Chapter TWO

992 44 1
                                    

GRACEFUL NA TUMALON sa ibabaw nang nakausling ugat nang isang matandang puno si Georgette para makuha ang bukadkad na bulaklak ng orkidyas na nakayakap doon.

Nang bumagsak ang kanyang mga paa sa lupa, nakaadorno na iyon sa kanyang kanang teynga. Natatanaw na rin niya ang liwanag sa dulo ng foot trail na magdadala sa kanya sa hardin nga kanyang Lola.

Iilang oras na lamang ang itatagal niya sa kanyang tunay na anyo, at sadyang nilalaan niya ang mga oras na iyon sa kagubatan, sa kalagitnaan ng kalikasan, gabi-gabi sa kanyang pag-uwi.

She had just been out with Gregory and her childhood friends, Kathleen and Veronica, to spend time in the sleepy villages and test out their wards and magical spells on their houses. Ang San Bernardino na yata ang pinaka-payapang lugar sa buong Pilipinas dahil ito ang ginagamit nilang test drive subject ng kanilang mga ginagawang protection spells.

Pero naghiwa-hiwalay na sila halos isang oras na ang nagdaan. Nang makapasok sa bisinidad ng rancho ay hinayaan na siyang mapag-isa ng kanyang eternal bantay na si Gregory, na napakatahimik pero isa naman sa pinaka-powerful wizard na nakilala niya sa tanang buhay niya. Si Gregory ay alalay din ng kanyang great aunt na si Lola Mertha, na isa sa pinakamakapangyarihang witch sa buong mundo.

Tumakbo siya.

At nang makalabas siya sa kadawagan ng kagubatan ay ngumiti siya sa liwanag ng buwan na bumagsak sa kanyang mukha at nagbigay ng banayad na init na unti-unting lumukob sa kanyang katawan bilang isang magical na enerhiya.

Tinungo agad ni Georgette ang kanyang paboritong bato sa gitna ng hardin ng mga bulaklak at nahiga siya sa ibabaw niyon, saka inalala ang sumpa ni Leica sa kanilang magkakapatid.

Noong mga bata pa sila, walang mas mahalaga pa para kay Lola Mertha kundi ang mabawi ang abo ng pamangkin nito sa musoleo ng mga Le Charme sa Manila. Isang selebrasyon sana ang nakatakda nang sa wakas ay mapagtagumpayang makuha ng kanilang mga kaibigan ang mga labi, pero nakapagkapit pala ng sumpa doon ang matinik na si Leica.

Dahil sa sumpa, nabaligtad ang kanilang mga kapangyarihan. Pumangit si Ate Soliel, napalitan ng napasakit sa teyngang ingay ang tinig ni Ate Guinevere, habang siya naman ay tumaba nang sobra nawalan siya ng kalayaan sa pagkilos – at lalo naman sa pagsayaw. Nakakakilos siya, pero tiyak na may masisirang gamit kapag nakakalimot siya. At pinakamahirap, iyong posibilidad na may masaktan sa lindol na ginagawa niya sa kanyang walang ingat na pagkilos.

Mabuti na lang nakagawa ng paraan ang mga kaibigang witches ng kanyang lola para mabawasan ang epekto ng sumpa noong tumuntong sila ng puberty. Ayon din naman sa mga ito, sa panahong iyon daw kasi ay unti-unti nang lumalakas ang kanilang mahika kaya nakatulong din iyon sa spell. Kaya mula noon, tuwing midnight hanggang sa pagsikat ng araw sa umaga, ay nagbabalik sila sa tunay nilang katauhan at sa ilang mga oras ay nabibigyan sila ng kalayaan na gawin ang gusto nila.

Pero may isa pang importanteng butas sa spell ni Leica.

Nang iwan nito ang bahay nila sa Maynila sa hindi nila malamang dahilan, natagpuan nila ang ginamit nitong hex spell.

Sumpa ng kamatayan sa tatlong Engkantada,

Na noon ay kinasihan ng Nunong Ina,

Kung pag-ibig na alay ng lalaking mahal,

Ay hindi sapat upang magbuwis ng buhay,

Sa hatinggabi ng ikadalawampu't isa,

Babawiin ng sumpa ang huling hininga.

Arogante at mayabang, ininsulto nito at niyurakan ang pinahahalagahan ng mga fairy witches higit sa lahat – love. Para sa kanya na mahilig sa fairy tales, kinuha ni Leica ang ideya sa probisyon ng magsasakripisyong lalaking mangingibig sa mga redeeming na parte sa romantic fairy tales. Pero ayon naman kay Ate Soliel, gumaganti si Leica kaya sila nito isinumpa.

Enchanted Daughters of the Ancient Fairy 3: The Dancer & the ShapeshifterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon