"Safe!" nakangising sigaw ng binata.

Pinaikot ko ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya. Para siya kasing in love na nakatingin sa hawak na tupperware na kinipkip niya pa sa dibdib na para bang sanggol iyon na napaka-precious para sa kaniya.

If there's one thing that people can easily see when it comes to Ocean is his love for food. Normally wala siyang pakielam sa mundo at tatamad-tamad lang pero pag pagkain ang pinag-uusapan ay lagi siyang nangunguna at puno ng energy.

Nakangising lumingon sa akin si Ocean at umayos na siya ng upo bago inabot sa akin ang tupperware na wala akong choice kundi kunin dahil ipinagduldulan niya sa akin iyon. "Ano 'to?"

"Pagkain!" sagot ni Ocean.

"Bakit lagi kang may dalang pagkain? Ano ka ref?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya habang sinisilip ang laman ng hawak ko. Mukhang tinapay ang nasa loob no'n. "Mamaya may makakita sa iyo sa mga babaeng nilalandi mo akalain pa patay gutom ka."

Napanganga si Ocean na para bang hindi inaasahan ang sinabi ko. Hindi ko rin siya masisisi. Nitong mga nakaraan kasi ay para ba akong hangin lang na dumadaan sa harapan nila. Sumasagot ako kapag kinakausap pero hanggang doon lang. It's like I'm just trying to exist in a world where I feel like I'm not rooted at.

"Minsan, Ate Hera, parang gusto na kitang lasunin. Alam mo 'yon?" sabi ng binata nang makabawi siya. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga tingin na pinupukol sa kaniya ng mga kasamahan namin pero parehas naming hindi pinansin iyon.

"Hindi. Alam ko namang may crush ka sa akin eh."

Napasinghap siya kasabay ng pagmulagat ng mga mata niya. Nakarinig ako ng mga hagikhikan dahilan para kusang kumurba ang maliit na ngiti sa sarili kong mga labi.

"A-Ano kamo? Hindi kita crush!"

Pinaikot ko ang mga mata ko. Wala naman atang babae na hindi naging crush ang malanding lalaki na ito. Kahit pa sabihin na marami sa aming mga babaeng agent ang mas matanda sa kaniya ay hindi naman no'n napigilan ang pagsintang pururot niya noong bata pa siya.

"Sus. May picture pa nga ako sa cellphone mo dati noong ten years old ka. Ako kaya ang favorite crush mo saka si Athena kasi kami ang laging pumapatol sa mga experiment mo noon sa kusina." Though if I would look back, talagang mahilig lang kami ng kaibigan ko sa libre kaya nagkakataon na kami ang sumasalo sa mga niluluto noon ni Ocean na sa kabila ng murang edad ay may alam naman na talaga sa pagluluto. Chef ba naman ang tatay eh.

"Ikaw kasi ang nasa pinakauna sa listahan ko na gusto kong ipakulam." sikmat niya sa akin.

"Right. If I know ginagayuma mo na kami ni Athena kaya panay bigay ka sa amin ng pagkain."

"Yuck! Ang tatanda niyo na no!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang pabulyaw na niya iyong sinabi sa akin. Namumula na rin ang mukha niya na para bang any moment bigla na lang siyang sasabog. Marunong pa rin palang mahiya ang isang 'to.

"Age doesn't matter." Lumapit ako sa kaniya at nilagay ko ang isa kong kamay sa gilid ng mukha ko na para bang bubulong kahit hindi ko naman binawasan ang lakas ng boses ko. "Di ba nga ang ultimate crush mo ay si Tita Hurricane?"

Tuluyan nang napuno ng tawanan ang lugar. Mukhang kanina pa rin nakikinig sa amin ang ibang mga agent na ngayon ay tila ba iisa lang ang iniisip sa bagay na naglalaro sa utak ko. Noong bata pa kasi si Ocean kapag nasa paligid si Tita Hurricane ay talagang nagtatago siya. Kapag naman kausap niya si Tita ay parang lagi siyang nakalutang habang pulang-pula ang mukha niya na parang kamatis.

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now