12

23.7K 684 18
                                    


SA HAPUNAN ay hindi pa rin dumarating si Bernard. Narinig niyang nagtungo ito sa munisipyo kasama si Manong Luis. Alam na niya kung bakit.

Pagkakain ay kinuha ng dalaga ang gitara na nakasabit malapit sa piano. Buhay pa rin ang instrumentong malimit gamitin ni Bernard noon.

Lumabas siya sa garden at naupo sa upuang bato malapit sa mga halaman. Inilagay sa tono ang gitara at tinipa.

Memoryado ng mga kamay niya ang tutugtugin. Isa sa mga paborito ni Bernard, John Denver's "Back Home Again." Sinabayan niya iyon ng kanta nang marahan.

There's a storm across the valley

clouds are rolling in....

there's a truck out on a four-lane

a mile and more away....

There's a fire softly

burning supper's on the

stove there's a light in your eyes that makes me warm

Lumakas ang pagtipa niya sa gitara. Ibinuhos ang damdamin sa country folksong na iyon.

Hey it's good to be back home again

Sometimes this whole farm feels like

a long lost friend

Yes, hey, it's good to be back home again.

All the time that I can lay this tired

old valley down and feel your

fingers feather soft on me

Your kisses that I live for

and your love lights my way

happiness in living with you brings me

It's the sweetest thing I know of

just spending time with you...

Hindi niya namalayan na kanina pa nasa pintuan si Bernard at pinakikinggan siya.

She was close to tears nang matapos. Paglingon niya'y nakita niya ang binatang nakatiim ang anyo. Inilapag niya ang gitara sa tabi at tumayo. Nilampasan ang binata at nagmamadaling pumanhik.

Anumang komprontasyon mula rito ay natitiyak niyang hindi niya kaya sa mga sandaling iyon. Isa ito sa mga lowest moments niya. Pero hindi nagsalita ang binata at hinayaan siya.

Hindi pa siya gaanong natatagalan sa pagkakadapa sa kama ay walang pasintabing pumasok si Bernard.

"May tawag ka, si Mitch," pormal nitong sinabi at iniabot ang CP sa kanya.

Sinagot niya iyon nang nakahiga.

"Hello..." aniya sa gumagaralgal na tinig. Si Bernard ay nanatiling nakatayo sa gilid ng kama. Dumapa siya upang hindi makita ang binata na sa tantiya niya'y kahit gamitan mo ng tractor ay hindi aalis sa kinatatayuan nito.

Sandaling nawala ang kalungkutang nadama niya nang marinig ang mga panunukso ng binatang nasa kabilang linya. Bago niya namalayan, she was laughing softly.

"I'm expecting a call in exactly one minute, Jewel." parang kulog ang tinig ni Bernard sa pandinig niya na bigla siyang napatihaya at napatingin dito. Nag-aapoy ang mga mata nito sa pagkakatingin sa kanya.

"Hang-up, Mitch. may hinihintay na tawag si Bernard..." aniya sa kausap sa telepono at hindi maiwasang sumulyap sa binata.

"Where are you?" tanong ng binatang nasa kabilang linya.

Kristine 4, Jewel, black Diamond COMPLETED  (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon