26: Beautiful Zermatt

1.6K 52 6
                                    

I heave a sad sigh habang nakatitig pa sa view ko ngayon dito sa office. Iniisip kung anong mangyayari sa amin ni Dustin pag nagkita kami. What he did doesn't really matter to me, mabuti na nga iyon at nasabi niya.




"Lalim ng iniisip natin ma'am ah," puna ni Ezekiel




Nakangiti akong napalingon sa kanya na nakaupo sa long desk at may inaasikaso sa laptop niya.




"Wala, nagugutom lang ako," sagot ko rito at umupo na din ulit sa swivel chair ko.




"Gusto mo padalhan kita ng pagkain dito, ma'am?" tanong agad ni Linda sa akin na nagtitimpla ng kape niya.




I scrunch my nose as I shook my head. "Sawa na ako sa pagkain nila dito," sagot ko. I heave a sigh at napatitig sa kisame, dreaming of all the foods that I want to eat, "I want to eat sinigang na hipon."




"Hala! oo nga! Ang sarap din humigop ng sabaw ng sinigang ngayon," sagot din ni Linda, bakas pa ang saya sa boses nito




I chuckled, "yeah but I don't know how to cook. Magaling lang ako kumain, simpleng grilled cheese nga nasusunog ko pa."




"Ako hindi lang marunong magluto ng sinigang," Linda answered nang makaupo siya sa upuan niya, she stirred her coffee.




Ezekiel chuckled kaya napatingin kami sa kanya. Prente siyang umupo sa swivel chair niya.



"Kung hindi niyo naitatanong, magaling at masarap akong magluto," pagmamayabang niya. He even wiggled his brows.




I sneered because of his actions, "paka yabang mo!"




Linda and Ezekiel laughed. "Pero seryoso, magaling po talaga akong magluto. Kung pwede nga lang magluto ng pang pilipinong pagkain, matagal ko na ginawa. Gusto ko na kumain ng adobong manok," litanya ni Ezekiel.




Ako din. Gusto ko ng kumain ng mga luto ni nanay at yaya. Malimit nga lang ang alam kong pangalan ng pagkain, yung iba hindi ko na alam. Kumakain lang talaga ako.




"Yung ginger soup din na may manok," I said dreamily again. Salivating from all the foods that we are talking about.




I arched a brow when Ezekiel suddenly burst out laughing. "Ginger soup amp! Tinolang manok lang sa amin yun, ma'am" natatawa niyang sabi.




"Huh? Tinolang manok ba tawag don?" walang kamuwang-muwang kong tanong. Aba malay ko ba basta madaming ginger yon.




"Oo, ma'am, paka sosyal niyo talaga" he laughed again. Sumabay na din si Linda sa pagtawa sa kanya.




Pinulot ko ang ballpen na nasa gilid ng laptop ko at binato iyon sa kanya. I rolled my eyes when he caught it while still giggling.




"Pero seryoso na," he said and composed himself. "Ang sarap talagang kumain ng sinigang ngayon"






Tumango ako. Napatitig ako sa keyboard ng laptop ko, iniisip pa din ang mga Filipino foods na gusto kong kainin. A thought suddenly popped up into my mind.




I heave a sigh at napatingin muli kay Linda at Ezekiel.



"I could talk to Mr. Alcantara and ask him if we could use their hotel's restaurant's spare kitchen since marami naman kusina ang restaurant," I told them kahit bakas sa boses ko ang pag-aalinlangan.




Lust ForeverWhere stories live. Discover now