Tekki-Okay ka lang?

Tumango namin ito,senyales na okay ito.

Nang hawakan ko si Gerry sa kanyang kamay ay laking gulat ko nang hatakin ako nito,dahilan para masubsob ang katawan ko sa kanya.

Tinanong ko ito kung bakit.

Tekki-Baki---

Hindi ko pa natatapos ang tanong ko nang biglang hinalikan niya ako.Hinawakan niya ang aking likuran para maitulak ang katawan ko ng mas madiin sa kanyang katawan.

Naramdaman ko, ang tigas ng kanyang mga kalamnan.

Dito mistulang kinain niya ang mga labi ko,ramdam na randam ko ang init na ibinibuga ng kanyang bunganga.Paulit-ulit ako nitong hinalikan.At pinili kong hindi tumugon sa mga halik nito.Sinubukan ko ring magpumiglas pero mas hinigpitan pa nito ang yakap niya sa akin.

Dito mas naramdaman ko ang init na singaw ng kanyang pangangatawan at ang amoy nito.

Napakabango ni Gerry kahit buong maghapon niya ng suot ang kanyang damit.

Sa kalagitnaan ng paghalik niya sa akin ay may naramdaman ako,tila ba mas naglagablab ang pagnanasa ko dito.

Sa kabilang dako,nagpasya akong kontrolin ito,baka kasi mahalata ni Gerry na may pagnanasa pa rin ako sakanya,bagay na ayaw kong mangyari.

Paano kung ang mga halik na ito ay dala lang ng sobrang kalasingan at bukas ay hindi niya na maalala ang lahat?

Tumagal ang paghalik niya sa aking labi ng limang minuto.Nang matapos ito ay unti-unti ako nitong pinakawalan. Tumingin siya sa mga mata ko at habang nakatitig ako sa kanyang mga mata,batid kong may gusto itong iparating.

Saktong ibubuka ko na ang aking mga labi para tanungin si Gerry kung bakit niya iyon nagawa,nang biglang--------

IiiiiiNNNNNNSSSSSSSSAAAAAAAAANNN?????

Biglang narinig namin ang boses ni Will na tinatawag ako at dito tila ba nagulat kaming pareho at pilit naming inayos ang aming mga sarili.

Bumalik kami sa labas na tila ba walang nangyari.

Will-Oh ba't ang tagal niyo?

Naranta ako bigla nang itanong sa akin iyon ni Will na tila ba may alam ito sa mga nangyari.

Tekki-Huh,eh...ah nagsuka pa kasi ako kaya iyon natagalan.

Mayamaya pa ay nagyaya na si Jona para umuwi sa kadahilang may kalayuan pa ang kanyang bahay.

Bagay na sinangayunan ko.

Pero humiling si Gerry na kahit 30 minuto ay magtagal pa kami,bagay na hindi namin natanggihan.

Gerry-Dito muna kayo,kahit 30 minutes lang.Minsan lang naman ako mag birthday eh.

Jonna-Oh sige na nga,basta 30 minutes lang huh?

Gerry-Oo

Habang patuloy ang paghuhuntahan,ilang beses ko naman nakitang nakatingin sa akin si Gerry at sa tuwing magtatagpo ang aming mga mata ay agad niya naman itong iniiwas.Hindi ko alam kung bakit at hanggang ngayon ay nananatili pa ring palaisipan sa akin ang mga nangyari.

Ngunit may napansin ako,tila ba ibang Gerry ang kasama namin ngayong gabi.Balisa ito na para bang may malalim na kinikimkim sa sarili.

Para bang hindi mapakali at may kiti-kiti ito sa katawan.

Makalipas ang 30 minuto,tulad ng napagusapan ay nagpasya na kaming umuwi.Nagpaalam si Will at Jona kay Gerry.

Will and Jona-Gerry thank you huh,happy birthday uli.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon