CHAPTER 17: CARLO-KENNY BREAK UP/NAT VS. FRIENDS?

131 3 0
                                    

CHAPTER 17: CARLO-KENNY BREAK UP/NAT VS. FRIENDS?

KEMYLL POV

After nung discussion namin about the offer of Ms. Sanchez, napunta rin ito sa pag-accept. Wala eh, nagustuhan ko na din para mabwisit ko si Mia. Bwahaha >:)) Siya nag-umpisa eh. Kaya kahit suicidal ang ginawa ko, okay lang at least may bago nanaman akong matutuklasan sa sarili ko.

Nung una ayaw ng kuya ko kasi nabother siya sa schedule ko sa dance troup kasi maaga daw akong aalis sa bahay and everything. Halos araw-araw nga pinagtatalunan namin yan pero in the end, napapayag ko din siya. Kung dati, pag sinabi ng NO ni kuya hindi ko na siya papakiusapan pa pero ngayon iba na, bahala silang makipagtalo sa akin. Basta kung ano decision ko yun na.

May 1 week na din akong nagpapakapagod. I mean, sa pagsayaw okay naman ako pero sa drama club, feel ko isang scene pa lang pagod na ako. Ewan ko.Actually, everyday akong bwisit na bwisit kasi ikaw ba naman, classmate mo na nga ng buong araw nangaaway sayo, kasama mo pa sa play. Diba? Sinong di masisira ang araw dun? Psh...

Andito kami ngayon sa canteen. Buti nga nabuo nanaman kami eh. Nung mga first weeks kasi halos sa room na lang kami magkikita. Eto namang si Ken, alam kong may mali sa kanya. Kahit naman naging maldita ako, lalambot at lalambot pa din ako pagdating sa mga kaibigan ko, lalo na kay Ken.

"Ken I know you have a problem, spill it out."

"Nat -- " --Reynne

Tumingin ako sa kanya at sinabing "I'm not talking to you." saka ko binalik ang tingin ko kay Ken at tinaasan siya ng kilay.

"We're done." --Ken

"Nambabae nanaman nuh?" Instead of receiving an answer, I got a hug from her. Oo, yumakap siya sa akin sabay hagulgol. Minsan lang naman to umiiyak sa akin eh at sa lahat ng pagkakataon na umiyak siya, alam kong itong iyak niya ang pinakamasakit.

KEN POV

"Hi-hindi ko alam kung saan ako nagkulang <huk> sa kanya kung bakit kailangan niya ulit akong lokohin. <sniff> Pang-ilang beses na to. At ang pinakamasakit pa eh, siya ang tumapos sa amin. <huk> Bakit ganun Nat?"

"Alam mo kasi Ken, I warned you pero anong ginawa mo binalikan mo pa rin. I've told you before, once is enough and twice is too much. Sa sobrang daming beses ka na niyang niloko bumalik ka pa rin sa kanya. Minsan kasi, hindi laging puso ang pinapairal. Minsan, utak din. Kasi pag laging puso, lulubog ka masyado at mahihirapan ka ng umahon niyan." --Nat

Alam ko naman yun eh. Binalaan pa nga niya ako na mag-ingat na kasi once na naloko ako, uulit-ullitin na yun ni Carlo pero mahal ko kasi siya kaya kahit anong ginagawa niya, nagagawa ko pa rin siyang patawarin.

"Teka Nat, time out. Si Ken pa rin ba ang pinag-uusapan natin?" --Mich

"Ano satingin mo? Psh." --Nat

"Nat di ko lang kasi talaga kayang mawala siya eh. Hi-- "

"Eh siya nga kinaya niyang iwan ka eh. Yan ang itatak mo sa utak mo. Kaya kayo Neil at Reynne, wag kayong pakasigurado na you both won't fall out of love. Kahit pa sabihin niyong since bata magkakilala na kayo, wala pa rin kasiguraduhan sa lahat ng bagay. Lalo ka na Mich, siguraduhin mong matino yang boyfriend mo, mamaya di mo alam niloloko ka na pala. At ikaw Vince, sana magseryoso ka na diyan kay Jam, sana lang. Sana isipin mo ang mga pinagdaanan namin bago mo saktan si Jam. Not all people are strong enough to handle pain. Kaya be careful in hurting other people, especially the ones who truly loves you." --Nat

"Teka naman Nat, ibang usapan naman na ata yan. Wag mo naman lahatin. Nasaktan ka lang ng isang lalaki, nilahat mo na? Parang di naman ata tama yun, ibahin mo naman kami. Alam mo Nat, di ko inexpect na sa'yo pa manggagaling ang mga salitang yan." --Vince

Cold-hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon