5

22.9K 749 18
                                    


HINDI maalo ni Jasmin si Jewel na patuloy sa pag- iyak. "Please, Jewel... calm down."

"I hate him, Jas... I hate him!"

"Mabuti at hanggang maaga ay ganito ang nangyari, Jewel. Siguro ay talagang pagtinging kapatid lang ang iniuukol ni Bernard sa iyo. Sa pagkakaalam ko, maliit pa siyang bata, he was made to believe na mga kapatid niya kayo ni Emerald."

"At paano mo ipaliliwanag ang mga nangyari sa amin? Ang namagitan sa amin?"

Nanlaki ang mga mata ni Jasmin. "Did you... did you...?" hindi nito maituloy-tuloy ang sasabihin.

"No. I could have lost myself but he was so much in control of himself," patuloy siya sa paghikbi.

"Na dapat mong ipagpasalamat," pagdiriin ni Jasmin. "At kaya marahil ganoon ay dahil nalilito si Bernard. Hindi niya matiyak kung ano ang talagang damdamin niya para sa iyo. Higit mong ipagdaramdam at kasusuklaman siya kung pagkatapos may nangyari sa inyo ay saka mangyayari ang ganito," patuloy nito. Bagaman hindi kayang tanggapin ng isip ni Jasmin na ang uri ni Bernard ang hit and run type.

Sa kaunting panahong pagkakakilala kay Bernard ay masasabi nitong responsable bagaman tahimik ang binata. Pero hindi na gusto ni Jasmin na dagdagan pa ang sama ng loob at habag ni Jewel sa sarili.

"I love him, Jas... I love him and hate him at the same time!"

"Bata ka pa, Jewel. Only nineteen. Lilipas din ang nararamdaman mo sa pagdaan ng panahon. Makakatagpo ka ng bagong pag-ibig."

Hindi sinagot ng dalagita iyon. Sana nga... sana nga. Subalit sa mga sandaling ito'y walang katulad ang hapding nararamdaman niya.

TWO WEEKS pagkatapos ng pangyayaring iyon ay tinapos ng dalagita ang semestral break niya sa Paso de Blas at bumalik sa Maynila.

Sa talampas ay naroon si Bernard at tinanaw ang papalayong sasakyang magdadala kay Jewel sa hotel kung saan naroon ang helicopter na maghahatid sa dalaga sa Maynila.

"Nakikita mo ba iyon, Firewind?" anang binata sa alumpihit na kabayo. "There goes my only love and my everything," usal nito sa halos sumabog na dibdib.

"Good-bye, my precious black diamond..."

Kristine 4, Jewel, black Diamond COMPLETED  (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon