2

36.1K 843 20
                                    

NAHINTO sa pagdidilig ng halaman si Julia nang marinig ang pagdating ng isang sasakyan. Umaliwalas ang mukha nito nang makilala ang sakay. Pinatay nito ang gripo at pinagulong ang wheelchair pasalubong sa bagong dating.

"Jewel, hija..."

Bumaba ang dalagita mula sa jeep, lumakad patungo sa matanda at humalik sa pisngi nito.

"Ano ito? Akala ko ba, sabi ni Marco ay nakatatayo na kayo riyan sa wheelchair 'pag may crutches?"

"Paminsan-minsan, hija. Hindi ko naman inaabuso ang sarili ko dahil nanlalambot ang aking mga tuhod 'pag matagal akong nakatayo."

"Kung sabagay," aniyang lumingon sa kabahayan na tila may hinahanap ang mga mata. "Nariyan po ba si Bernard, Tiya?"

"Naku, eh, nasa koral. Teka at ipasusundo ko kay Agnes." akma nitong pagugulungin ang silya papasok sa bahay pero pinigil ni Jewel.

"Huwag na, Tiya, at ako na lang ang pupunta. Gagamitin ko na lang ang jeep."

"Mabuti pa nga, hija. Matatagalan pa kung mag-uutos ako. Hala sige, lumakad ka na."

Bumalik sa jeep ang dalagita at pinatakbo ang jeep sa direksyon ng koral.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Julia. Hindi maintindihan ang ginagawa ni Bernard na pag-iwas sa dalagita nitong mga nakaraang araw. At kapag tinatanong naman niya, lagi na'y umiiwas ang binata.

At ang pakikipagmabutihan nito sa babaeng Montejo ay hindi niya gusto. Kahit papaano ay mas magaan ang loob niya kay Alexa kaysa sa kakambal nitong si Sandra. At bagaman magalang ang pakikitungo rito ay hayagan niyang ipinakikita kay Bernard ang disgusto sa babae.

Sana'y makaisip ng matino ang binata bago pa lumawak ang agwat ng hindi pagkakaunawaan nito at ni Jewel. Totoong si Jewel ang napupusuan niya para kay Bernard bagaman napakabata pa nito. Disi-nueve anyos pa lamang.

Pero hindi naman niya sinabing mag-asawa na si Bernard. Madali nang lumilipas ang mga taon at ang mahalaga'y nagkakaunawaan ang dalawa.

Pero sa nangyayari'y nawawalan siya ng pag-asa.

MALAYO pa siya'y natanawan na niya si Bernard na nakayuko sa may paanan ng kabayo kasama ang dalawa nitong tauhan.

Lumingon ang binata nang iparada niya sa di-kalayuan ang jeep. Nagsalubong ang mga kilay nito pagkakita sa kanya.

Biglang nakadama ng insekyuridad si Jewel. Talaga bang hindi na siya welcome dito? Hindi na ba nito gustong nagpupunta siya rito sa farm?

Nag-aalangang humakbang siyang papalapit dito.

"Hi! Ano ang nangyari diyan?" tanong niya. Her hands behind her back.

"Umiika. Napilay marahil," sagot ng binata na hindi lumilingon. "Ipapadala ko nga sa kuwadra at patitingnan ko mamaya sa beterinaryo."

Hindi na muna nagsalita ang dalagita at tahimik na pinanood ang ginagawa nito.

Makalipas ang ilang sandali ay tumayo si Bernard at hinarap siya.

"Napasyal ka," wika nito sa tonong tila isa lamang siyang ordinaryong kakilala.

"If Moses won't go to the mountain, then the mountain will come to Moses."

Sinulyapan ni Bernard ang dalawang tauhan. "Sige na, Ador, Filipe, dalhin na ninyo sa kuwadra iyan at sabihin ninyo kay Agnes na tawagan ang beterinaryo," utos ni Bernard.

Agad namang sumunod ang dalawang lalaki.

Si Jewel ay lumakad patungo sa koral at sumampa roon. Naupo sa pinakaibabaw.

Pinagmasdan ni Bernard ang dalagita. Hindi niya kailanman pagsasawaang tingnan ang mukha nito. Black diamond, iyon ang tawag niya rito dahil sa maitim nitong mga mata na lalo pang pinaitim ng makapal at mahahabang pilikmata. Ilong na matangos nang bahagya kaysa sa normal na pilipina. And lips which she sexily pouted when angry and irritated that it made you feel hungry for her kiss.

At saan ba niya ihahalintulad ang makinis nitong balat? Sa latik ba ng niyog o sa pulot-pukyutan?

Pagdating sa anyo ay magkaibang-magkaiba sina Jewel at Emerald.

Si Emerald ay tipikal na mestisa espaniola at kahit ang buhok nito ay deep brown. While Jewel is dark and yet it didn't make her less beautiful. She has an exotic beauty.

Nililipad ng hangin ang tuwid at mahabang buhok ng dalagita. Katulad ng isang black and silky waterfall.

"Stop staring at me, Bernard," ani Jewel na pumutol sa ginawang pagsusuri ng binata. "Hindi mo sinasagot ang sinasabi ko."

"Napakaabala ko ngayon, Jewel. Alam mo namang dalawang beses lang kung umuwi rito sina Marco at Emerald sa loob ng isang buwan mula nang may hawakang mahalagang kaso sa Maynila si Marco. At naatang sa akin ang maraming trabaho," paliwanag nito na ipinasok ang mga kamay sa bulsa.

"But not really so busy with other people. Women specially," akusa niya.

Nang hindi agad sumagot si Bernard ay nagpatuloy ang dalagita. "This is a small town, Bernard. At ang subdivision na kinatatayuan ng bahay ng mga Montejo ay pag-aari ng Lolo. Sa nakalipas na mga buwan, you've been extra friendly with Alexa..."

"She's married now, Jewel..."

"I know. But it didn't stop you from seeing her twin sister." nasa mukha niya ang matinding hinanakit sa binata. "Why can't you even have the decency to tell me that it's over between us..."

Napangiwi ang binata sa sinabi ni Jewel at umiwas ng tingin. "I... don't want to hurt you, Jewel..."

"Pero sinasaktan mo ako sa ginagawa mo. Hindi ko nga alam kung ano ang nagawa kong masama..." pinipigil niya ang pagbagsak ng mga luha. Kumikislap iyon sa mga mata niya.

"You've done nothing wrong. It is just that I realized na para lang kitang... kapatid. A younger sister..." there, nasabi nito ang nararapat sabihin.

Nanlaki ang mga mata ng dalagita. "A younger sister!" hindi makapaniwalang bulalas niya. Naningkit ang mga matang tumalon siya mula sa koral at pagalit na nilapitan ang binata.

Pagkatapos ay walang sabi-sabing iniyakap ang mga kamay sa leeg nito at siniil ito ng halik.

She was kissing him passionately. Her body warm against his. Her breath like a morning mist. Kabisado na ni Bernard iyon at lahat ng tatag na maaaring maipon sa sandaling iyon ay ginawa nito.

Makalipas ang ilang sandali'y kumawala ang dalagita. "Ngayon mo sabihin sa akin na ganoon ang halik ng kapatid na babae sa kanyang kapatid na lalaki, Bernard!"

Mabilis na tumalikod ang binata upang itago ang epekto ng halik na iyon. Ano ba ang dapat sabihin? Sana ay wala na ang mga ganitong komprontasyon.

"Bigyan mo ako ng kapani-paniwalang dahilan kaysa sa sinabi mo!" Tumaas-baba ang dibdib niya sa galit. "What are we, a kissing relative? Had I kissed you a little longer, nakikita ko na kung ano ang kasunod na mangyayari sa atin."

Nag-ipon ng hangin sa dibdib si Bernard. "I'm sorry, Jewel, I really am. Pagtinging-kapatid lamang ang damdamin ko sa iyo. I realized that now at ang nangyari sa atin ay isang malaking pagkakamali."

Magkahalong galit at matinding sama ng loob ang naramdaman ni Jewel sa sinabing iyon ng binata.

"Damn you, Bernard! Mamatay man ako at mabuhay muli, I still would not want you for a brother!" Pagkasabi niyon ay patakbong tinungo niya ang jeep.

Nang sandali pa'y naiwan sa binata ang alikabok mula sa arangkada ng sasakyan ni Jewel.

Yes, Jewel, kung tumagal pa nang isang segundo ang halik mo, you would have melted my resolved. At hindi rin kita gustong kapatid, not in a million years.

Kristine 4, Jewel, black Diamond COMPLETED  (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon