"Mukang may kakampi na si Sean hahaha" rinig kong sabi ni Hans.

"Hindi ba nila alam ang pinagkaiba ng mabango sa mabaho?" Naguguluhan na sabi ni Cobie. Narinig kong naglakad si Arlo kaya napalingon ako sa kanila, ganun din si Hans.

"San mo nabili 'yang pabango na 'yan?" Tanong niya kay Cobie.

"Bakit? Lalaitin mo rin ba---"

"Ngayon lang ako nakaamoy ng pabangong ganyan kabango! Pwede ba bigyan mo ko niyan ha?" Manghang manghang tanong ni Arlo. Napangisi naman si Cobie bago magsalita.

"Syempre naman bro. Ikaw ang kauna unahang tao na bibigyan ko ng pabango na 'to. Hindi 'to basta basta nabibili sa mga normal na tindahan kaya naman maswerte ka dahil bibigyan kita ng isa" mayabang na sabi niya. Mukang tuwang tuwa ang loko.

"Mukang may kakampi na rin si Cobie ah" natatawang sabi ni Hans. Umiling nalang ako at saka kami sabay na lumabas sa dorm.

Naabutan kong naka sandal si Aiah sa pader habang nakapatong sa likod ng ulo ang dalawang kamay, magkakrus naman ang mga paa niya. Tsk, muka siyang hindi babae sa posturang 'yan. Tibo kaya 'to?

Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sakin ng magkasalubong ang mga kilay. Grabe nakakagulat siya! Bakit ba bigla bigla nalang siyang tumitingin ng gano'n?

Nag-iwas nalang ako ng tingin at saka lumayo sa pintuan, naririnig ko kasing palabas na yung dalawa. Ang lalakas ng mga boses eh.

Pagkalabas na pagkalabas nung dalawa ay naglakad na kami agad palabas sa building. At pagkalabas namin, ang weird ng pakiramdam. Kung kanina pagdating namin ay walang katao tao sa lugar, ngayon ang dami ng mga tao. At lahat ng 'to ay mga estudyanteng kagay namin. Buong akala ko isa talaga 'tong abandonadong lugar at niloloko lang kami ni lolo tanda pero... totoo palang isa 'tong paaralan. Nanlamig ang buong katawan ko ng pagtinginan kami ng mga tao. Lahat sila nakatingin saming tatlo. Yung mga mata nila, hindi ko alam kung bakit pero... parang gusto nila kaming paalisin sa lugar na 'to.

"Bakit kami pinagtitinginan ng mga tao?" Mahinang tanong ni Hans kay Arlo, mukang natatakot siya. Buti nalang kasabay namin 'tong magkapatid, magkakaro'n kami ng kausap at may sasagot din sa mga tanong namin.

"Ngayon kang kasi nangyari 'to" sagot niya at saka tumingin kay Hans. "Ngayon lang nagka-transferee sa Ward University"

"Ngayon lang?" Tanong uli ni Hans at tumango naman si Arlo.

"Walang nakakaalam na may paaralan na ganito at wala ring nakakaalam sa mga nangyayari dito. Hindi makikita ang Ward University sa labas dahil nakatago ito sa matataas at matitibay na pader"

Tama. Yung mga matataas na pader na nakita namin nung nasa gubat kami. Wala talagang mag-aakalang may paaralan pala sa likod ng mga pader na 'yon. At ngayon nandito kami sa loob ng paaralang 'yon.

"Oo nga pala" napatingin naman sakin si Arlo ng ako na ang magsalita. "Ang sabi ni lolo tanda wala raw labasan sa lugar na 'to, totoo ba 'yon?" Tanong ko sa kaniya.

Mukang inisip pa niya kung sino yung lolo tandang sinabi ko pero mukang nakuha naman agad niya kung sino ang tinutukoy ko. "Hindi ko alam" ano??? "Mula kasi ng mapunta kami sa lugar na 'to, wala pang nakakalabas kahit isa" at saka siya nagpilit ng ngiti bago magpatuloy sa paglalakad.

Ibig sabihin hindi na talaga kami makakalabas dito??

"Amazing..." Bulong ni Cobie kaya naman agad ko siyang binatukan. "Aray ko!" At saka siya humarap sakin ng nakakunot ang noo. "Bakit na naman ba?" Asar na tanong niya.

It's Her (My Devil Queen)Where stories live. Discover now