Nagpupuyos siya sa galit. "Send me back home, Bernard, now, and I swear, ipagkakaloob ko ang sarili ko kay Mitchel o kahit na si—"
Nagdilim ang mga mata ni Bernard. Inilagay ang kamay sa leeg niya, choking her a little. "Damn you!"
Naubo siya. "Y-yes... I'll be... damned kung hindi ko gagawin iyon. Just..." Hindi niya natapos ang sasabihin. He was kissing her cruelly, painfully. Halos madurog ang mga buto niya sa pagitan ng mga bisig at dibdib nito. Kahit ang pagdaing ng sakit ay naipit sa lalamunan niya.
Natitiyak niya, she'll die of suffocation and fractured ribs. At nang halos maubos na ang lahat ng hangin sa baga niya'y pinakawalan siya ni Bernard. She was catching precious breath!
"You... you, b-bastard! Muntik mo na akong patayin!"
"Wala kang kaarapatang sabihin sa akin iyon, Jewel." Galit at passion ang nasa mga mata nito. "Nang makita ko kayong dalawa ni Mitchel sa loob ng kotse, french kissing, you were a breath away from being murdered!"
BINABASA MO ANG
Kristine 4, Jewel, black Diamond COMPLETED (UNEDITED)
RomanceNagawang paghiwalayin ni Leon Fortalejo sina Jewel at Bernard noong una. Nagkaroon ng relasyon si Bernard kay Sandra kaya umalis si Jewel patungong Amerika with a broken heart. After almost three years, bumalik siya sa kagustuhan na rin ni Leon. Si...