PROLOGUE / START

37 7 2
                                    

" Yranna Revelez
That's her name
They call her as "Ive"
None of them know her as her. "

Remember her by this:
" You should Respect After Ninety-Nine percent Assurance " -YRANNA Revelez
- • - • -
"Pa naman! Ayoko na!" Sabi ko habang nagmamakaawang nakatingin sa aking ama.

"Itutuloy mo o ako mismo ang gagawa sa'yo?" Malamig na tingin ang ipinukol nito sa akin.

"Pero pa! Naaawa na ko! Ako yung nakakarinig ng lahat ng daing nila bago sila mawala sa mundong ito" Hindi ko na napigilan ang mga luhang lumabas sa aking mga mata.

"Sa pamilyang ito, walang awa-awa"

"Pero pa-"

"Manahimik ka! Kung hindi mo gagawin ito, huwag ka nang bumalik dito at kalimutan mo nang may pamilya ka" Marahas na sabi ng Papá at masamang tumingin sa akin.

"Pamilya nga ba? Pamilya nga bang maituturing ito kung ganito naman ang turo?" May halong pang-iinsulto ang tono sa boses na maririnig na nagmula sa akin.

"Wala kang karapatan bastusin ang pamilya na ito dahil unang-una sa lahat ang binabastos mong pamilya ay pamilya mo!" Sabi ng Papá at mas lalo akong nakaramdam ng inis kasabay ng pagkamuhi.

"Hindi pinapalayas ng pamilya ang sarili nilang kapamilya" Saad ko habang pinipigilan ang sarili na manggigil sa inis.

"Marami kang hindi alam at wag kang magmarunong na parang alam mo lahat ng bagay sa bahay na ito kaya kung hindi mo gagawin, maaari ka ng umalis sa bahay na ito kasabay ng pagkaalis ng pangalan mo sa pamilyang ito" Walang awang saad nito kasabay ng pagtalikod nito sa akin at pumasok sa kanilang silid.

~||•^•||~
MSTHY_13

CHAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon