"Tama na please! Tama na!" pagmamakaawa ko pero hindi nila ako pinansin

Hahampasin na dapat nila si Xy pero humarang ako para sa akin tumama ang ipupukpok nila dahil kapag kay Xy tumama iyon sigurado ako na ikamamatay niya na iyon.

Masakit ang pagkakahampas sa'kin, sana lang hindi ko iyon ikamatay.

"L-Lexa! B-bakit mo g-ginawa 'yon?" ngumiti ako sa kanya, iyon na ang huli kong narinig dahil nawalan na ako ng malay

Xy's POV

Sht! Leche kung sino man may gawa nito mapapatay ko talaga siya! Wala siyang karapatan na saktan ang isang babae lalong-lalo na si Lexa!

Okay lang na ako ang mabugbog 'wag lang siya. Kaya nga pinauna ko na sila Matthew at Trish dahil tinext ako ng kung sinong poncio pilato na may pakana ng lahat ng ito, dahil nasa kanya daw si Lexa at kapag daw may kasama akong sa pagpunta ko dito may mangyayaring masama sa kanya.

Tinanggap ko ang mga bugbog nila sa'kin, hini dahil mahina ako. Dahil ayoko lang makita ni Lexa kung gaano ako katarantado kapag mahal ko na ang nasa panganib.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng mga bumubugbog sa'kin lalo na doon sa lalaking kanina pa tawa ng tawa dahil nabugbog na nila ako. May kung ano talaga sa lalaking 'to. Parang kilala ko siya. 

"Lexa.. please, gumising ka 'wag kang bibitaw" bulong ko kay Lexa na masama ang tama dahil masyadong malakas ang pagpalo sa kanya ng lalaki

Mabuti na lang at sinabi ko kay Matthew na tumawag sila ng pulis pagkaalis na pagkaalis nila. Ilang minuto pa ang lumipas at may dumating na na mga pulis at ambulansya. Hindi na nila naabutan ang mga gumawa sa amin nito. Magbabayad pa din sila.

Dinala agad kami ni Lexa sa loob ng sasakyan ng ambulansya. Hindi ako humiga sa kamang hinihigaan ng mga pasyente kahit na malala ang lagay ko. Mas pinili kong makasama sa sasakyan si Lexa at pagmasdan ang bawat paghinga niya, dahil takot akong mawala siya.

"Lexa please... gumising ka." bulong ko sa kanya

"H'wag mo 'kong iiwan, please?" dagdag ko pa

Maluha-luha na ako dahil sa pag-aalala sa kanya. Mabuti na lang at hindi siya natamaan sa ulo niya, kundi sa may balikat siya natamaan.

"Wala na akong aasarin kapag nawala ka, sige ka si Matthew na lang ang aasarin ko, gusto mo ba na kami ang magkatuluyan?" pabiro kong sabi na nagpatawa sa mga nurse na kasama namin sa loob ng sasakyan

"Hay naku sir, 'wag po kayong mag-alala gagaling din po 'yang si Ma'am." sabi ng isang babae

"Boyfriend niya po ba kayo sir?" nagtatakang tanong ng isa namang babae

Boyfriend? Oo... fake nga lang.

"Ah oo..." hindi pa ako tapos magsalita ay sumabat na kaagad ang isang nurse

"Haaay naku sabi ko na nga ba eh! Unang kita ko pa lang sa inyo sir bagay na bagay talaga kayo! Ingatan mo po 'yan si Ma'am ha?" mabilis na sabi ng babae

"Oo nga sir botong-boto ako sa inyong dalawa. Akala ko nga kanina magkapatid kayo eh. Kasi sobrang magkamukha kayo. Yun pala girlfriend mo naman si Ma'am" bakas sa mga ngiti nila ang tuwa dahil ang alam nila ay tunay na mag-girlfriend/boyfriend kami ni Lexa.

Paano nga kaya kung maging real couple kami at hindi lang basta fake relationship ito?

Napaka-imposible naman kasi, dahil sa araw-araw na ginawa ba naman ng Diyos eh wala na kaming ibang ginawa kung hindi ang mag-away at mag-bangayan na dalawa.

Simula ng makilala ko 'yan ang dami ng nagbago sa buhay ko. Dati naman ang tahi-tahimik ng mundo ko nung wala pa siya. Tapos ng bigla siyang dumating ayun nagbago na.

Siya lang ang hindi tinablan ng "charm of Xyrus" ko. Dahil nung unang araw na nakilala ko siya, binato ko pa nga siya ng kung anong bagay noon, siya lang ang may lakas ng loob na sagut-sagutin ako. Sa pogi kong ito? Grabe, kakaiba talaga ang babaeng ito.

"Xy...." nabigla ako ng magsalita si Lexa, pero nakapikit pa din. Nananaginip ba siya?

"'Wag mo 'kong iiwan please? Natatakot ako..." dagdag pa nito

"Shhh.... shhhh.. hindi kita iiwan." pagpapaamo ko naman

Kumalma naman ako ng tumigil na siya pero kakaibang kaba ang naramdaman ko ng bigla na lang siyang nanginig.

"Honeybee ... nandito lang ako. 'Wag mo kong iiwan." bulong ko naman sa kanya

"Honeybee please stay with me..." mangiyak-ngiyak kong sambit

Does True Love Exist?Where stories live. Discover now