Chapter FOUR

653 35 0
                                    

DAHAN-DAHANG NAGMULAT ng kanyang mga mata si Daniel.

Nasa fishing boat siya, nakahiga sa mga lambat na nakalatag sa bakal na sahig ng deck na bahagyang idinuduyan ng alon ng dagat. It was morning. In a few hours, they were going to sea.

Nakaidlip siya. Dumating siya roon nang madaling araw at nahiga sa sahig para tumitig sa kagandahan ng mga bituin bago iyon maitaboy nang mas makapangyarihang liwanag nang paparating na araw. Ni hindi niya namalayan na siya'y nakatulog at sa sasandaling pag-idlip ay nagawa pa niyang managinip.

Napanaginipan ni Daniel ang pinakamagandang babaeng nakita na niya sa tanang buhay niya.

Natutulala pa ring bumangon si Daniel. Naupo sa paboritong stool ng kanyang ama noong namimirata pa ang mga Vernaan. Isa ang kanyang ama sa huling mga pirata ng isla. Ngayon ay ang Kuya Miguel na niya ang may-ari ng bangka at lider sa pitong crew ng magkakapatid at magpipinsan na kasama nito tuwing magpapalaot.

Tapos na ang pamimirata ng mga taga-Isla Vernaa. Ngayon ay pangingisda sa karagatan, pag-culture ng mga hipon at mga halimasag, pearl diving and culturing din, at pangangalakal nang kung anu-anong produktong napo-produce sa isla ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Vernaan.

Katunayan ay magpapalaot sila mamayang hapon para salubungin ang isang yateng magdaraan malapit sa isla gamit ang kanilang makukulay na mga bangka. Bebentahan nila ng mga produkto nila ang mga sakay niyon.

Kung dati, ang mga bangkang pamirata ng mga Vernaan ay mukhang luma at walang kulay (iyong mga klase na hindi mo basta papansinin maliban kung huli na ang lahat), ngayon ay pawang maririkit ang mga iyong nangagkahilera sa dalampasigan ng isla. Kapag lumalapit na ang isang bangkang Vernaan sa isang sasakyang pandagat ay napapangiti agad ang nakakakita. Ang kalapit na mga isla ng Vernaa ay nakigaya sa kanila pero nakabuti pa iyon. Kung may maghahanap sa unang unang mga mamamangkang nagbebenta ng perlas at iba pang handcrafted decorations na pagkagaganda, mahahanap ang mga produktong iyon sa ibang isla. Hindi na sila hahanapin. Kasi, nawawala raw silang parang mga multo... ang misteryosong mga bangkang nagdadala ng mga perlas sa mga alahas na animo nagbibigay ng swerte sa mga nakakabili, kung hindi man saya.

Kailangan ng mga taga Isla Vernaa na manatiling nawawala, pero hindi nila kailangang hinahanap. Walang nakakaalam tungkol sa Vernaa sa mga likas na walang mahika. Kailangan nilang laging nakakalimutan at hindi naaalala maliban kung kailangan.

Dahil dito, kailangan nilang mamuhay nang hindi dumedepende sa gobyerno o sa kalapit nilang mas malalaking mga isla.

Sa kanilang isla ay may mga paaralan, maliit na munisipyo, library, teatro, palengke, craft-making and jewel-making house at templo ng sambahan. Ang kanilang matatandang mga guro ang namumuno sa kanilang pamayanan at ang kanilang shaman ang namamahala sa kanilang pagsamba. May kakayahan ang mga Buriway, ang ngalan ng kanilang lahi, na pagalingin ang sarili, kaya ang natitirang trabaho na lamang nang kanilang shaman ay magdasal para sa magandang ani at mayamang yamang-dagat, at mamahala sa mga okasyon nang kanilang pasasalamat sa Maylalang pagkatapos nang matagumpay na anihan at pangingisda.

May dahilan kung bakit ang Vernaa ay isang hiwalay na pamayanan na may sariling sistema na hindi kailangang dumepende sa iba.

Umaabot sa tatlong daang mga Buriway ang nakatira sa Vernaa at may anim na pung taon na rin silang naroroon. Pinakabata si Daniel sa limang magkakapatid na pawang mga lalaki at sa edad na beinte-uno, sa malas ay tinuturing pa rin siyang bunso ng mga ito. Ulila masn na sila sa mga magulang, ang kanilang pamilya ay isa pa rin sa pinakapipitagan sa isla dahil ang Lolo Jacinto nila ang nagdala sa mga Buriway sa islang ito at naging unang Punung-Guro, sa kabila na hindi ito isang Buriway kundi pangkaraniwang tao lang. Sa katunayan, silang magkakapatid ay nakatakda ring maging mga punung-guro pagdating ng araw.

Enchanted Daughters of the Ancient Fairy 3: The Dancer & the ShapeshifterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon