24: Assumptions

1.4K 55 1
                                    


I stared at the lavender colored ceiling. Naiilawan kasi ito ng sunrise mula sa bintana ko. Wala na naman akong tulog.




Palaisipan pa din sa akin kung bakit ganun yung ginawa ni Dustin noong isang araw. Hindi pa naman kami nagkikita ulit kasi wala pa siyang inanunsyo na meeting.




Ang weird lang talaga nung nangyari sa coffee shop. Ang weird ko din kasi hindi man lang ako nagtaka agad kung bakit siya nandun.




He was genuinely happy at that moment. I saw those kinds of smiles noong kami pa noon. Pumupungay pa sa saya ang mga mata niya.




"Ma'am, hindi po ako makakasama, sorry po, masama kasi pakiramdam ko. Kanina pa ako pabalik balik sa banyo. Siguro dahil sa spaghetti na maasim na nakain ko kagabi. Siguro po panis ang hinain sa restaurant," malungkot na sabi ni Linda sa akin.



Ezekiel laughed, "ganun talaga ang french spaghetti, miss Linda. Hindi 'yon panis."





I pressed my lips to stifle a laugh. I composed myself at dinala ang mga folder. "Hindi ka lang siguro nasanay sa lasa. It's okay you can stay here, I'll message you when I need something."




Pinapasok naman agad kami ng sekretarya ni Dustin sa opisina ni Dustin. Wala pa siya kaya umupo kami ni Ezekiel sa couch ng opisina niya.




His office is big. It looks spacious sa laki ng mga mirrors sa wall.




The wall behind his office table is all glass din kagaya sa office namin sa hotel nila. Mas kita dito ang buong Zermatt, napakaganda. Nakakawala siguro ng stress ang magtrabaho dito.




The design of his office is just like Adrian's office din sa Pilipinas kaya nga papalitan ko na si Adrian para ganito din ang office ko. Iikot ka lang para tignan ang view pag nastress ka tapos mawawala na agad 'yon.




"Gusto ko din ng ganitong office," I said out of the blue.




"Ganito talaga, ma'am?" Ezekiel asked, there's a hint of disbelief and disappointment in his voice kaya napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.

Lust ForeverWhere stories live. Discover now