Naku , huwag nyong gagayahin ang mga yan andaming trabaho na kailangan walang tattoo, at permanente nayan sa balat, ang dumi tignan.

Tatlong lalaki na matangkad at maganda ang pangangatawan, pare parehas silang may mga Tattoo sa braso. Ng maaninag ko ang isa sakanila , sya, sya yung natapunan ko ng choco shake! Napatingin ako sa suot nyang pangtaas. Isang tshirt na may print sa gitna na

Dior

iba na ang damit nya malamang nagpalit na dahil nakakahiya nga naman lumabas ng ganoon, napatingin naman ako sa tshirt ko , puno ng bakas ng choco shake, nakakahiya kung di lang kasi ako ginantihan nun pft. Ng umangat uli ang tingin ko dun sa Nakatapon saakin ng choco shake ay di ko maikaila na gwapo sya, mas maliwanag kasi dito kumpara dun sa may sinehan kaya pati mga detalye ay kita.

"Hoy tutunganga ka nalang ba diyan?" Nauuna na pala yung tatlo at natigil ako dito, tumakbo papunta sakin si Andrei at nilagay na naman sa balikat ko ang braso nya at nagsimulang maglakad papunta dun sa dalwa, lumingon uli ako sa likod at nakita ko na nakatingin na saakin ng seryoso yung natapunan ko ng Choco Shake, humarap na uli ako baka mamaya pagbayadin pa ako ng damit nun.

"Oh nandito kana pala anak" nagulat ako ng makita ko si Mommy na papalapit saakin dito sa sofa namin paguwing paguwi ko kasi ay dumiretsyo agad ako dito at humilata, magdadalwang buwan na ng huli ko silang nakasama ni Dad , busy sa business. Tumayo naman ako para yakapin sya, pero napatingin sya sa damit ko, ryt. Here we go. "What happened to you? Bat ganyan yan? Diba may pasok kayo bakit ganyan ang suot mo nasan ang uniform mo?"

"Wala po, natapunan lang po ng iniinom ko yung uniform ko kaya nagpalit ako" pagsisinungaling ko

"Natapunan, tapos natapunan din yung pinampalit mo? Ano ka tatanga tanga, di kita pinalaking tatanga tanga anak, sabihin mo sakin ang totoo, pumasok ka ba sa school? kung hindi saan ka nagpunta" Umiling ako wala din namang patutunguhan ang pagsisinungaling ko malalaman at malalaman din yan ng parents ko.




"Ano?!Wala ka bang boses ha?" kita ang galit sa muka ni mommy sa nalaman

"Di po ako pumasok, nagpunta sa mall" tipid kong sagot

"Diba sabi ko sa'yo wag mo na ulitin pa yang pagcucutting mo? Sa mga barkada mong masama ang impluwensya sa'yo?, Layuan mo ang mga iyon utang na loob, sa tingin mo ba masaya kami ng Daddy mo sa pinaggagagawa mo?, Mall omg what did i told you, dont always go to mal-" Bago pa matapos ni mommy ang sasabihin nya ay naglakad nako palayo, ano bang problema ni Mom sa Mall, kahit nung nandun pa kami sa maynila ayaw na ayaw akong pumuntang mall.

"San ka pupunta di pa tayo tapos magusap Cassandra!"

"Anong nangyari?"

Narinig ko ang boses ni mom at dad na pahina ng pahina dahil sa paglabas ko, nagpunta ako sa park nandito sa loob ng subdivision namin para magpahangin. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko, wag na pala ayoko naman gambalain pa yung anim baka nagpapahinga na sila malalim na din ang gabi, bago ko pa mailagay ang cellphone ko sa bulsa ng tumunog ito.

From: Dad

1 month no wifi connection at kakaltasan ko allowance mo, I hope this serves a lesson.

Hys, napasapo nalang ako sa noo ko dahil kakaltasan ang allowance ko, ayos lang saking wala yung intenet connection pero yung babawasan ang allowance ko? May iniipon kasi ako pambili sana ng art materials. Wala nakong magagawa final nayon, si dad ang nagdecide e.

Naghalo halo na ang nararamdaman ko, Guilt, Inis at Lagkit dahil suot ko parin 'tong damit na to kainis.

Ting

Forever on Me (Forever Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin