CHAPTER 21: CHRYSLER POV

179 2 0
                                    

CHAPTER 21: CHRYSLER POV

(This chapter is dedicated to LuhJinDemon07. Enjoy reading!! )

(alamin naman natin ang side ng bestfriend "DAW" ni Nat :D Habang binabasa niyo to pakinggan niyo po yung music na pinost ko. Heheee :) )

Ako si Chrysler Ryan Mendoza. Kaibigan ni Nat. Sobrang tagal na naming magkaibigan ni Nat, kaming tatlo nila Ken. Kung ano ang alam ni Ken, alam ko rin, siguro angat lang siya ng 10% sa mga nalalaman ko tungkol kay Nat. Gusto ko ako ang proprotekta kay Nat. Ayaw na ayaw kong may nangyayareng masama sa kanya kasi ganun siya kahalaga sa akin. Pero iba ang mahalaga sa mahal. Yun lang.

(picture ni Chrysler sa gilid ----> )

Hindi ko alam kung san ako magsisimula. Pero siguro sisimulan ko na lang sa mga panahon na nawawala sila Nat nung outing namin sa La Union. Sobrang galit na galit ako kay Nat kasi muntik na siyang napagsamantalahan ng mga kutong lupang nakahanap sa kanya. Kung ano naman kasi iniisip ng babaeng to. Tapos dun na lang namin nalaman na iniwan siya biglaan ni Clarence ng wala man lang sinasabing dahilan. Katalinong tao, nabobo agad nung iniwan. Oo, nagalit ako sa kanya, nasigawan ko siya pero kasi sobra lang akong nag-alala kaya ko yun nagawa. Nagawa ko lang yun dahil ayaw kong nakikita siyang nasasaktan dahil sa mahalaga nga siya sakin.

Araw-araw, nakita namin kung gaano kalungkot at sobrang nag-aalala si Nat. Araw-araw, halos madaig na niya ang PNP sa paghahanap kay Clarence. Araw-araw, nakikita namin siyang umiiyak at bawat araw na nakikita ko siyang nahihirapan at nasasaktan, lagi na lang akong nag-aalala at nasasaktan kasi kaibigan ko siya at mahalaga siya sa akin.

Ilang linggo din bago nagpakita sa amin si Clarence. Naramdaman ko ulit na sumaya si Nat nun pero gago lang kasi bigla na lang parang nawalan ng pakialam sa kanya si Clarence. Sa sobrang inis ko, nasuntok ko siya. Nakakainis! Bakit kailangan niyang saktan si Nat ng sobra-sobra?!?! Minahal siya ni Nat at tinanggap siya ng pamilya niya tapos eto ang igaganti niya?! Gago lang?!?! Wala akong pakialam kung gumawa ako ng eksena nun, basta ang alam ko lang GALIT AKO KAY CLARENCE. GALIT NA GALIT. Kasi sinaktan niya ang babaeng pinapahalagahan ko. Pero sabi ko nga, iba ang mahalaga sa mahal.

Nung araw din na yun humiwalay sa amin si Nat pero di niya alam sinundan ko siya. Sa oval pala ang punta niya. Maya-maya sumigaw siya, sumigaw siya na AYAW NA NIYA tapos umiyak. Di ko matiis na di siya damayan kaya nilapitan ko siya at sinabing tumahan na siya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Ewan ko pero parang iba ang naramdaman ko nun, pero baka naawa lang ako sa kaibigan ko kaya ganun. Hanggang sa nakatulog na siya sa kakaiyak ng yakap-yakap ko siya. Dun ko unang napansin na ang ganda pala ng kaibigan ko, ANG GANDA PALA NI NAT. Makinis ang mukha, mahaba ng mga pilikmata. Ang ganda niya. At... At... Teka! Ano ba tong sinasabi ko? Wala yun. Kalimutan niyo ng nabasa niyo yun... Kaya ginising ko na siya bago pa ako mag-isip ng kung ano ano nanaman.

Sinabi ko sa barkada na kung maaari ay hintayin namin si Nat hanggang sa matapos silang mag-usap ni Clarence.

Ilang beses nagmakaawa si Nat kay Clarence, lumuhod na siya't lahat-lahat, wala pa rin nangyare. Iniwan siya ni Clarence ng umiiyak. Ang sakit din pala pag nakikita mo ang kaibigan mong sobrang nasasaktan at umiiyak. Dahil dun naospital si Nat at hindi ko siya iniwan hanggang di ko nasigurado na maayos na nga siya. Dalawang araw din siyang asa ospital pero ni bumisita kahit kaibigan man lang di nagawa nung magaling na Clarence na yun. Pero wala na akong pakialam sa kanya.

Naisipan nila Ken na pag-usapin pa rin si Nat at Clarence, di ako sang-ayon sa ideya nilang yung kaso wala pa rin akong nagawa. Parang gago lang kasi lalo lang pinalala nila Ken ang sitwasyon, mas triple pa ata ang sakit na naramdaman ni Nat nung mga panahon na yun dahil sa mga binitawang salita ni Clarence.

Cold-hearted GirlWhere stories live. Discover now