Chapter 1

38 0 0
                                    

Brayden's.

"Anak, kailan ka ba kasi uuwi dito sa Sausalito? Your cousins keep on waiting for you – "

"Ma, ang dami ko pa pong trabaho dito. I just can't leave Celestial Entertainment easily. Isa pa, puwede naman silang magbakasyon sa Santa Monica or sa Anaheim na wala ako."

"Hindi yun ang punto ko dito, anak. Hindi lang naman sa galaan ka nila namimiss. It's your presence, bonus ang moments ninyo together. Pagbigyan mo na. Celestial can wait, your cousins might not."

Bumuntong hininga ako at inilagay ang telepono sa balikat ko na siya namang inipit ko ng ulo ko. Binuksan ko ang folder na nasa lamesa ko at binasa ko 'yon, "They can. Or if they want, puwede naman nila akong bisitahin rito. My house is open for them, plus I'm alone. Ako na bahala sa expenses."

"If papayag ang mga tiyahin –"

"See? If hindi papayag sila tita, then, hindi rin papayag ang Celestial." Putol ko sa sinasabi niya. She sighed.

"Hindi na ba talaga kita mapipi –"

"Gotta go, mom. Ang dami ko pang aasikasuhin dito sa kumpanya, love you."

At pinatay ko na ang tawag sabay lapag ng cellphone sa lamesa. Ibinuryo ko ang pagbabasa ko sa folder na hawak ko. Hindi ko na halos namalayan na may tao palang pumasok sa opisina ko kung hindi pa umupo si Crishea.

"Tutok na tutok ah, walang balak magpahinga?"

Binigyan ko lang siya ng seryosong tingin at napangiti sabay sinarado ang folder at ipinatong 'yon sa lamesa saka siya hinarap.

"Anong nagdala sa'yo rito? I think may nakakalimutan ka . . ." pagbibiro ko.

"Oh yeah, I'm from Stellaris Entertainment. And we're rivals," sarkastiko niyang sabi kaya naman nagtawanan kami. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang alas dos na pala ng hapon. Kaninang 10 pa ang huling kain ko at kung 'di lang talaga dumating 'tong si Crishea ay malamang nalipasan na naman ako ng gutom.

"Samahan mo 'ko magmeryenda, my treat."

---------

"Kailan ang tentative comeback ng Triggle, president?"

"Naisipan niyo na ba sila ng panibagong concept? Sino gumawa ng kanta nila? Sinong nag-ayos ng lyrics ng mga 'yon? Nakagawa na ba sila ng choreo para sa comeback nila?"

Umiling silang lahat at nakatingin lang sila sa'kin. Panay ang push nila sa pagcomeback ng Triggle pero hindi pa naman pala nila naaayos ang lahat.

"Bago niyo ako tanungin sa comeback nila, make sure ayos na silang lahat para shoot na lang nang shoot. Wala ng sagabal. Para 'pagtapos ng shooting nila para sa music video, tuloy pahinga na sila. Ikalawang comeback palang nila pero parang 'di pa kayo nadadala noong una. Halos lahat napagod, ayokong sagarin nila ang mga katawan nila. They're doing great."

Nilingon ko sila isa isa at tinuro sila, "Ask them their piece at ayusin niyo. Itama niyo ang dapat na itama. Pangalawa, if sila ang gumawa ng choreo nila, itama niyo na rin ang dapat itama. If lahat 'yan naayos na, then we'll proceed to shooting at habang ginagawa nila 'yon, ayusin niyo na ang lugar kung saan sila magshushoot. Dismiss."

Nagsitanguan lang sila at binitbit ang kani kanilang mga gamit. Napasandal ako sa upuan ko at nagfocus sa isang papeles nang may kumatok at agad na pumasok. Hindi ko na pinansin iyon dahil may kailangan akong tapusin na trabaho.

"Grabe, Brayden, umuwi kami dito para sa'yo at para rin makapagpahinga pero nandito ka't nagpapakasubsob sa trabaho mo."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost FairiesWhere stories live. Discover now