CHAPTER 39

20 0 0
                                    

A/N: Hi guys. Sorry it took me a year bago nakapag update ulit. Hope you still enjoy reading. Thanks!! :)

CLARENCE POV

Ilang buwan na lang, graduation na naming lahat. Pero ang hirap pa rin isipin na wala na si Chrysler at si Nat? Di namin kasabay. Simula kasi nung namatay si Chrysler, ni hindi na siya lumabas ng bahay nila, nagkukulong na lang. Kino-convince ko siya na try living again for Chrysler. Pero, ito lagi sagot niya...

"How can I start living if the other half of me is already dead? Ang hirap Clarence. Akala ko sobrang sakit na yung naramdaman ko nung iniwan mo ako pero hindi pala. Sobrang sakit nito Clarence. Sobra. Mahirap ipakita sa lahat na okay ka, when the truth is, hinding-hindi na ako magiging okay. Siguro, darating yung araw na i'm well dressed again, i'm going out of my room, attending parties but still, andun pa rin yung pagluluksa ko. I'm just physically alive, the rest... its all dead."

Kakatapos lang ng class namin at sila Ken, di daw makakapunta kay Nat ngayon kasi may pupuntahan sila ni Vince ganun din si Reynne at si Neil. Si Mich naman, may gagawin at si Eryk, dance troup. Si Paul? Di namin siya classmate sa last subject kaya di ko pa alam kung pupunta ba siya ngayon kay Nat.

"Mia. Papasundo na lang kita sa driver. Puntahan ko lang si Nat."

"Lagi ka na sa kanya ha? Kelan ka naman magkaka-oras sa akin?" -Mia

"Alam mo naman na kailangan niya ako ngayon."

"Ikaw lang ba ang pwedeng pumunta sa kanya? Pwede namang si Paul. Hindi kailangan everyday puntahan mo siya Clarence. Ako na ang girlfriend mo, just in case you forget that."

"Alam ko yun pero siyempre, nag-aalala lang ako. It's just that --- "

"Sige na. Go na. Papasundo na lang ako. Pagod ako para makipag-argue pa sa'yo. Ingat na lang." Tapos nagwalk out na siya.

Tch. Bahala siya. Nagpapaliwanag na nga yung tao.

Sa inis ko, umalis na lang din ako.

Sakto nameet ko si Paul.

"Oh bro. San ka?" -Paul

"Kila Nat. Ikaw?"

"Ay dun din sana punta ko pero sige bukas na lang ako. Alam mo na, baka di tayo papasukin. Mailap pa kasi sa tao si Nat eh."

"Sige bro. Salamat. Ingat."

--------------------
Pagdating ko sa bahay nila Nat, sakto kadarating din ni Kuya Dean.

"Andito ka nanaman? Di ka ba nagsasawa bantayan kapatid ko?"

"Hm, alam niyo naman po kuya kung gaano ka-importante sa akin si Nat. Di na maalis sa akin yung urge na gusto ko siyang alagaan, lalo na ngayon."

"Pano si Mia?"

"Saka na po natin siya pag-usapan kuya. Hehe."

"Ang sakin lang kasi Clarence baka dumating nanaman yung panahon na kailangan mo pumili sa kanilang dalawa." May point naman si kuya kaso... "Are you falling in love again with Nat?"

Hala. Sht. Anong sasabihin ko?

"Sige na, akyat ka na. I think I already know the answer. Just make sure, ma-solve mo na yan, habang maaga pa."

Nginitian ko na lang siya. "Kuya Dean, ang tagal na po nung iniwan ko si Nat pero ni minsan di ko pa to nasasabi sa inyo, sorry po. Di ko ginusto yung ginawa ko noon sa kanya. Siguro kung naging matapang lang ako, kami pa rin hanggang ngayon. Sana, di siya nagkakaganyan ngayon."

"Wala na yun Clarence. Tapos na yun. Wala na tayong magagawa pa para baguhin ang nangyari na. Nakikita naman namin na bumabawi ka ngayon sa pag-aalaga sa kapatid namin. Ang sakin lang, habang maaga pa, dapat alam mo na kung ano ang gagawin mo, kung ano talaga ang nararamdaman mo. Kasi baka masanay nanaman ang kapatid ko na andiyan ka lagi, hindi lang siya ang masasaktan kundi pati si Mia. Tandaan mo, laging may masasaktan sa gagawin mo Clarence."

Cold-hearted GirlWhere stories live. Discover now