Chapter Twenty-Eight

76 6 2
                                    

"GEORGETTE?"

"Hmm?"

Nasa bedrock ng mga sandaling iyon ang magkasintahan at kagagaling lang sa misyon. Nagpapalipas sila ng mga sandali hanggang umaga pero nakabalik na sa tunay nitong anyo si Daniel habang si Georgette ay hindi pa. Magyakap silang nakahiga sa bedrock hanggang sa magpalit siya ng anyo sa pagliliwanag ng paligid.

She lay there in his arms contented. Ito ang pinaka payapa niyang oras noong wala pa si Daniel at hindi iyon nagbago sa pagdating nito.

"Hindi pa ba nasasabi sa 'yo kung kelan tayo magsisimulang magmisyon sa Maynila?"

Iminulat niya ang kanyang mga mata at tumingin rito. "Nag-aalala ka sa mga bagong balita galing sa lungsod?"

Tumango ito. "Pakiramdam ko, kailangan na nila ng dagdag na tao roon. Ganoon din ang mga kapatid ko."

Hinalikan niya ito sa pisngi. "Naiinip na siguro kayo na puro practice na lang lagi."

Hinalikan siya nito sa kanyang noo bilang ganti naman, pero may kasama nang awareness iyon. Mukhang naistorbo ito sa pag-aalala nang ginawa niya. "Uh-huh. May gusto akong itanong."

"Ano 'yon?" nangingiti niyang tanong, kasi nagbago agad ang tono nito. Lumambing agad at naging paos nang konti.

"Mayamaya. Ito muna."

Naputol ang tawa niya ng halik nito. Ngayong nasa isip na, sinasamantala ni Daniel ang pagkakataong sila lang dalawa. Pagkatapos kasi nito ay makakasama na nila muli ang mga tao sa bahay at hindi sila mapapag-isa hanggang bukas na muli, pagkatapos ng gabihan nilang mga misyon. Agad siyang nadala sa damdamin ng halik nito, nagising ang kanyang malay sa yakap nitong naging mas mahigpit, mga kamay nitong humahaplos at humahagod sa kanyang likod. In fairness, kahit laging maiinit ang mga halik ni Daniel ay hindi pa ito lumampas doon. Pero hindi rin ito umabot sa puntong nahihirapan dahil parang sapat na rito ang pagkawili sa halik at yakap pa lamang. Ganoon din siya.

Ewan ba niya. Sa kabila ng tensyon dahil sa hinihintay na gulo, ang mga sandaling iyo sa mga bisig ni Daniel ay kanilang kanila lamang. May sariling panahon. Alam nila kapwa na sakaling dumating sila sa puntong lalampas pa rito, it would be as beautiful as their kisses.

Hindi sa hindi siya nasasabik. Nagpa-palpitate ang puso niya kapag naiisip niya na magniniig sila ni Daniel pagdating ng oras. Basta alam lang niyang kapag dumating ang sandaling iyon, it would be a blast. Sa napakaraming mga bagay nilang napagsaluhan mula noong natagpuan nila ang isa't isa, lahat palaging swak.

Hindi ibig sabihin na hindi sila pwedeng mag-explore.

Kumilos siya at pumaibabaw rito, as it always happens, kasi ayaw nitong siya ang humiga at posibleng madaganan sa matigas na bato. Napaungol ito nang maramdaman ang hugis at lambot ng kanyang katawan sa tigas ng katawan nito. Napaungol naman siya noong bumaba sa kanyang pang-upo ang mga kamay nito at pumisil. Umangat ang mga kamay nito hanggang sa humawak sa magkabila niyang ulo, at lalong uminit ang halik. Lalo siyang nabubuyo ng ingay ng kanilang mga labing magkalapat at hingal nila sa pagitan ng mga halik.

At dahil doon, ni hindi niya namalayan na nagpalit na siya ng anyo.

"Aaahh!"

"Ay! Daniel!" Agad siyang gumulong pababa sa lalaki. "Daniel... naku, sorry...! Daniel...?" Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. Kumakabog ang dibdib niya sa takot dahil nakapikit ito at pulang pula. Naku, umakyat yata ang dugo sa ulo nito dahil sa bigat niya! "Daniel...?"

Umungol ito. "Grabeng... bigat... mo..."

Hindi siya nainsulto. Hindi lang ang taba niya, it was magical, iyong bigat. Mabuti humihinga pa ito, hindi nabalian ng buto sa ribcage na nangyari minsan o anuman. Hindi na ang tudyong makukuha na naman nila sa ibang mga kasama, kundi ang sakit na dulot niyon dito. Mabilis man gumaling ang mga ito, hindi niya gustong nasasaktan niya ito dahil sa kapabayaan niya. "Sorry... kawawa naman ang mahal ko. Okay ka lang?"

Enchanted Daughters of the Ancient Fairy 3: The Dancer & the ShapeshifterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon