Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Mabilis akong nag-type.

Ako:

Hindi puwede!

Tinignan ko si Jared at nagtama ang paningin namin. Pinanlakihan ko lang siya ng mata pero mukhang di niya nakukuha ang punto ko. Kinabahan ako ng magsimula ng magsalita si Jared.

"Wait.." Sabi niya kaya napahinto kami sa paglalakad. "Alam mo ba ang gagawin namin ngayon, pre?"

Putangena ka, Jared.

Kumunot ang noo ni Kenrick na syang nakapagpataranta kay Sean.

"Hindi.. ano bang gagawin niyo?" Tanong ni Kenrick.

"Tutulungan namin si Sean na maglayas sakanila." Diretsong sabi ni Jared. Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Tanginang Jared 'to! Hindi man lang dinahan dahan. Potek na 'yan!

Nanlaki ang mata ni Kenrick. "Ano?!"

"Tutulungan namin si—"

"Totoo ba 'yun, Sean?" Pigil ni Kenrick sa pagsasalita ni Jared at tinignan si Sean. Diretso lang na nakatitig si Sean sa mukha ni Kenrick at tumango. Narinig ko ang singhap ni Kenrick.

"Tapos isasali niyo si Katrine sa kalokohan niyo? Hindi puwede!" Giit ni Kenrick. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Pagbabawalan talaga ako ng mokong na 'to!

"Kenrick.." Tawag ko sakaniya. Tumingin siya sakin ng nakasalubong ang kilay. "Tulungan na natin si Sean. Feeling ko may mabigat siyang dahilan kaya niya gagawin 'yun. Tulungan nalang natin siya. Ipapaliwanag niya naman satin kung bakit niya gagawin 'yun eh."

Hindi nakapagsalita si Kenrick. Dumako ang tingin niya kay Sean. Bigla siyang nakaramdam ng awa rito. Kahit hindi sabihin sakin ni Kenrick ang nararamdaman niya, alam ko kung ano ito. Matagal ko ng kaibigan si Kenrick. At pati paghinga niya kilala ko. Hahahaha.

Bumuntong hininga siya, "Oo na! Pero siguraduhin niyo lang na hindi mapapahamak si Katrine sa kalokohang 'to ah! Malalagot talaga kayo sakin!"

Ngumisi si Jared, "Yehey!"

Natawa ako sa reaksyon ni Jared. Parang bata talaga 'tong si Jared. Tss.

"So anong plano?" Tanong ko at tinignan si Sean. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita.

"So ganito ang gagawin natin.." Ipinaliwanag niya samin ang gagawin namin. Tumango lang kaming tatlo sakaniya.

"Okay!" Sabay sabay naming sabi. Pupunta daw muna kami sa bahay nila Sean at magpapakilala sa mga magulang niya kunyari. Tapos isasama ako ni Sean sakaniyang kwarto para makuha ang mga gamit niya na nakahanda na. Pagkatapos nun, ihuhulog daw namin ang mga gamit niya sa bintana ng kwarto niya at doon rin kami dadaan para makatakas. Habang ang dalawa naman naming kasama na nasa dining table kasama ang mga magulang ni Sean, ay magpapaalam agad sa mga magulang ni Sean at magpapanggap na may emergency. At kapag nakalabas na sila, doon kami magkikita kita sa gate nila Sean.

At iyon ang plano namin! Hahahaha! Naiisip ko palang ang plano namin, natatawa na 'ko! Feeling ko kasi nasa isang pelikula kami. Hahahaha.

"Nandito na tayo guys," Sabi ni Sean. Napanganga kami sa bahay nila este sa mansion nila! Grabe! Sobrang laki. Para kaming nasa isang malakaing palasyo!

"Sigurado ka bang maglalayas ka, Sean? Ayaw mo ba sa ganitong mansion?" Biglang tanong ni Kenrick na nakanganga narin sa laki ng bahay nila Sean.

"Sumunod kayo sakin." Iyon nalang ang nasabi ni Sean at naglakad papasok sa malaking gate. Nang makarating kami sa harap ng gate, kusa itong itong bumukas kahit wala naman kaming pinipindot o ano. Basta kusa nalang bumukas!

"Woah! Ang yaman niyo pala, Sean! Pero bakit sa public school ka nag-aaral?" Sabi ni Jared. Bigla rin akong nagtaka. Oo nga. Bakit sa public school?

"Gusto ko lang." Maikling sagot ni Sean habang naglalakad kami. Napansin kong may fountain sa nilalakaran namin. Napanganga ako sa disenyo nito.

"Sean, sigurado ka ba talaga na maglalayas ka? Bigla kasing nahiya 'yung bahay namin sa mansion niyo eh." Natatawang sabi ni Jared.

Sumimangot si Sean, "Sigurado na nga ako. Kung gusto mo, dito ka nalang tumira."

"Sige ba!" Masayang sabi ni Jared.

Ngumisi naman si Sean, "Tignan lang natin kung masabi mo pa 'yan kapag nakilala mo na ang magulang ko."

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Pati si Jared at Kenrick ay napalunok sa sinabi ni Sean.

Di na kami pinansin ni Sean at lumakad na siya papunta sa pinto ng kanilang mansion. Sumunod kami sakaniya at pagpasok namin sa loob ay napanganga kami sa laki at ganda ng loob nito.

"Good evening, master." Napatingin kami sa sabay sabay na nagsalita. Magkakahilerang maid ang nasa harap namin at bahagyang nakayuko kaharap si Sean.

"Wow master! Astig!" Natatawang bulong ni Jared sa gilid. Tinignan ko lang siya ng masama at pinatikom ang bibig. Ngumisi lang siya sakin.

Hindi pinansin ni Sean ang mga maid at lumakad lang. Sinundan naman namin siya hanggang sa makarating kami sa dining table nila. May mahaba itong lamesa at sa pinakadulo nito, nakaupo ang isang lalaking medyo may katandaan na ngunit makikita mo parin ang tindig at ma-otoridad sakaniyang itsura.

Nanlaki ang mata namin ng makitang hinahaplos nito ang isang baril. Lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba. Naramdaman kong biglang hinawakan ni Kenrick ang kamay ko. Napatingin ako sakaniya at nagtama ang paningin namin. Gamit ang mata niya, sinabihan niya ako na 'wag akong matakot dahil kasama ko siya. Pero hindi ko parin maiwasang kabahan lalo na't may baril itong hawak.

"Dad.." Ramdam ko narin ang kaba ni Sean dahil sakaniyang ama. Napaangat ang tingin ng matanda sa amin. Napangisi siya ng makita ang kaniyang anak.

"Bakit ngayon ka lang?" Nakangising sabi nito pero ramdam ko parin ang tensyon sakaniyang pagsasalita.

"Sinasadya mo bang magpahuli ng pag-uwi para hindi mo maabutan ang mama mo?" Kalmadong tanong nito habang nakatitig sakaniyang baril.

Umigting ang panga ni Sean. "Hindi ko siya mama. At kahit kailan hinding hindi mangyayari 'yon."

Nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa sinabi ni Sean. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon.

Napatili ako ng umalingawngaw ang putok ng baril sa kung saan. May nabasag na flower base malayo samin. Nanginig ako bigla ng malamang pinaputukan 'yon ng baril ng ama ni Sean. Humigpit ang hawak sakin ni Kenrick. Si Jared naman ay naestatwa sa kinatatayuan at natatakot narin dahil sa natuklasan.

"May kasama ka pala.." Para akong binuhusan ng isang katerbang yelo ng isa isa kaming titigan ng tatay ni Sean. Nakakapanindig balahibo.

Ngumisi ito at pinatong ang hawak na baril sa gilid ng kaniyang plato.

"Bakit hindi mo sila ipakilala sakin, anak?" Nakangising sambit nito habang nakatingin kay Sean. Nakita kong nag-igting ang panga ni Sean dahil sa narinig.

"Hindi mo na kailangan makilala ang mga kaibigan ko." Matigas na sambit ni Sean at parang pinipigilan matakot.

"So rude. Iyan ba ang natututunan mo sa pagbabarkada sakanila?" Sabay sabay kaming napasinghap sa sinabi nito samin. Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng matandang 'to! Kagigil.

"Sa kwarto lang kami." Walang ganang sabi ni Sean at tinalikuran ang ama. Sinundan namin si Sean ngunit napahinto kami at nanigas ang buong katawan ko ng umalingawngaw na naman ang putok ng baril sa kung saan.

"Hindi pa kita tapos kausapin! 'Wag mo akong pahiyain!" Nagitla kami sa lakas ng boses ng ama ni Sean.

Parang halimaw, tangina!

"Ano pa bang pag-uusapan?" Diretsong tanong ni Sean sakaniyang ama.

"Pag-uusapan lang natin kung bakit ka lalayas ng mansion."

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now