Chapter THIRTY

102 8 0
                                    

"SIGURADO KA BANG hindi tayo naliligaw, Lily?" tanong ni Teacher Anita kay Aling Lily matapos ang ilang sandali.

"Oo," ani naman ni Aling Lily sa nag-aalalang tinig habang inililibot niyang muli ang tingin sa paligid.

Sa mismong lugar na iyon nakatira ang mag-asawang Ronaldo at Mariposa at ang dalawang anak na babae ng mga ito. May kubo ang mga ito sa mismong spot kung saan nakatayo ang dalawang babae.

Pero walang kubo roon habang ang kapaligiran ay mistulang dinaanan ng matinding tagtuyot. Tuyo at nangingitim ang mga sanga ng mga puno sa paligid at walang buhay ang mga halaman o damo na makikita sa malapit. Ang naaalala niya'y madawag na kagubatan noon. Witch families always lived near woods. Mas madaling ma-harness ang magic at makagawa ng mga ritwal kapag nasa gitna ng kalikasan.

Pero mistulang mga kalansay na lamang ang mga natuyong puno, nilagasan ng mga dahon at patay. Nag-uuling ang mga ugat na nakausli sa lupa malapit sa clearing na ito kung saan sila nakatayo, at may mga bakas ng abo sa kanilang tinatapakan.

Napalunok si Aling Lily. Iba ang nararamdaman niyang kaba sa kanyang dibdib. Lumuhod siya at nangangatal ang kamay na hinawakan ang lupa.

Nang angatin niya iyon, nakadikit sa kanyang pawisang palad ang abo.

"A-Anita?"

Lumapit sa kanya ang babae. "Bakit?"

"Anita, abo ito ng tao," sabi niya.

Napahingal ito. "Tayo na," sabi nito sa takot na tinig habang humahawak sa damit niya, hinihila siya para makatayo.

Mula sa kaibuturan ng nasunog na kagubatan, nakarinig sila ng ingay.

Sa sumunod na sandali, sabay na nasambit ng dalawa ang spell na maglalayo sa kanila sa lugar na iyon.

Pero bago sila tuluyang maglaho, napasigaw si Aling Lily.

Nakita niya ang isang maitim na pwersang hugis bungo habang hangos iyong humahabol sa kanila mula sa kaibuturan ng kalansay na gubat at umiirit na parang isang baliw na banshee. Dala nito ay naglalagablab na apoy, at napakabilis ng paglapit—

Sumalpok sa kanila ang napakatinding init bago sila tuluyang hinigop nang mahikang isinugo sa kanila nang kanilang orasyon sa kanilang pagtakas...

ANG BYAHE nina Georgette at Guinevere sa ilalim ng lupa ay may pagkamasalimuot.

Sa simula pa lang, halatang kabado ang kanilang mga kaibigan. Patingin-tingin ang mga ito sa mga sulok nang bawat lagusang kanilang pinapasok at nagigitla ang mga ito sa bawat kaluskos.

Hindi tuloy nila makausap ang mga ito gaya nang kanilang balak. Lumusot sila at pumasok sa mga lagusang hindi pa nila nagamit dati. Ayon sa mga ito ay nalagay sa kompromiso ang dating mga lagusan dahil sa matandang mga punong nabunot nang malakas na delubyong kadaraan lamang.

Ang resulta, nagtagal ang kanilang byahe nang ikatlong beses kaysa dati. Mas mapanganib din iyon. Matagal nang hindi ginagamit ng mga elves ang mga lagusang iyon dahil hindi kailangan ng mga itong laging maglakbay sa malayo nitong nakaraang libong taon.

Hanggang sa wakas, nakarating sila sa kabilang dulo ng Wishing Well nang kanilang Mommy sa ilalim ng lupa.

Noon lang nila nakausap nang matino ang mga elves.

SA MGA sandali namang iyon, nasa isa ring lugar sina Kathleen na madilim at walang hangin. Pumasok sila sa isang kuweba, at nasa unahan siya ng grupo nila nina Lola Mertha at Gregory habang si Veronica ang sa huli. Madilim at malamig naman dito ngayon, at malalim base sa mag echo na naririnig nila gawa ng ingay ng kanilang paglalakbay papasok pa sa loob..

Napakaimportante ng lakad na ito ni Lola Mertha. The sisters felt honored that they were the ones the old witch asked to accompany her besides Gregory. Mga bata pa sila, nagsasanay na silang dalawa na maging magaling na mga witch guards. Ang kanilang ama ay isang magiting na witch. Pero nang makilala ang kanilang ina ay iniwan nito ang trabaho bilang isang witch guard sa pamilya ng pureblood sa Italia para magsimula nang isang pamilya nang makilala nito at mahalin si Aling Lily.

Pero isang araw, muli itong bumalik sa Roma nang manganib ang buhay ng dating pinagsisilbihang mabait na dugong bughaw na humingi ng tulong sa pinakamatatapat nitong mga alalay. Sa kasamaang palad, nagbuwis ang kanilang ama ng buhay para iligtas ito.

Sa kabila ng kayamanang ipinagkaloob ng mga ito sa kanila at pagpupugay sa Roma sa kabayanihan ng kanilang Itay, mas gugustuhin pa rin ng magkapatid na sana ay lumaki silang kasama ito.

Pero dahil hindi na iyon pwedeng mangyari, pinagbuti nila ang kanilang mga sarili para maipagmalaki sila nito, saan man ito naroroon ngayon, at mabigyan ng dagdag na dangal ang pagkatao nito.

Kaya sila nagpakapursigeng maging magaling at marunong na mga witches. Their skills was further honed by accompanying the fairy witch sisters at night to help other people. Anuman ang mangyari ngayong gabi, desidido ang magkapatid na gagawin nila ang lahat para maging magiting na witch guard na gaya nang kanilang ama sa kanilang pagbabantay kay Lola Mertha.

May isang oras halos na binagtas nila ang lagusan ng kweba. Hindi alam ni Kathleen kung nasaang parte na sila niyon, but they must be very deep. Malamig ang tigil na ere sa loob at bawat patak nang kanilang mga paa sa sahig ay patuloy na nag-e-echo, dahilan kung bakit umusal si Veronica ng spell para tumahimik ang echo na iyon.

Mayamaya ay nagsalita si Lola.

"It's alright, Kathleen. We're here. Ako na ang mauuna."

Tumigil sila. Pero kahit pa, alisto pa rin sina Kathleen. Kahit ipikit ni Kathleen ang kanyang mga mata, nararamdaman niya bawat nilalang na humihinga sa dilim. Bawat kaluskos ay nagsasabi sa kanya kung nasaan ang mga ito. Bawat tibok ay nagsasabi kung ang kasama nila sa kwebang iyon ay hayop... o tao.

Walang ibang tao sa loob ng kweba maliban sa kanilang apat. But she did not let her guard down. She would not let Lola Mertha down.

Binalingan ni Lola Mertha si Gregory at kumilos ito. May inabot sa cave wall sa kanan nito. Sa sumunod na sandali ay napuno ng ilaw ang paligid nila mula sa apoy na nabuhay sa sigang nakasuksok doon. Naibaling ni Kathleen ang kanyang mga mata sa tabi gaya ni Veronica nang masilaw doon. Pero agad din nilang binaling sa unahan ang mga mata dahil kay Lola Mertha.

Narinig niya ang pagtawag ng tinig ni Lola Mertha, tinig na mababanaagan ng ngiti. "Alberta...!"

Nagtataka sila. Walang kausap si Lola Mertha kundi ang cave wall.

Pero napamulagat si Kathleen nang mula sa batong dingding na iyon ay humiwalay ang isang hugis. Nakausling balikat, isang mabilog na balakang, noong malapad, at tungkod na mahaba...

Humiwalay sa dingding ang isang taong batong may hawak na tungkod! Sa harapan nila, unti-unti itong kuminis, nagmistulang casted bronze na statue na nangingintab sa liwanag. Isang matandang babaeng statue, graceful kumilos, complete with robes!

May dimple pa sa pisngi nito noong ngumiti ito kay Lola Mertha. "Mahal kong kaibigan!"

At nagyakap ang dalawa na halos nag-iiyakan.

Enchanted Daughters of the Ancient Fairy 3: The Dancer & the ShapeshifterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon