Chapter 13: Hawk

28.8K 1K 37
                                    

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP8TC #HeDer #TeamMasokista #BHOCAMP

A/N: Flex ko lang (magsawa kayo sa kaka-promote ko :3), may new book po si aketchi in collaboration with miss Luna King and MissGrainne. Explore lang sa profile ko at mamamataan niyo ang bagong fafabells sa aking layfu na "D-Lair Series #1: Rovan Veserra". Sana mabasa niyo rin dahil mabilis siyang matatapos (may deadline kasi diretso pasa sa publisher) <3 Bigyan sana ng blessing na ma-ala BHO CAMP/Dagger boy ang magbabasa. Shing shing!

HERA'S POV

Pakiramdam ko ilang oras na akong umaakyat kahit minuto pa lang naman ang mga lumilipas. Ramdam ko na rin ang pagod sa magkabila kong mga braso at pati na sa mga binti ko. Buong bigat kasi ng katawan ko ay nakasalalay sa mga iyon dahil doon ako kumuha ng suporta para hindi ako mahulog. Every part of me is straining to push my body up.

"Imagine kung gaano kahirap ang trabaho ni Spiderman."

Akmang ididikit ko ang isa kong kamay sa glass wall habang ang isa kong paa ay iniaangat ko nang marinig ko ang sinabi ni Nyx. Impit na napaigik ako nang muntik sumala ang kanina ay perpektong sinkronisasyon ng katawan ko.

"Nyx." I hear Stone warned over the listening device.

Tinanaw ko ang kinaroroonan ni Nyx at nakita kong tinaas niya ang isa niyang kamay at nag peace sign. Nangingiting napailing na lang ako. Kahit kailan talaga ang isang 'to. Wala lang kasi sa kaniya ang ganitong mga bagay. Reyna ng multi-tasking ang isang 'yan eh. Parang hindi siya nawawalan ng konsentrasyon. Lalo na pag gabi. Gising na gising ang utak niya.

Nagsimula ulit akong umakyat sa building na isa sa mga bagong gawa sa Pilipinas. Naging kilala iyon dahil sa taas ng mismong building at siyempre dahil na rin sa engrandeng pasilidad na pinagmamalaki niyon. Isa iyon sa bagong proyekto ng Morales-Gomez group.

Isang malaking ingay ang nilika ng pakasalan ni Miranda Gomez ang isa rin na nanggaling sa kilalang pamilya na si Gino Morales. Isa sila sa mga tinuturing na relationship goals. Bukod kasi na bagay na bagay sila dahil na rin sa pinanggalingan nilang pamilya ay maingay din sila sa social media. Natutuwa kasi ang mga tao sa pinapakita nilang sweetness at kasimplehan. Iyon nga lang mukhang short lived ang pagsasamahan nila dahil ngayon nga ay mismong asawa ni Gino Morales ang kumuha ng serbisyo namin para hindi nito magawang mapagpatuloy ang political career.

"I should lay off the chips." I said as I continued climbing. "Pakiramdam ko hihikain na ako sa ginagawa ko."

"Wala kang history ng hika. Kaya mo 'yan."

Napakunot noo ako sa narinig na boses sa listening device. Galing sa control room iyon pero imbes na si Freezale ang marinig ko ay boses ni Athena 'yon. "Hoy buntis matulog ka na."

"Mamaya na. Kumakain pa ako ng ice cream."

"Where's your husband?"

"Nandito sa tabi ko." sagot niya sa tanong ko. "Kumakain ng ice cream."

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now