Chapter 2

210 10 0
                                    

| | Unknown | |



Kanina pang nakakunot ang noo ko dahil katabi ko pa pala yung nakatapon sakin ng choco shake.

"Whats with that face Cass?" nagtatakang tanong ni Trina saakin, umiling nalang ako sakanya at tumitig na sa screen, naiinis ako dahil hindi ako makapagpunas dahil nga katabi ko 'yon baka isipin nun na nagtagumpay sa sa higanti nya, ay Oo nagtagumpay nga sya basta ayoko ipakita na nagtagumpay sya.

"Ang astig nung movie anong masasabi mo Cass? Tanong sakin ni Andrei ng palabas na kami sa sinehan.

"Ah ang ganda hehe" Pagsisinungaling ko dahil wala akong ibang ginawa kundi ang mainis dahil sa lagkit nung choco shake.

"Uwi na tayo" sabi ni Jay ng makalabas na kami sa sinehan.

"Huh? Ano? Six palang naman" Angal ni Trina habang nakapulupot ang kamay sa braso ko, nakita koa ang pagtitig ni Jay sa damit ko napatingin din yung tatlo sa damit ko. " Oh edi bili nalang natin si Cass ng tshi-" bago pa matapos ni Trina ang sasabihin nya ay tumunog ang cellphone nya at agad naman nitong sinagot

"Ha?! Saan? Sige sige" Bago pa kami makapagtanong kung ano ang nangyari ay kumalas na sa braso ko si Trina at kumaripas na ng takbo Nagkatinginan naman kaming mga naiwan dito at nagkibit balikat nalang ako sa nangyari.

" Oh sya tara na ngang umuwi" sambit ko, di man lang namin naenjoy 'tong araw na'to nagcut pa kami para dito, pero okay na rin dahil nalaman ni Jade na ganun pala yung ka-on nya.

"Daan muna tayo kina Jay, yung mga bag natin nandun pa" saad ni Andrei na ngayon ay nasa tabi ko na. Tumango naman ako at nagsimula ng maglakad, naramdaman ko nalang ang isang braso na pumupulupot sa balikat ko, Andrei psh, agad ko naman itong tinanggal. " Awe naman bat mo tinanggal Cass" nagpapacute pa sya habnag sinasabi yon, mahina ko naman syang hinampas sa braso.

"Tss nagtanong ka pa alam mo naman ang sagot, mga baabe mong amazona" Masungit na sabi ni Jay na nasa tabi ngayon ni Andrei, tama nagaalala ako sa buhay ko dahil mamaya makita ako ng isa sa mga babae nan ni Drei,.

"Kaya nga Drei" Walang ganang singit ni Louis na nasa kabila ko, napapaggitnaan ako ni Andrei at Louis habang naglalakad habang si Jay ay nasa kanan ni Andrei. Nakita ko ang mga tinginan saamin ng mga ka edad lang namin na babae dito sa mall, may mga grupo may dalwa lang, galing ibat- ibang school , sigurado awas na ang mga yan, at sigurado kaya nila kami tinitignan ay dahil sa tatlong kasama ko, Paano ko nalaman? Gwapo ang mga 'to e isama mo pa si Clayn mala F4 ang datingan ang pinagkaiba lang sa F4 ay di mga bully ang mga yan.

"Grabe talaga kayo, kaya ang hirap nyo kasama e, ang guguwapo" Mapanuya kong sabi sa tatlo habang nginunguso ang mga babae sa paligid na nakatingin sa gawi namin.

"Tss" Halos sabay pa si Louis at Jay, mga masungit talaga pag dating sa mga babae. Kung byang dalwa ay masusungit itong isa naman ay iba.

"Syempre naman cass di ka pa nasanay?" Mayabang na sabi ni Andrei habang pinapasadahan ng kamay nya ang kanyang buhok, see? ang hangin haha. Bumaling na uli ako sa mga nasa paligid, kung kanina ang atensiyon ng mga babae ay nasa amin, ngayon ay nasa iba na.

Woahh ang cool naman nila

Nakakaintimidate naman.

Anla andaming Tattoo

Ilang taon na kaya sila

Shems nakakadagdag sa kagwapuhan nila yung mga tattoo.

Luh ,mukang mga playboy slash badboys

Forever on Me (Forever Series #1)Where stories live. Discover now