18

21.4K 641 5
                                    


WALANG hindi napasinghap sa mga naroon. Lahat ay kinakitaan ng matinding pagkabigla.

Si Jewel ay nawalan ng kulay ang mukha. Tinutop ang bibig upang hindi mapasigaw. Ngayon ay alam na niya kung ano ang nangyari sa loob ng study ni senior Leon.

Si Julia ay napahagulhol ng iyak. Umalingawngaw sa isipan nito ang huling sinabi ni Alicia bago ito namatay dalawampu at pitong taon na ang lumipas.

"M-mama... patawarin mo... ako... ang anak ko... isa siyang... Fortalejo..."

"P-papaanong nangyari iyon, Marco? Si Alfon? Ano ang katotohanan?" pahikbi nitong tanong.

"Natitiyak kong may explanation ang lahat, Mama. Confidential ang kasunod na sulat. Hindi namin maaaring basahin sa inyo. Tanging si Bernard lamang ang may karapatang magpaalam nito sa inyo kung gugustuhin niya," pagkatapos ay sinulyapan si Jewel at sa pagkakataong iyon ay malapad na ngiti ang ibinigay nito sa hipag.

Nilingon ng dalaga si Emerald. Nakangiti rin ito at ginagap ang palad niya at pinisil. "The darkest time of the night is before dawn, love," bulong nito sa kapatid.

Tumayo si Jewel. "Marco, Emerald, buong buhay ko... I have never been prouder of my parentage maliban sa sandaling ito. Gusto kong isigaw ito sa buong mundo," sinulyapan si Nathaniel na nagsasalubong ang mga kilay, ganoon din ang mga nakapaligid. "Kung sino man ang gustong magkontesta sa minana ko, Marco, ibigay mo sa kanilang lahat or better yet, give it to Bernard. For all I care," pagkatapos ay humakbang patungo sa pinto nang tawagin siya ni Marco. Nilingon niya ang bayaw.

"Nasa kuwadra si Firewind, my very precious Jewel. Gamitin mo." kumikislap ang mga mata nito sa kaligayahan para sa kanya.

"I love you, Marco. Ikaw din, Nathaniel. You are my two favorite people in the world... next to Bernard."

Nathaniel blew her a kiss at inakbayan si Jasmin. "Kung anuman ito, princess, hinahangad naming lahat ang kaligayahan mo."

Kristine 4, Jewel, black Diamond COMPLETED  (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon