10: Getaway

1.8K 47 4
                                    

"Fuck! sorry, nakalimutan ko may lakad pala ako ngayon!"



Napatitig lang ako kay Sid na natataranta ngayon. Wala pang thirty minutes mula noong makarating ako dito sa condo niya pero yan na agad ang sinabi niya sa akin. It's been days since I last saw Sid. And I wanted to talk to him too kaya sumang-ayon na ako na pumunta dito sa unit niya when he texted me to come over.



I followed him in his room at umupo sa dulo ng kama niya.



"Can you do me a favor?" he said habang nasa loob pa siya ng walk-in closet niya.



I sighed before answering, "Yeah?" tipid kong sagot sa kanya. 



Nakatingin lang ako sa pintuan ng walk in closet niya nang lumabas siya at tumayo doon. "Can you please take my car to a carwash?" tanong nito sa akin. Ngumiti pa ito sa akin bago sabihin ang "please?"



Ngumiti lang din ako sa kanya at tumango.



"You're the best talaga!" he gladly said at kinindatan pa ako bago ulit pumasok sa walk-in closet niya



"Oh, please fill it with gas, too!" sigaw nito mula sa loob para marinig ko siya.



Bumuntong hininga ako bago makalabas ng kwarto. Kakatapos ko lang linisin ang kwarto ni Sid. Wala na din siya, may lakad daw at motor niya ang gamit niya kasi walang linis at paubos na ang gas ng sasakyan niya.



Nagtungo muna ako sa kusina kasi nagugutom ako pero nalungkot nalang ako nang bumungad sa akin ang empty fridge niya. I did what he asked me to do, pumunta na din akong mall para mag grocery for Sid kasi wala talagang lamang pagkain ang condo niya.



"Bakit mo ba ito binili lahat?! Sinabi ko bang bumili ka?!" singhal nito sa akin.



Napaatras ako sa takot sa boses niya at napayuko. I don't understand, shouldn't he be thankful kasi binilhan ko pa siya ng pagkain niya? pero bakit galit siya?



"I'm s-sorry, I'm sorry. I just figured you need food in your place kasi," naiiyak na ako. Hindi ako sanay na sinisigawan. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali.



"S-Sid.." pagtawag ko sa kanya when he started putting the stuff in the plastic bag ulit, clearing his fridge.



Lumapit na ako sa kanya at hinawakan ang braso niya para pigilan siya pero marahas niya akong tinabig. Doon na nagsituluan ang mga luha ko.

Lust ForeverWhere stories live. Discover now