I

36 4 4
                                    

•— YRANNA —•
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid...

'Not bad'

"Miss ito na yung ID mo" lumingon ako sa guard at tumango.

"Thank you" tsaka tumalikod at naglakad.

I looked at my watch, 7:00 am. Maaga pa naman, my class will start at exactly 8:30 am so meron pa akong 1 hour, 29 minutes and who-knows-how-many seconds.

Well, I'm kinda surprised. Hindi ko inexpect na ganito ang itsura ng school na'to.

Bubungad sa'yo ay ang fountain sa gitna. If I'm not mistaken, its a sword that is pointed to the sky and has a lightning on the tip of it.

I smirked.

'Nice. I think I'm going to enjoy in here'

Sa palibot ng fountain ay ang mga buildings na may kulay na light violet, sky blue and silver. Aircondition ang lahat ng room at naka tiles ang floor.

Napatigil ako sa pagsusuri ng kung anong pisikal na meron ang school na ito ng may tumamang flash sa akin.

Nilingon ko ang pinanggagalingan ng flash at nakita ko ang isang nerd na nakatutok pa camera ng cellphone sa akin.

Napataas ang kilay ko at nilapitan siya. Namutla siya at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin. Hindi rin ata niya inaasahan na may flash na lalabas.

Kinuha ko ang cellphone niya at pumunta sa gallery at tinignan yung picture ko.

Oh! I like the shot. Stolen na stolen yung dating. (Insert the sarcasm here)

But then hindi ko na din buburahin, maraming nagsasabi na maganda ako at aminado naman ako dun. So I'll let this slide.

"Sorry po. Hindi ko sinasadya na—" pinutol ko na siya sa pagsasalita.

"...na may flash? Nah! Its okay, ang ganda nga ng shot eh. I bet you want to be a photographer" I said.

I saw his cheeks reddened...

Okay, I'll admit it.

Kyeopta...

Hinila ko siya tsaka inakbayan. In-on ko yung camera ng phone niya, tinapat ko yung camera sa amin at nag-peace sign. Nakita ko naman na nakayuko siya,

"Yah! This is a remembrance you know, so smile!" I said then tinapat ulit sa amin yung camera then click!

Tinanggal ko yung pagkakaakbay ko sa kaniya at saka inabot sa kaniya ang cellphone niya.

"Here. Send me a copy, huh?" Then I tumalikod na ako at naglakad papuntang room ko.

8:00 palang naman kaya nang makarating ako sa room, wala pang tao so pinili ko yung upuan sa may dulo, sa may tabi ng upuan na tabi ng bintana. Sa madaling salita, nakaupo ako second to the last na katabi ng bintana. Nakasara yung bintana dahil, tulad nga ng sinabi ko kanina, aircondition ang lahat ng building and room.

Dumukdok muna ako sa desk ko at iidlip muna, tutal wala pa naman sila.

Naalimpungatan ako ng maramdaman na marami na ang tao sa loob ng room.

Inangat ko ang ulo ko tsaka sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Inayos ko din ang damit ko at dumiretso ng upo.

Nang tumingin na ako sa harapan ay napataas ang kilay ko ng makitang lahat sila ay nakatingin sa akin.

'Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?'

Kumurap ako at itinabingi ang ulo. Mukhang natauhan na sila kaya nag-iwasan sila ng tingin pero may iilan pa rin na nakamasid sa mga galaw ko.

Although nakamasid sila sa akin, ramdam ko naman na harmless sila so kalma lang.

Nawala ang tingin nila sa akin at napatingin sa pinto ng bigla itong bumukas, yung pagbukas na parang sinipa kaya tumama pa ito sa dingding.

Hindi ko na tinignan pa kung sino ang mga tao sa likod ng bumukas na pintuan dahil inaayos ko ang gamit ko.

Nilabas ko ang notebook ko at ang ballpen pero sa kamalasmalasan nga naman ay gumulong ito at nahulog.

Nilapag ko ang bag ko sa sandalan ko at akmang aabutin ang ballpen ko ng makita ko na sa tapat ng isang panglalaking sapatos ito huminto.

Tumayo ako at tumingala. Nagtitigan kami sa mata.

Malamig ang mga mata nito at walang emosyon pero habang nagtatagal, nababasa ko ang natatagong emosyon nito at hindi ko naiwasan na mapakunot ang noo.

"Excuse me?" Napatingin ako sa katabi nitong lalaki, may suot itong glasses at mukhang tahimik. Tikom lang ang bibig nito at nakatitig lang din sa akin.

Kumpara sa kaharap ko, mukhang mahinhin ang appearance nito. Malamlam ang mga mata at ang soft ng nakikita ko sa kaniya.

"Hi!" Sabi naman ng katabi nito at kumaway pa sa akin.

Hindi tulad ng dalawa, malakas na energy ang nasesense ko sa kanya. Mukhang makulit, yung tipong hindi ka titigilan hanggang sa hindi ka napapapayag sa gusto niya.

"Hello...?" Saad ko tsaka kumaway din pero yung mukhang hindi sure sa sinasabi.

"Lanzee" Sabi niya sabay ngiti.

In fairness, cute siya.

Tumingin naman ako sa katabi niya nang maalala ko na nag-excuse me siya kanina.

Tinignan ko siya...

"Who are you?" I asked.

Tinagilid niya ang ulo niya gaya ng ginawa ko kanina at parang sinuri ako.

Nagstraight ulit siya ng ulo at saka ako sinagot.

"Vain"

Tumango naman ako at saka tumingin ulit sa kaharap ko.

Parehas kaming walang imik kaya sobrang tahimik.

Nagbuntong hininga nalang ako saka lumuhod para sana kunin ang ballpen ko ng sumabay din siya sa pagluhod kaya nagkauntugan kami.

Napapikit ako saka inalog ang ulo.

'Pasaway talaga siguro siya, ang tigas ng ulo eh'

Tumingala ako saka nakita na may kamay na nakalahad kaya tinanggap ko iyon at hinila ako nito patayo.

"Here. By the way, I'm Wuin"

•—•
@MSTHY_13

CHAINWhere stories live. Discover now