"S-Sige po..." Iyon nalang ang huling nasabi ko. Tumango lang si Mama at tumingin kay Kenrick.

"Pakibantayan muna ang anak ko, hijo. Aalis lang ako." Sabi ni Mama at ngumiti kay Kenrick. Umayos naman ng upo si Kenrick at ngumiti rin kay Mama.

"Yes, tita. Ako na po bahala kay Katrine." Sabi nito.

"Sige, maiwan ko na muna kayo. Babalik rin ako agad." Sabi ni Mama at umalis na ng bahay. Napabuga ulit ako ng malalim na hangin mula sa bibig.

Napatingin ako kay Kenrick ng bigla siyang tumawa ng malakas.

Kumunot ang noo ko, "Bakit ka tumatawa diyan?"

"Eh kasi masyado kang halata, e. Kung ayaw mong mahuli tayo, dapat kalmado ka lang." Sabi niya at tumawa ulit.

"K-Kinakabahan kasi ako, e. B-Baka malaman ni Mama na tayo na." Nauutal na sabi ko at umiwas ng tingin.

"Ano naman kung malaman ni tita 'yung tungkol satin? Mas mabuti nga 'yon, e. Wala na tayong poproblemahin kapag alam na nila." Sabi niya at prenteng umupo sa sofa namin. Inakbayan niya na ulit ako at nanood ng movie.

"Hindi kasi ganun kadali 'yon, Kenrick. Hindi mo pa kilala ang ugali ng mga magulang ko. Paniguradong magagalit sila kapag nalaman na may boyfriend na ko." Sabi ko at bumuntong hininga.

"Okay lang 'yan atleast mahal kita." Sagot niya at ngumisi. Dahil sa sinabi niyang 'yon, napangisi nalang rin ako at napailing iling. Sumandal ako sakaniyang braso na nakaakbay sakin at pinagpatuloy ang pagnood ng movie.

Nang matapos namin ang pinapanood, tumayo na ako sa sofa.

"Dito ka na kumain ng gabihan, Kenrick. Magluluto lang ako. Baka kasi dumating narin si Papa mula sa trabaho, e." Sabi ko.

"Hindi na, uuwi na 'ko pag dumating na 'yung papa mo." Aniya.

"Sus, hiya ka pa. Dito ka na kumain. Antayin mo ko diyan." Sabi ko at iniwan na siya sa sala. Dumiretso ako sa kusina at hinanda ang lulutuin ko. Nagsaing muna ako bago nagluto ng ulam.

Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng ingredients para tinola, nagulat ako ng may yumakap sakin mula sa likod. Amoy niya palang, kilala ko na kung sino siya.

"Kenrick... nagluluto ako." Usal ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa balat ko ng isuksok niya ang kaniyang mukha sa aking leeg. Lumakas ang tibok ng puso ko at napakagat sa aking labi.

"Kenrick..."

"Gusto na kitang ipakilala sa mga magulang ko, Katrine. Hindi bilang kaibigan kundi bilang isang girlfriend ko." Mahinang sabi niya habang yakap yakap ako.

"Kenrick... napag-usapan na natin 'to, hindi ba?" Tugon ko at pinagpatuloy ang pagluluto kahit nakayakap parin siya sakin.

"Alam ko, pero hindi na ako makapaghintay na ipakilala ka sakanila bilang girlfriend ko, Katrine." Mahinang sabi niya. Binitawan ko ang hawak kong sandok at hinarap si Kenrick. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinaplos ito.

"Kenrick, hindi kasi ganon kadali 'yung gusto mong mangyari. Bata pa tayong dalawa. Ano nalang ang iisipin ng mga magulang natin?" Bumuntong hininga ako. "Wag muna tayong magpadalos-dalos, Kenrick. May tamang oras naman para doon. Maghintay lang tayo."

Bumuntong hininga lang din si Kenrick at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik at napangiti ako ng haplusin niya ang buhok ko. Kapag niyayakap niya ako, ito ang gusto kong ginagawa niya sakin, yung hinahaplos 'yung buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam.

"Oh, teka, 'yung niluluto ko!" Sabi ko sabay kalas sa yakap niya. Natawa lang siya at sabay naming tinignan ang niluluto ko. Pinagpatuloy ko na ang pagluluto habang siya naman ay nanonood lang sakin.

"Ang galing mo magluto, sana all." Aniya habang nanunood.

Ngumisi ako, "Ikaw kasi puro lang lamon! Minsan kaya pag-aralan mo rin magluto."

"Kung ikaw ang magtuturo, why not?" Sabi niya at sumandal sa dingding at pinagkrus ang kaniyang braso.

"Pwede naman kaso may bayad." Sabi ko at kumuha ng kutsara para tikman ang sabaw ng niluto ko.

Ngumuso siya, "Halik nalang, pwede?"

Bigla akong nasamid. Tinignan ko siya ng masama na ikinatawa lang niya.

"Letche ka!" Singhal ko at inismiran lang siya. Tawa naman siya ng tawa dahil sa reaksyon ko.

"Cute!" Sabi niya at kinurot pa ang pisngi ko. Napangisi nalang ako.

"Malapit na 'tong maluto, doon kana sa dining table." Utos ko sakaniya. Tumango lang siya at pumunta ng dining table. Nagulat ako ng siya ang maghain ng pagkain sa lamesa.

"Huy, ako na diyan!" Sabi ko at lumapit sakaniya.

"Kaya ko na 'to, Babe." Sabi niya sabay kindat. Nag-init ang pisngi ko.

Babe?

"S-Sige, ikaw bahala." Sagot ko nalang at humugot ng malalim na hininga. Tinalikuran ko na siya at bumalik ulit ng kusina. Napahawak ako sa dibdib ko na mabilis parin ang tibok. Hindi talaga natatapos ang araw na hindi pinapabilis ni Kenrick ang tibok ng puso ko. Feeling ko araw araw akong nahuhulog sakaniya.

Wala sa sarili akong napangiti at nilagay sa mangkok ang ulam na niluto ko. Dinala ko ito sa dining table at nagulat ako ng dumating na ng bahay si Papa at kasama niya ni Mama.

"Oh, Ma, Pa, sakto ang dating niyo. Kain na po tayo." Sabi ko habang nag-aayos ng plato sa lamesa.

"Kayo nalang muna ang kumain diyan, mag-uusap lang kami ng Papa mo, Katrine." Seryosong sabi ni Mama at sabay silang dumiretso sa kanilang kwarto. Nagkasalubong bigla ang kilay ko.

"Anong problema nila?" Biglang tanong ko.

Tumikhim si Kenrick, "Away mag-asawa lang siguro, Katrine. Mabuti pa kumain nalang muna tayo."

Ilang sandali pa akong napatulala sa pinto ng kwarto nila Mama't Papa bago tumango kay Kenrick.

"Oo sige." Sabi ko at umupo. Binigyan niya ako ng plato na may lamang kanin. Tinanggap ko 'yon at naglagay na ng ulam sa aking plato.

Tahimik kaming kumakain ni Kenrick ng makarinig kami ng malakas na sigaw mula sa kwarto nila Mama't Papa.

"NAPAKAWALANG HIYA MO!" Sigaw ni Mama mula sa kwarto. Nagkatinginan kami ni Kenrick ng may panlalaki ang mata. Napatayo ako bigla at dumiretso sa kwarto nila Mama at Papa.

Hinawakan ko ang doorknob at ng mapansing hindi ito naka-lock palihim ko itong binuksan.

Napasinghap ako ng makitang sinampal ni Mama si Papa.

"Mahal..." Usal ni Papa habang nakahawak sakaniyang pisngi.

"Hindi pa ba kami sapat ng anak mo at nakuha mo pang mangbabae?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama.

Mangbabae?

"Mahal... pag-usapan natin 'to.. hindi ko sinasadya..." Sabi ni Papa at napaluhod na sa harap ni Mama. Napasapo nalang ako sa aking bibig at nagsimula ng mamuo ang luha sa aking mata.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now