Natigilan si Evan sa sinabi ko at napatitig sakin. Nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

"Nagmakaawa sakin si Xiela.." Napaangat ang tingin ko ng magsalita si Evan. Kumunot ang noo namin ni Jared sakaniya. Nagmakaawa? Bakit?

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Jared.

Bumuntong hininga si Evan at umiwas ng tingin, "Nagmakaawa siya na maging kami kahit wala naman akong nararamdaman sakaniya. Sinabi niya na ayos lang kahit hindi totoo basta maramdaman niya lang na naging sakaniya ako kahit sandaling araw lang. Nung una ayoko talaga pero pinilit niya ako. Nagmakaawa siya. Wala na akong nagawa at hindi ko siya natanggihan dahil alam kong mas lalo siyang masasaktan kapag hindi ako pumayag."

Nanlaki ang mata ko sa pinaliwanag ni Evan. Kung ganon, kaya pala hinahayaan lang ni Xiela na maging malapit sila ni Evan dahil ginusto niya rin? At siya pa ang nagmakaawa kay Evan para lang maging sila kahit hindi naman totoo ang nararamdaman ni Evan para sakaniya? Grabe! Hindi ako makapaniwala!

"Pero dapat nag-isip ka pa ng mabuti, pre! Mas lalo siyang masasaktan sa ginagawa niyong dalawa." Madiing tugon ni Jared sakaniya. Napasang-ayon ako kay Jared. Tama nga naman siya. Mas lalo lang niyang pinahirapan si Xiela. Mas lalong nahulog si Xiela pero hindi naman siya kayang saluhin ni Evan.

Napasambunot si Evan ng kaniyang buhok, "Wala akong intensyong saktan si Xiela. Mahirap man paniwalaan pero nagsisimula na akong magbago. Ayoko ng manloko ng mga babae pero tangina, nagawa ko na naman dahil kay Xiela. Hindi ko na alam ang gagawin!"

Ilang sandali kaming natahimik ni Jared bago ako suminghap at nagsalita.

"Gusto mo ba si Xiela?" Tanong ko.

Napatingin siya sakin, "Maganda siya, mabait at sexy pero hindi ko siya gusto. Ikaw 'yung gusto ko, Katrine."

Napasinghap ulit ako sa sinagot niya. Tanginang Evan 'to. Hindi ko naman sinabi na sabihin niyang sakin siya may gusto. Kakaurat kausap amputek.

"Bitawan mo na 'ko at sakaniya mo nalang itutok ang atensyon mo. Alam kong hindi magtatagal at magugustuhan mo rin si Xiela. Baka nga magulat pa kami dahil isang araw at mahal mo na siya." Sabi ko. Siya naman ngayon ang napasinghap at hindi nakapagsalita.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Jared, "Basted na si Evan. Kay Xiela ka nalang."

"Tangina! Hindi ganon kadali 'yon!" Naiiritang sabi ni Evan at napasambunot ulit ng buhok. "Katrine, bawiin mo 'yung sinabi mo! Hindi madali 'yung pinapagawa mo sakin!"

"Maniwala ka sakin, Evan. Matututunan mo ring magustuhan o mahalin si Xiela." Sabi ko at dumukot na ng chichirya sa pagkain ni Jared. Nakita ko namang napanguso siya. Inirapan ko lang.

"Huhu!" Natigilan ako sa pagnguya ng marinig ang iyak ni Evan. Hala, tangena. Umiiyak si gago?

"Tangina naman, pre! Bakla ka ba?" Naiiritang sabi ni Jared kay Evan at binato siya ng chips sa mukha.

Humikbi si Evan, "Tangina mo din, Jared! Hindi ako bakla!"

"Eh bakit ka umiiyak?"

"Sinayang kasi ako ni Katrine. Wala na tuloy siyang gwapong manliligaw!" Sagot nito dahilan para umasim ang aking mukha. Gago ampota.

"Ulol ka! Lumayas ka na nga dito!" Sabi ko at pinagbabato siya ng chichirya.

"Abnormal ampota. Ikaw na nga sinayang tas ikaw pa iiyak? Bobo ka ba talaga?" Sabi ni Jared at tumawa ng malakas.

Umayos ng upo si Evan at kunyaring pinunasan ang luha.

"Gago!" Sagot niya kay Jared. Tumayo na siya dahilan para kumunot ang noo namin.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now