Chapter 5

1.6K 26 2
                                    


SERINA

"Babe... let's go outside" ani ni Doc. Ranier, ang doktor na nagaalaga kay Selene and also my boyfriend for more than a year.

Iginiya ako palabas ng kwarto ni Selene at nang makalabas sa kwarto ay agad niya akong niyakap at doon ako lumuha.

Paulit ulit nalang na senaryo.

"Shh.. magiging okay din siya gagawin ko lahat ng kaya ko para gumaling na siya." Pag aalo niya ngunit lalo lang ako umiyak at di nag salita.

"Kailangan na natin siyang operahan as soon as possible bago pa lumalala yung lukemia niya."

Umiiling iling akong umiiyak ng maalala ko ang bone marrow transplant niya, it costs 8 million for her operation and for the bone marrow, although tinutulungan ako ni Ranier sa bills pero nahihiya na ako. Halos buong sweldo na niya ay binibigay sa akin para matulungan ako.

"Give me more time please, hayaan mong kumpletuhin ko ang pera para mabayaran na din kita nahihiya na ako sayo. All you have to do is keep her alive and safe bago siya maoperahan please..."

"Don't worry di ko siya pababayaan, at saka sinabi ko naman sayo na tutulungan kita diba?" Pagpapagaan ng loo nya saken,

I'm flattered, sobrang bait niya talaga he doesn't deserve a woman like me, nahihiya ako sa kanya at sa sarili ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Ranier at tumungo saka siniil ng halik ang aking labi.

RON

"Ahm sir... ito na po yung resibo ng bills niyo" ani ng nurse na halatang  nagpapansin.

"Thanks." Tinanguan ko siya at kinuha ang resibo ng maramdaman ko ang bahagyang paghaplos niya sa kamay ko.

Ngumiwi ako at umalis sa counter.

I checked my wrist watch, 5:58am. I sighed then start walking papunta sa patient's ward ngunit umagaw sa attention ko ang isang lalaking naka doctor's robe at isang babaeng naka yellow dress na naghahalikan.

Di ko ugaling makitingin sa mga naghahalikan pero napako ang tingin ko sa babae, she seem so familiar.

Ang tindig at ang kulay abo nitong buhok.

"Serina..." mahinang anas ko.

Lumingon ang lalaki sa kinatatayuan ko marahil ay napansin niyang may nakatingin sa kanila.

Lumingon din si Serina, kita ko ang gulat sa mata niya ngunit agad din iyong nawala.

"Sir, nandito pala kayo---" dinig kong sabi niyang nakangiti nang biglang tinalikuran ko sila.

Dumiretso ako sa ward kung nasaan si Mang Lando na naka cast ang braso.

"I'll go." Diretso kong sabi at kumuha ng 1k sa wallet at ibinigay iyon sa kaniya at walang sabing tinalikuran.

End of chapter five

Don't forget to vote and follow. Lovelots♡

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jan 29, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The StripperTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang