17: Manipulated

1.6K 45 5
                                    

"What deal?"





Tinaasan ko ng kilay si Adrian. Nakita ko din na napatigil si Nardan sa pag-kain at napatingin din sa kuya niya. Kumunot ang noo ko when Chanty giggled, enjoy na enjoy siya sa guessing game na pinaggagagawa nila ni Adrian eh. Siya siguro may pakana ng lahat na 'to.





"You and Ezekiel will fly abroad" panimula ni Adrian. I paid attention to him when I heard the word abroad, naexcite ako bigla.





"May kailangan tayong approval sa isang kompanya para makapatayo ng hotel. This will be our first biggest hotel na ipapatayo in Europe" propesyonal nitong sabi sa akin kahit napaka unprofessional na kandong niya ang asawa niya.







I can't help but smile nang marinig ang salitang Europe. If this will be our biggest hotel in Europe then I'm sure as hell that I will get this fucking approval kahit ano man ang mangyari.







"Ohh, she's smiling, love!" masayang sabi ni Chanty sa asawa, amusement was visible in her voice. Halata pa na excited siya.







Adrian grinned at me. "Are you going to say yes?" he asked me, excited din siya sa isasagot ko.







I grinned in excitement, napakagat pa ako sa labi ko para pigilan ang sarili ko na mas mapangiti pa. I was about to say yes pero pumasok agad sa isip ko kung anong kompanya ba ang need ng approval at bakit biggest deal 'to.





"I feel giddy," I said while chuckling. They chuckled, too. "Pero saan sa Europe? and what company?"







"Oo nga!" pagsabat ni Nardan, "if I haven't been there yet sasama ako, kuya, ha!" parang bata nitong sabi.







Nakangiting nagkatitigan si Chanty at Adrian. May topak talaga 'tong mag asawang 'to!







Adrian then looked at me at tumaas ang isang sulok ng bibig niya, "Switzerland."







Napasinghap si Nardan sa narinig. "Oh, may work pala ako dito."









I froze. Pakiramdam ko tumigil ang pagtibok ng puso ko ng marinig ang lugar na 'yon. Then I can suddenly hear my heart pounding. My hands started sweating. I know where this is going. This is bad, this is really really bad!





I looked at Chanty at nakangiti siyang halatang kilig na kilig pa. This is obviously her plans. Pwede naman na si Adrian ang pumunta doon eh!







"...and we need approval from Alcantara Incorporated" dagdag pa ni Adrian.







Napatayo na ako sa kinauupuan ko sa inis. "No!" singhal ko sa kanya. Mabilis na nagtaas baba ang dibdib ko. I directly looked at Adrian at umiling sa kanya, "ayoko."







"Diba naka move on ka namana sa kanya? It's for the empire, Eumi" Nardan said bago ako maloko na nginitian. Tinaasan ko siya ng kilay. She sweetly smiled at me as she shrugged her shoulders.







I heave a sigh at nilagay ang kamay ko sa bewang ko. "Why don't you do it? Ikaw naman CEO diba?" tanong ko kay Adrian, halata na sa boses ko ang irita.







When my gaze landed on Ezekiel's direction, nagtataka niya akong tinignan. Wala siguro siyang alam na ex ko pupuntahan namin. Alam niya lang siguro na pupunta kami ng Switzerland.







Lust ForeverWhere stories live. Discover now