011. Visions in Voices

Comincia dall'inizio
                                    

Nginitian siya ni Sketch, "Salamat dito, Vladimir... Iba talaga kapag ability mo ang superhuman mental processing. Para ka nang naglalakad na computer."

Nico scoffed and shook his head, "Ability ba 'yun? Tumalino ka lang naman lalo. Parang hindi naman 'yun special..." He then laughed sarcastically.

Napangisi na lamang si Vladimir, bago ipinatong ang kamay sa printer na naka-network sa computer na ginagamit ni Nico noong mga sandaling iyon. Gamit ang kakayahan niya bilang isang technopath, nagawang isara ni Vladimir ang web browser, pati na ang document na isinusulat ni Nico. Kasunod noon ang tuluyan niyang pagsara sa computer na ginagamit ng lalaki.

"Hoy!" bakas ang gigil sa tinig ni Nico, "Gago 'to... Hindi ko pa na-save 'yung document na 'yun!"

Vladimir just gave him the dead eyes as he grinned devilishly. "That's not my problem anymore, dimwit."

Kinuha ni Nico ang pinakamalapit na libro sa kanya, at ibinato iyon kay Vladimir. Iyon nga lang, hindi iyon tumama sa lalaki na tuluyan nang nakalabas ng library.

Pinagtawanan na lamang siya ni Sketch. "Sira ka rin talaga, ano? Lagi mong binabanatan si Vladimir, eh palagi ka lang namang nasusupalpal nung tao. Hindi ka pa ba nasasanay?"

"Sa susunod kasi, huwag mo nang sasagutin nang ganun si Vladimir," pagsita sa kanya ni Emma, "You will never stand a chance against him, Nico. Just give up."

Pagak na tumawa si Nico habang pinagmamasdan si Emma, "Ah, heto na naman tayo. Ikaw talaga ang number one fan ni Vladimir, ano? Crush mo talaga ang ungas na 'yun, ano?"

Napahalukipkip si Emma at pinandilatan si Nico na nakaupo pa rin sa harap ng computer. "That's not what I'm talking about here, Nico. Just stop pestering him kasi ikaw lang naman ang mapapahiya. Para ka tuloy ewan, eh alam mo namang wala kang laban sa kanya."

Natawa na lamang si Axis sa naging tugon na iyon ni Emma, kaya ginaya niya ang pagsasalita nito na parang isang bata na inaasar ang kaklase. "That's not what I'm talking about here, Nico –"

Natigilan silang lahat, lalo na si Axis na nagulat sa lumabas na tinig mula sa kanya. "Narinig niyo 'yun?"

Maang na nakatingin sa kanya si Leia na nagulat rin sa narinig. "Did you just imitate Emma's voice?"

Natahimik silang lahat ng ilang segundo bago tuluyang binasag ng pagtawa ni Gwen ang katahimikan.

"Astig 'yan ha... Alam ko na ang pwede mong maging career in the future. Paniguradong yayaman ka."

"Ano 'yun?" curious na tanong ni Axis.

"Pwede kang maging scammer," nakangiting tugon sa kanya ni Gwen, "Epic 'yan kapag naging involved ka sa voice phishing."

Umiling-iling na lamang si Axis habang tumatawa, "Mga baliw talaga kayo..." Tapos ay kinuha niya ang maliit na notebook sa bulsa niya at isinulat ang nangyari, "I need to take notes of this... Irereport ko 'to mamaya kay Sir Daniel."

As everyone laughed, Emma rolled her eyes in annoyance, before getting up and leaving the library. Sinundan siya ng tingin ni Leia, na napabuntong-hininga na lamang habang umiiling-iling. Kinolekta niya rin ang mga librong kinuha ni Emma para sana ibalik iyon sa pinagkunan ng kaibigan, pero sa dami noon ay hindi niya 'yun kaya nang mag-isa lang.

Napansin ni Jacob ang dilemma ni Leia, kaya agad niya itong nilapitan. "Tulungan na kita... Mukhang mainit na ang ulo ni Emma kaya nag-walk out na lang."

Nginitian siya ni Leia habang sabay silang naglalakad papunta sa mga malalaking bookshelves sa Paramount library.

"Ganun naman talaga 'yun kapag napipikon na... Pero hindi naman 'yun mapagtanim ng sama ng loob. Mabait si Emma."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora