8

22.8K 696 4
                                    


MAHIGPIT na niyakap ni Leon ang apo.

Si Jewel ay hindi makapaniwala sa anyo ng matanda. Malaki ang itinanda nito at inihulog ng pangangatawan.

"What have you done to yourself, Leon Fortalejo?" wika niya rito na bagaman may himig-biro ay naroon ang pag-aalala.

"Nah. Huwag mo akong intindihan, nieta," nakangiting sagot nito. "Now that you're here, mababawasan ang pag-aalala ko sa kompanya." Pagkatapos ay hinagod ng tingin ang dalaga. "Where have the little Jewel gone? You look very pretty and sophisticated," may paghangang sinabi nito.

"Thanks to you..." natatawang sagot niya. Nilingon ang helicopter na noon lang umangat mula sa lupa.

Ngumiti si Leon.

"Nagkakilala na kayo ng anak ni Judge Adriano, nieta?"

"Si, senior," maikling sagot niya. At kung anuman ang gustong sabihin ni Leon ay napigil ng paglabas nina Margarita at Jasmin.

Pagkatapos ng mahabang kumustahan ay saka pa lang nakapagpahinga si Jewel. Sina Marco at Emerald ay umuwi sa de Silva farm nang araw ding iyon.

SA loob ng dalawang araw mula nang dumating siya'y parati silang magkasama ni Don Leon. Marami itong ipinaliwanag sa kanya tungkol sa gawain sa Kristine Cement.

"Lo siento, nieta. I'm sorry. Bakasyon ka pero puro ang kompanya ang ipinaliliwanag ko sa iyo."

"Walang problema, senior. I learned a lot from you. Ayokong basta nangangapa pagdating sa kompanya." marahan niyang itinulak ang wheelchair nito patungo sa ilalim ng matandang punong narra kung saan may mga upuang yari sa kahoy at nakahanda na ang pitsel ng buko juice. Nagsalin siya sa baso at iniabot sa matanda.

"Tatlong araw ka pa lang dito, hija, pero may nabihag ka nang corazon..." tukso nito pagkatapos uminom nang kaunti ng juice.

Tumaas ang mga kilay niya. "Ano ang ibig sabihin niyan?"

"Ako yata ang nakatanggap ng tawag sa radio ni Mitchel kanina." nagkibit ito ng mga balikat. "Bueno, gusto ko ang batang iyon. Galing sa buena familia. Nag-aral ng aviador sa ibang bansa at..."

Malakas na tawa ang pinakawalan ng dalaga at itinaas ang dalawang kamay "Uh... uh... no matchmaking, senior. Kinumpirma lang ni Mitchel ang tungkol sa date namin bukas. Date, senior, a friendly date. No more, no less," binigyang-diin niya ang huling sinabi.

"Pero walang masama, hija, kung higit pa sa magkaibigan ang kahahantungan ng..."

"Lolo!" natatawang awat ng dalaga.

"Okay, okay," wika ng matanda na nabaling ang pansin sa paparating na sasakyan. "Pickup ba ni Marco ang dumarating na iyan, hija?"

"Kanya nga, Lolo. Pero hindi yata si Emerald ang kasama. Ang Tiya Julia..." biglang bumangon ang kaba sa dibdib ng dalaga nang makilala ang sakay ni Marco.

Sa mismong malapit sa kanila inihinto ni Marco ang pickup.

Umikot sa kabilang pinto upang alalayan sa pagbaba ang ina at iabot dito ang pinasadyang crutches na aluminum.

Sumalubong si Jewel. Niyakap at hinalikan sa pisngi si Julia. "Kumusta na po kayo, Tiya Julia?"

"Nagtatampo sa iyo," at nagkunwang nagagalit.

Napangiti si Jewel.

"Kumusta ka na, Leon?" bati nito nang iupo ni Marco sa garden set.

"Muy bien, gracias, Julia. Isang malaking karangalang nadalaw ka. Ang huling nandito ka'y noong ilabas ako sa ospital sa ikalawang atake ko at iyon ay mahigit nang tatlong buwan." kitang-kita sa mga mata ng Don ang sinseridad ng sinasabi at ang galak sa pagdalaw na iyon ng matalik na kaibigan.

"Tulad mo, Leon, nakakulong din ako sa silyang de-gulong. Ang kaibahan nga lang ay nakakatayo ako paminsan-minsan dahil sa crutches na ito," pagkatapos ay tumingin kay Jewel na nakaabrisete kay Marco at nakangiti sa mga ito.

"Tatlong araw na rito ang apo mo, Leon, pero hindi ako dinadalaw. Kahit tawag sa telefono ay wala."

"Oh, I'm sorry, Tiya Julia, may jet lag pa ako. At saka panay ang briefing ng lolo sa akin," dispensa niya.

Iwinasiwas ng matandang babae ang kamay at hinagod siya ng tingin. "I'll forgive you, Jewel, pero sa isang kondisyon."

Nagkatinginan ang maglolo. "Anong kondisyon, Tiya?" natatawang tanong ng dalaga.

"Bukas na ang balik nina Marco at Emerald sa Maynila, hija. Kaya gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito para anyayahan ka ng isang linggo sa farm."

Kung nabigla man si Leon ay hindi ito nagpahalata. Pero si Marco at si Jewel ay parehong nangabigla. Si Marco ay noon lang nalaman ang intensiyon ng ina. Ang akala nito ay gusto lang dalawin si Jewel at natuwa namang dalhin si Julia rito dahil natitiyak nitong ikatutuwa ni Leon ang pagdalaw ng ina.

Si Jewel ay gustong tumanggi pero paano niya gagawin iyon nang hindi sasama ang loob ng matandang babae? Pamilya na ang mga de Silva. At natitiyak niyang alam ni Julia na hindi tatanggi si Leon.

"Sa susunod ay babalik na sa Maynila ang apo mo, Leon, upang pangasiwaan ang kompanya mo. Siguro naman ay hindi mo ipagkakait na isang linggo muna sa bahay si Jewel?" wika nito na sinamahan ng lungkot ang mukha. "'Pag tumatanda tayo, Leon, nawawala ang mga bata. May kanya-kanya nang buhay. Inaasahan kong nang mag-asawa si Marco ay maglalagi sa farm pero hindi naman maiwan ang trabaho sa Maynila. Idagdag pa ang trabahong ibinigay mo sa kanya sa kompanya..."

"Mama..." si Marco na hindi inaasahang mangongonsensiya si Julia.

"Tama ang mama mo, Marco. Sige, Julia, bukas din ay paparoon sa farm si Jewel at mananatili roon ng isang linggo bago siya bumalik ng Maynila," sang-ayon ni Leon pero may nahagip si Jewel sa mga mata nito na hindi niya kayang bigyan ng pangalan.

"Bien, Leon, bien..."

Kristine 4, Jewel, black Diamond COMPLETED  (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon