Chapter FIVE

477 33 2
                                    

GEORGETTE WAS in terrible shape when Gregory found her and took her to Lola Mertha. Pinainom siya ng kanyang lola ng tsaa at kinalma siya ng mga yakap nito, kahit nahihirapan itong papagtagpuin ang mga kamay sa kabuuan niya dahil nagbalik na siya sa kanyang sinumpang anyo.

Isa na naman siyang dabyana.

Kinwento niya rito ang nangyari sa kanyang panaginip at ang kanyang naramdaman pagkatapos magpalit ng anyo ni Daniel.

"Sigurado ako, Lola. Pahiwatig ang panaginip na iyon! He's never been clearer and for the first time, nagkaroon siya ng pangalan! Lola, he's in danger... I just know it," patuloy ang tulo ng luha niyang sabi rito. "Kailangan ko s'yang mahanap. Kailangan ko siyang matulungan! Naiintindihan mo ba?"

Tumango-tango ito habang alalang-alala ang mukha. "Pinatawag ko na ang mga guro. Pinatawagan ko na rin ang mga kapatid mo at nasa byahe na sila. Parating na sila."

"Lola, hindi na kailangang pag-usapan ito. We have to go!" protesta niya.

"Pero saan tayo pupunta? We have to do more spells and scrying. Hindi pwedeng basta na lang tayo kikilos kung hindi natin alam kung saan maghahanap." Nagbuntunghininga ito nang makitang nagbabagsakan na naman ang panibagong salakay ng mga luha at muli siya nitong niyakap. "There, there, mi bien, ino te molestes. Gagawin natin lahat. We will find him. Hindi natin papayagang may mangyaring masama sa kanya."

"Paano natin mapipigilan 'yon, Lola? Hindi natin alam kung nasaan siya?"

Dumating ang kanyang mga ate na palibhasa'y hindi na alipin ng sumpa ay nakakabiyahe na parang mga aparisyon. Hindi pa nagpaparamdam muli si Leica, na mas nakakakaba. Alam nilang naghahanda ito, magiging mas malakas at makapangyarihang. Kaya para makapag-ingat nang lubos ay tinuro ni Lola Mertha ang espesyal na pagbibyahe ng mga naunang witches sa kanila. Ang mga Le Charme ay nagagamit pa rin ang underground travel, pero mas mabilis ang apparition travel, lalo't sigurado ang lugar kung saan lalapag.

"Calm down, Georgette. Kung nasaan man siya ngayon, hindi siya magagalaw ni Leica. He's protected, remember? Gaya nina Orlando at Caleb," ani Ate Soliel. Nakahiga ito sa kanang tabi niya sa kama. Sa kabila niya si Ate Guinevere.

"Malay mo, manifestation lang ang panaginip mo ng takot mo dahil hindi pa natin s'ya natatagpuan?" sabi naman ni Ate Guinevere.

Nagbagsakan na naman ang kanyang mga luha. Se felt pathetic kasi hindi siya iyakin, pero hayan na naman nga. "Ate Guinevere, ilang beses ko bang sasabihin—I wasn't scared in the beginning. You were scared enough for both of us. Natakot lang ako ngayon after that dream, eh. He is in danger. He called for me, asking for my help! Bakit ba ayaw n'yong maniwala?"

Helpless na nagkatinginan ang mga ito sa ibabaw ng kanyang ulo bago muli siyang inalo para tumigil siya sa pag-iyak.

SA IBANG parte ng mundo...

Maingat na humugot ng hangin para sa kanyang mga baga si Leica. Bawat kibot at munting kilos ay masakit para sa kanya. The body that she started to occupy almost a month ago was depleted and just minutes away from dying. It has to be replaced right away.

Sa likod niya, naririnig niya ang iyak ng inosenteng birheng dinukot ng kanyang mga alagad para ipalit sa katawang ito. Isa itong Arabyana. Too bad the virgin wasn't a witch. Masyado silang nag-iingat ngayon na maramdaman sila ng radar ng mga bruhang kakampi nina Mertha at mga diwatang witches. Kapag nawala ang isang witch sa kahit saang lugar ay tiyak na makararating agad iyon sa mga ito.

And they were more powerful, with two of the fairy witches freed of her curse.

Pinigil niya ang mapabuntunghininga dahil masakit maging ang simpleng iyon. Mula nang maagaw sa kanya ang katawan ni Aleka, nanghina na siya. Bahagya na siyang mabuhay sa mga walang kwentang katawang kailangan niyang pagtiisan kahit mahirap at kasumpa-sumpa para sa kanya.

Enchanted Daughters of the Ancient Fairy 3: The Dancer & the ShapeshifterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon