. Nagtatanong lang ako at gusto kong makipag-usap sayo dahil alam kong may alam ka sa nangyayari. Gusto kong malaman ang buong detalye bakit humantong sa ganito."

Wala sa sarili siyang tumawa, "Wala kang alam? Nakakaawa ka naman."

"Oo. Hindi naman ako pupunta dito sayo ngayon kung may alam ako." Sagot ko rin at nagtaas narin ng kilay sakaniya. May karapatan akong magtaray dahil sila ang sumisira sa pamilya namin.

"Gusto mong malaman ang lahat? Okay fine. Totoo ngang babae ng Papa mo si Mom. Pero hindi alam ni Mom na may asawa ang Papa mo kaya pumatol siya dito. Hindi ko alam kung paano sila nagkaroon ng relasyon pero ang alam ko lang, laging pumupunta ang Papa mo sa bahay namin para bisitahin si Mom. Mukhang mahal ng Papa mo ang nanay ko."

Parang libo libong karayom ang tumusok sa dibdib ko. Ang sakit marinig na may ibang mahal ang tatay mo bukod sa sarili niyang pamilya. Napakasakit.

Nagsimula ng manlabo ang mata ko dahil sa luha. Bumuhos ang luha sa mata ko at hindi kinakaya ang mga salitang narinig sa bibig niya.

"Mahal rin ni Mom ang Papa mo. Dahil siguro nakikita ni Mom ang yumao kong tatay sa iyong Papa kaya siya napamahal rito. Naging maganda ang trato samin ng Papa mo at nakikita kong masaya sila sa isa't isa." Kwento ni Catriona. "Hindi ako tumutol sa relasyon nila dahil nakikita kong masaya si Mom sa Papa mo. Pero nung nalaman kong may pamilya na pala ang Papa mo, namuo ang galit sa dibdib ko. Galit na galit ako dahil pumatol ang Papa mo sa nanay ko na hindi alam na may pamilya na pala ang pinatulan niya."

Nanlaki ang mata ko, "K-Kaya ba malaki ang galit mo sakin? Dahil noon palang alam mo na tatay ko ang karelasyon ng Mama mo?"

"Oo." Diretsong sagot niya.

Mas lalo akong nagulat. "Pero bakit hindi mo sinabi sakin ang totoo? Atsaka, bakit ikaw pa ang may malaking galit sating dalawa? Hindi ba dapat ako ang magalit dahil sinira niyo ang pamilya ko?"

Nakita kong nagkuyom ang kamao niya, "Kaya hindi ko sinabi ang totoo dahil ayokong masaktan si Mom!" Sigaw niya at nakita kong may luha naring nangilid sa mata niya. "At wala kaming sinisirang pamilya, Katrine! Walang alam ang nanay ko sa pagkatao ng Papa mo! Ang tatay mo ang dapat mong sisihin dahil napakababaero niya! Inakit niya ang nanay ko!"

"Hindi totoo 'yan!" Napasigaw narin ako kahit luhang luha na ang mata ko. "Hindi mo kilala ang Papa ko. Mabuti siyang tao. Hindi siya papatol sa ibang babae dahil alam kong mahal niya si Mama!"

"Hindi papatol? Pero anong ginawa niya ngayon? Hindi ba't pinatulan niya ang nanay ko kahit alam niyang may pamilya na siya?" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Catriona.

"Hindi lang kayo ang nahihirapan dito, Katrine! Hindi lang kayo ang naagrabyado! Kami rin!" Sigaw niya. "Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan na nakikitang nasasaktan ngayon ang nanay ko? Tingin mo ba hindi ako nasasaktan na nakikitang desperada ang nanay ko dahil sa lintik mong ama?"

Hindi ako nakasagot. Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko habang pinapakinggan siya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naguguluhan ako.

"Nung araw na nakita mo kaming nasa bahay niyo, ayun 'yung araw na nagmakaawa ang nanay ko sa lintik mong Papa. Gusto kong saktan ang Papa mo dahil nagiging desperada ang nanay ko dahil sakaniya. Lahat ginawa ng nanay ko. Lumuhod siya sa harap ng Mama mo at nagmakaawang ibigay nalang ang Papa mo sa nanay ko." Napasapo ako sa aking bibig dahil sa nalaman. "Ang hirap makitang nagkakaganun si Mom. Dahil lang sa walang kwentang lalake nagkaganon siya? Tangina. Kung kaya ko lang saktan ang Papa mo, ginawa ko na."

Napahagulhol na ako ng iyak. Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari.

Akala ko kami lang ni Mama ang nasasaktan dito. Hindi ko alam na sila Catriona rin pala pati 'yung nanay niya ang mas lalong naapektuhan dahil sa ginawa ng Papa ko. Tangina. Hindi ko alam kung anong mararamdaman.

"Wag mo samin isisi ang lahat dahil nahihirapan din kami, Katrine. Dahil sa ginawa ng lintik mong tatay, nagiging misirable na ang buhay ng nanay ko. Hindi na siya kumakain at lagi ko siyang nakikitang umiiyak sa kwarto niya. Mahal na mahal niya ang Papa mo, Katrine. Nagmahal lang ang nanay ko pero bakit ganito ang sinusukli sakaniya? Bakit ganito, Katrine?" Napahagulhol narin siya ng iyak. Kusa akong napalapit sakaniya at niyakap siya.

"I'm sorry, Catriona..."

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now