Chapter 1

236 10 0
                                    

| |Choco Shake | |


"Igihin mo sa bago mong school Cassandra ha" Tumango nalang ako , dahil ayoko nalang sumagot dahil aabot na naman to sa sermon, ilang beses kong sinabi na ayaw ko na lumipat pero no choice dahil sa may tinanggap raw si Dad na offer.

Kasalukuyan na akong nandito sa School at sa sobrang boring ng klase sa Math ay napaguhit nalang ako sa likod ng notebook ko habang pinaglalaruan ko ang buhok kong may highlights na blonde.

Hindi ko malaman kung saan ko nakuha ang talento ko sa pag guhit , wala naman miski sa isa naming kamaganak ang magaling dito.

Hindi ko din alam kung bakit laging, pag naguhit ako tuwing gusto kong palipasin ang oras ay hindi mawawala ang pagiisketch ko ng isang muka ng babae na hindi ko naman kilala, kusa ko nalang naiguguhit ng aking mga kamay.

"Ms. Muñoz, pakisagot ang equation sa blackboard kanina pa kita nakikitang di nakikinig sa dinidiscuss ko at ngumunguya ka pa ng bubble gum?! Kakatransfer mo palang dito ganyan na agad ang pinapamalas mong attitude" Napatigil ako sa pag guhit ko sa likod ng notebook ko ng umalingawngaw ang galit na boses ng teacher namin sa Math na siguro ay mga nasa 40s na at may eyeglass na gaya ng sa mga terror teacher sa mga palabas , ang atensyon ng mga kaklase ko ay nasa akin na. "Ano pang tinitingin tingin mo dyan Ms. Muñoz? Get up" mabilis ko nalang na pinunit ang pahina ng notebook na may laman na sketch ko kanina at nilagay dun ang wala ng lasang bubble gum.

What? Ang Dali lang nito pft.

Agad ko namang nasagutan yung equation na nasa board at inexplain ko na rin kasi nasanay ako na ineexplain dahil ganon sa dati kong pinapasukan. Bukod kasi sa pagguhit mahilig din ako mag basa ng libro at mag advance reading.

Nagpalakpakan naman yung mga kaklase ko na hindi ko inexpect dahil sinagutan ko lang naman, sa dati ko kasing school wala lang yun pft.

"Very good, You may sit Ms. Muñoz" pagkaupong pagkaupo ko ay may nagsalita sa tabi ko.

"Trinaly Marquez ,call me Trina, Cassandra right?" sabi nya at inilahad ang kamay sakin at tinanggap ko naman agad iyon.

LUMIPAS ang ilang buwan at nagustuhan ko na agad dito dahil walang kompetisyon, walang pataasan basta madami akong kavibes ang ayaw ko lang dito ay daming bawal, yung dati kong buhok na may Highlights ngayon ay pure black na, yung nakasanayan kong naglalagay ng liptint wala na din ,di pede , yung dating dalwa kong piercing sa tenga ngayon isa na lang. Basta ang dami siguro dahil catholic school to.

"Uy, Cass tara daw mag cut mamaya" bulong nitong nasa likod namin, si Drei , Andrei De Jesus, isa sa mga naging kaibigan ko dito.

"Drei , nangdedemonyo kana naman gago" nattawa kong sabi habang nakatingin sa blackboard dahil nakasulat dun yung mga aaralin namin ngayong bagong quarter, ako lang ata ang nagsusulat ng mga iyon, gusto ko lang magadvance para may idea na ako.

"Game,kakatapos lang naman ng Periodical test for sure we're not doing anything ." Sabat ni Trina habang walang ganang tinitignan ang kuko nya na may extension , katabi ko si Trina dito sa desk namin , ng nilingon ko ang iba ko pang mga kaibigan, nakathumbs up na ang nga mokong , sinabi na siguro nina Trina sa mga kaibigan namin.

Nasa 2nd to the last kami na row ni Trina, sa gitnang desk. Yung lima nasa last row.

Pito kaming magkakaibigan ,

Forever on Me (Forever Series #1)Where stories live. Discover now