18: Switzerland

1.5K 49 8
                                    

"You know damn well your cousins, especially your brother manipulated your feelings para umagree ka, right?"



Sinamaan ko ng tingin si Ezekiel nang ibaba ko ang luggage ko mula sa likod ng sasakyan. Tinulungan niya ako na ibaba ang isa ko pang maleta pero agad kong inagaw iyon sa kanya sa inis.



"You don't get to talk about personal stuff with me lalo na tungkol sa mga naririnig mo sa usapan namin magpipinsan" I frankly told him so he fucking knows his line. Nakabond lang namin siya ng isang araw nagmamarunong na siya.



Nginitian niya ako at tumango ito sa akin. "Yes, ma'am. Sorry po"



Lima kami na papunta ng Switzerland. Kasama namin ang isang lawyer namin sa imperyo, ang engineer din na makikipag collaborate sa mga Alcantara, and of course, ang secretary ko na si Linda.



Nadismaya ako nang malaman ko na magkatabi kami ni Ezekiel sa buong byahe. Almost fourteen hours din kaming magkatabi but that's fine kahit minsan nakakainis ang pagkafeeling close niya.



Naalimpungatan ako ng bumagsak ang ulo ko sa antok. Nagulat nalang ako nang may humawak sa noo ko para hindi mahulog ang ulo ko.



I immediately sit properly at nanlaki pa ang mga mata ko na napatingin kay Ezekiel. Natatawa pa niya akong tinignan kaya inirapan ko siya.



"It's okay, ma'am Eumi" nakangiti niyang sabi sa akin. Pinilit ko na lang din siyang nginitian at nag iwas ng tingin. "Just click the button nalang po para makatulog kayo ng maayos" abiso niya sa akin. Laking gulat ko nalang when he suddenly leaned to me kaya napasandal ako.



I pushed his hand away from the buttons. "Ako na. I am not disabled" pagmamatapang ko. Umatras naman agad siya at nginitian na naman ako. I pushed the button so my seat can turn into lay-flat bed mode.



"Heto po ma'am" Ezekiel said again as he handed me my blanket. Binuklat niya pa iyon.



"Ako na," inis kong sabi sa kanya. "Hindi ka naman flight attendant dito para gawin yan sa akin." Agad kong inagaw sa kanya ang kumot ko. He didn't say a word, he just chuckled. I tucked myself into my little bed at natulog na ulit.



Nagising ako when the crews started giving our meals. Nagugutom na din talaga ako. They served the steak with veggies on the side and mashed potatoes.



Napatingin ako kay Ezekiel na kumakain ng steak. Nanliit ang mga mata ko habang tinitignan siya kasi ang bilis niya kumain. I couldn't help but chuckled. Napatingin naman siya sa akin habang ngumunguya pa. I covered my mouth to stifle a laugh.

Lust ForeverWhere stories live. Discover now